V

1483 Words
"Pina-ospital daw kaninang mga alas sais pasado." Sinabi ng kuya niya at nanlamig ang katawan niya rito. "Ha? Bakit, napaano siya?" Mahinahon ngunit sobra na siyang kinakabahan at hindi na alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Sa isip isip niya ay kaya naman pala malata at maputla si Athena. Hindi kaya may sakit ito? "Hindi ko alam," mahinang sabi ng kuya niya. Buti pala ay kuya niya ang naka sagot ng tawag kaya nahatid sakaniya ang balita. "Saan naka-admit? Conscious naman?" Tuloy tuloy na tanong niya dahil hindi na talaga siya mapakali. "Hindi 'ko alam, eh," tanging sagot ng kuya niya. Alam niyang hindi siya papayagan pero nag baka sakali siya at mag papaalam. Dala niya ang kaba para sa lagay ni Athena kapareho ng kaba niya sa pagpapaalam noong nag lalakad na siya sa hallway ng taas ng bahay nila. Naka-pikit siya ng mariin noong kumatok at unti-unti niyang binukas ang kaliwang mata. Hindi niya alam na nagtataka na ang papa niya noong pag-buksan siya kaya napaayos siya ng tayo noong masilayan si papa niya. "Eh... Hi pa!" Patay malisyang bati niya. Hindi siya inimik nito at naka-silay lang sa mukha nito ang pagka-taka. Ngumiti naman siya ng maasim. "Pa... pwede 'ko po bang puntahan 'yung kaibigan 'ko? Na-ospital po..." Tumango lang ang papa niya na hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya o ikakalungkot niya? Hindi naman kasi siya iniimik ng papa niya. Hindi niya na nga maalala ang boses ng papa niya, eh. Seryoso 'yon, ah? Patakbo siyang bumababa ng hagdanan ng makita niya ang mama niya na nakapamewang at naka-tingin sakaniya. Unti-unting bumagal ang pag-baba niya ng hagdanan dahil kinabahan na naman tuloy siya. "Oh, saan ang tungo mo?" Sabi ng mama niya na akala mo naman ay may pake sakanya. Napa yuko lang siya at nag kutkot ng kuko niya. "Sa ospital, ma," sabi niya. Puro siya pag babaka-sakali sa oras na iyon. "Bakit? Anong gagawin mo ro'n?" "Naka-admit si Thena." Sabi niya at naka-yuko pa rin kaya hindi niya nakikita ang itsura ng mama niya. "Bakit mo pupuntahan? Gabi na! kaya niya na 'yon! May pamilya 'yon!" talak ng mama niya. Oo nga naman, may pamilya si Thena at hindi naman siya iyon na sa oras na ma-ospital ay siguro pababayaan lang. "Okay," simple niyang sagot at nag martsa na pabalik ng kwarto niya. Napaiyak siya sa halo-halong emosyon. Awa sa sarili at pag-aalala kay Athena. Mga ilang minuto na siyang umiiyak, naka upo atnakatanaw sa bintana mula sa kama niya. Nang biglang tumunog ang cellphone niyana nandoon pa pala sa long sleeves niya. Naka sando na lang siya, eh. Unknown Number ang naroon kaya hindi niya na sana sasagutin pero napindot niyaang green na button. "Hello?" pauna niya nang salita, kagat niya ang labi pagkatapos para iwasanghumikbi dahil katatapos lang niya nga sa pag iyak. "Umiiyak ka ba?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Hindi siya sumagot dahilkinikilala niya kung kanino itong boses. Pamilyar naman kasi talaga. napa-iling pa siya ng mapag tanto kung kaninong boses iyon. "'di ah, sino 'to?" Patay malisya na sabi niya kahit alam niya naman talagakung kaninong boses iyong nasa telepono. "Don’t act like you don’t know?" Patanong na sabi nito na ikinataka niya. "Huh? Bakit, sino ka ba?" Tanong niya. Para kasing hindi na ‘yon si Cedric, eh. "Ako," sabi nito at kaunting tumawa. "Hindi mo talaga alam? Cedric!" "Ah, ‘di ‘ko kasi sure. Hindi lang nag conclude." Simpleng sabi niya na lang. Gumaang ng kaunti ang nararamdaman niya dahil kausap niya na si Cedric. ...Dahil may kausap na siya, iyon. "Sus, kunwari ka pa," Sabi nito at napa-tikhim, "Bakit ka umiiyak?" Ay sus, bakit ba kasi kailangan pa nitong mahalata iyon? Sa isip isip iyan ni Skylar. "Huh? Hindi nga," deny pa rin niya kahit ramdam niya na ang pagkahalata. "Oo nga, bakit nga," pakikipag-pilitan naman nito. Napa-ngiti siya ng bahagya dahil alam niyang may concern sakaniya habang wala si Athena. "Si Athena..