“Bro tara." Taya sa akin ni Dave habang na sa court kaming dalawa. “Mauna na kayo bro, may dadaanan lang ako.” Sagot ko at kinuha ang face towel at pinunasan ko ang aking mukha. Nandito kasi kami ngayon sa basketball court dito sa School para mag practice para sa nalalapit namin na laro. “Sige bro, basta sunod ka na lang ha, naghihintay sayo ang mga chix mo doon. “ Natatawa saad niya sa akin. Pumasok muna ako sa locker namin at naligo, pagkatapos ay lumabas na ako at pumunta sa kabilang building, kung saan nag aaral ang mga high school student. Agad akong napangiti ng makita ang sadyako dito. “Pssst.. duckling" nakangiting tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at biglang namula ang mukha. “Bakit po kuya?" Tanong niya sa akin. Agad ko naman siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya.

