Ang lapad ng ngiti ko ng makapasok ako sa room namin. Pero napa kunot din agad ang noo ko ng makita ko si, Jake na nakaupo dulo. "Magkaklase kami sa subject na microeconomics?" Bulong na tanong ko sa aking sarili at tumingin sa kanya. Tila nagulat din si Jake ng magsalubong ang aming mga mata. Hindi rin niya siguro inaasahan na makita ako dito. "Best! Halika na." Tapik sa akin ni Suzy. Kaya bigla akong natauhan at nag iwas ng tingin kay Jake. "Sabi ni tita ang aga mo daw umalis, saan ka nagpunta? Hinahanap kita kanina sa library pero wala ka. Ang sabi ni tita may gagawin ka daw sa library eh." Aniya ng maka upo na sa upuan namin. Sinulyapan ko pa ng isang beses si Jake bago umupo sa aking upuan. "Ah, baka nagkasalisi lang tayo. Wala pa ba sina Flor?" Pag iiba ko sa usapan namin.

