“ Wag ka mag alala, hindi lang s*x ang habol ko sayo, dahil kayang kaya kitang pakasalan ngayon kahit ura urada." aniya na tumingin sa akin. I irapan ko naman siya at tumingin sa labas. Hindi na rin ako sumagot sa kanya dahil mas mapipikon lang ako sa kanya. “ Oh, ngayon hindi ka na naka imik diyan, bakit akala mo ba nagbibiro lang ako sa sinabi kong kaya kitang pakasalan ngayon mismo ha? Wag mo minamaliit ang pagiging Monticello ko, at baka hindi na kita iuwi sa inyo.” Dinig ko pang sabi niya. “ Oo na, Monticello kung Monticello ka na. Bakit sa akala mo ba natatakot ako sa sinasabi mo? Haa… ikaw magpapakasal? Ang isang Julian Vihaan Monticello na isang babaero, playboy at mapag laro sa babae, ay magpapakasal sa katulad ko? Sa dati niyang pinahiya sa harap ng mga kaibigan niya at kaibig

