Tumingin ako ng seryoso kay jake kung nagsasabi ba siya ng totoo. Alam ko na hindi magawang mag sinungaling sa akin ni Jasper, pero hindi nga ba? Lalo na at umiiba na ang ugali nito at hindi na ito katulad ng dati. "Baka nagkakamali ka lang. Ang sabi ni Jasper sa akin may practice sila ngayon at alam kong hindi siya mag sisinungaling sa akin." Saad ko kay jake at tumalikod dito. " Sige kung ayaw mong maniwala sa akin sasamahan na lang kita. Pa gabi na at alam mo naman dito sa university hindi mo masasabi ang utak ng ibang estudyante." Aniya sa akin na hinawakan ako sa siko at iginiya papasok sa loob ng gym. At katulad nga ng sinasabi nito walang tao doon o estudyante na nag pa practice katulad ng sinabi sa akin ni Jasper. Kung ginagabi ito ng uwi saan ito pumupunta? Bakit kailangan niy

