Jasper pov Napa tingin ako sa cellphone ko ng umilaw ito at tumawag sa akin si mommy. "Mom?" Sagot ko sa kanya. Bigla kasi akong nag alala na baka may nangyari masama sa asawa ko. "Anak hindi kapa ba uuwi?" Tanong sa akin ni mommy sa kabilang linya. "Pauwi na rin po ako maya maya mom, why?" Tanong ko sa kanya. "Tumawag ba sayo ang asawa mo at nag paalam sayo kanina?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " Ano ho, ang ibig niyong sabihin na nag paalam sa akin si Bella? " Tanong ko sa kanya. Hinubad ko ang suot kong apron at pinunasan ko ang aking kamay. " Hindi ba siya nag paalam sayo? Umalis kasi siya kanina sa bahay anak, hindi ko naman siya masamahan dahil umalis kami ng daddy mo ngayon, tinawagan ko ang kapatid mo hindi pa daw umuwi ang asawa mo galing sa bahay ng parents niya, ang

