Ilang linggo na mula ng maging kami ni Jasper at patuloy ang set up namin na patago ang relasyon namin. Alam ko na minsan ay nagtataka na din ang mga kaibigan namin dahil hindi na ako nagrereklamo kapag sumabasabay ako sa kanya sa pag uwi at pag papasok naman ng school ay lagi rin niya ako sinusundo. Nagtataka na rin si mommy at daddy kung bakit bigla kaming nag kalapit na dalawa. Pero sinabi ko na lang, na mas okay na hindi ko awayin si Jasper para hindi na ako ma stress sa kanya. "Hon, nag paalam ka ba kina tita na gagabihin ka?" Tanong sa akin ni Jasper. Nasa condo niya kami ngayon at katatapos lang ng may nangyari sa ating dalawa. Ganito naman kami palagi, kapag pupunta kami sa condo niya para sa me time namin ay nauuwi sa lovemaking. Humarap ako sa kanya. "Oo, sinabi ko na may gagaw

