Sinabi ko ko kay daddy at mommy na magtatayo ako ng sarili kong botika dito. Pumayag naman si daddy at gusto niya na malapit sa hospital na pagmamay ari ni lolo at lola ako mag patayo ng botika. Pero hindi pa ako sang ayon sa gusto nila ni mommy dahil gusto ko munang kausapin si Brie. Kung isa na ring doctor si Brie gusto ko siyang maging kasosyo, pwede kasi siya mag patayo ng clinic niya at at ako naman ang taga supply ng gamot ng mga pasyente niya. Hindi ko pa kasi siya napuntahan nung galing kami sa mansion ng magulang niya. “Napag isipan mo na ba anak kung saan ka magpapatayo drugstore? “ Tanong sa akin ni mommy habang kunalain kami ng hapunan. " Hindi pa my eh, pupuntahan ko po muna si Brie at tatanong ko po siya kung gusto niya mag tayo ng clinic kasama ako para naman pwede kaming

