Pagkatapos ng kasal namin ni Jasper pumunta kami sa paris kung saan isa sa mga pangarap ko na mapuntahan. Noon pa man pangarap ko na makita at puntahan ang Eiffel tower. Sabi nga nila marami daw ang pumupunta na couples doon at doon nangangako ng pagmamahalan nila sa isa't isa. “Hon?" Lumingon ako kay Jasper na nakayakap sa likod ko. Nandito kami sa tuktok ng Eiffel tower nakatanaw sa mga tao sa baba. Katulad namin marami ring couple na nandito. Makikita dito sa taas ang ilog ng paris at mga malalaking gusali. Mahal din ang binayad namin ni Jasper para maka akyat dito at matupad ang isa sa pangarap namin. Well sulit naman kasi ang binayad namin dahil sa elevator na kami dumaan at kay kasama ng glass of wine. Ang iba kasi na mas mura ang tickets kaysa sa amin ay sa hagdan dumaan at masyad