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil naiyak na talaga siya sa pagkakataon na iyon. "Naospital siya, wala akong alam sa lagay niya tapos ayaw pa ‘ko payagan ni mama pumunta sa ospital. Kasi kakalabas ‘ko lang kanina," tupoy tuloy na sabi niya na hindi na mapigilan ang kanina pang hikbi na medyo tago. "Huh? I’m gonna check on her," parang nag umpisa na ring gumalaw si Cedric pagka-sambit niyon. Lumiwanag na rin naman kaagad ang mukha niya. "Talaga? Salamat, sobra," sabi niya. Hindi niya naman kasi ito matatanggihan ganoong nag aalala talaga siya kay Athena at nais niyang mapanatag. "Sige, I’ll drop the call," pag-kasabi niyon ni Cedric ay huminga siya ng malalim at tumango kahit pa hindi siya nakikita ni Cedric. Mga ilang minuto pa ay natulog na siya. Nagising siya sa ingay ng pag galaw ng cellphone niya. Tanda ng vibration. Kumukusot kusot pa siya ng mata ng sagutin iyon. "Uh," umpisa ng nasa kabilang linya. Hindi niya tinignan ang screen dahil sa antok at hindi niya pa rin matignan dahil baka mag salita ito at ‘di niya iyon marinig. Umayos siya ng higa. "So I won’t lie, pero kalma ka lang." Kinabog ang dibdib niya ng marinig iyon. Si Cedric. Kaya kinabahan siya bigla. "Hmm," nag iintay ng kasunod na sambit niya at inaantok pa rin. "Athena... Isn’t stable? Unconscious din," pagkasabi ni Cedric niyon ay parang nawalan siya ng antok sa katawan at biglang nag bihis. Lalabas siya. "I heard those noise, are you going?" "Oo, tulog na naman si mama. Anong oras na ba?" Tanong niya dahil antok siya kanina at hindi na iyon natignan. Nag titsinelas siya sa oras na ‘yon. "Don’t," pigil sakaniya ni Cedric ngunit tuloy lang siya sa oag lalakad na ngayon ay nasa hallway na ng mga kwarto. "Pwede ka naman pumunta rito bukas, I’m on my way home, too." "Ok," maigsing sagot niya at akmang ibababa ang tawag pero nag-salita ulit si Cedric. "Just do it tomorrow," Maawtoridad na sabi nito kaya napahinto siya. Agad naman siyang tumuloy sa lakad at umiling. "I can now," kontra niya rin. Hindi nga naman kasi siya mapapanatag kung mananahimik siya sa bahay. ‘di bali nang mapagalitan, katwiran niya. "Please, bukas na," sabi pa rin ni Cedric. "Eh, ano ba kasing meron kung pupunta ako ro’n ngayon o bukas. Parehas lang," confident na sabi niya at huminto rin naman at bumalik sa kwarto. "Wala, gabi na kasi," sabi nito at ramdam niyang huminto ang kotse nito. "Just that. Goodnight," pagkasabi nito niyon ay pinutol na rin ang tawag. Kinabukasan ay nagising siya sa isang call, "oh?" Bungad niya nang hindi na naman tinignan ang name ng caller. Papaano at inaantok pa nga siyang talaga. "Is that how you entertain callers?" Sabi ni Cedric, he chuckled a bit. Nanlaki naman ang mata niya at napaupo. "Gising na, daan kita sa ospital." Tumango naman siya pagkasabi nito niyon kahit pa hindi siya nito makikita. Bigla naman siyang naguluhan, kung bakit ginagawa sakaniya iyon ni Cedric? Hindi naman kailangan, unang una. "Remember, ‘yung kanto where you real talked me and I got extremely offended," kwento pa nito at tumawa na naman. Napataas siya ng kilay doon. Hindi niya sadiya. "I’m there..." Bahagya siyang nagat dahil wala naman pala sa bokabularyo ng lalaking ito ang maging ready, ano? "Ok, sige," sabi niya. Pilit niya talagang pinaiikli ang sentence niya dahil hindi naman siya ganoon ka-galing sa english. Naka uniform siya noong papunta sa nasabing kanto. Masiyadong maaga, sa totoo lang. Ngunit gusto niya ngang daanan si Athena. Nang makalapit naman sa kotse ni Cedric, kumatok siya sa bintana at si Cedric ay nginisian siya. Bukas, that’s what he mouthed. Binuksan niya naman at pagka-upo sa shotgun seat, nagsalita siya. "Saan ang tungo mo?" "Just... The Hospital? Going nowhere," sabi nito na ikinagulat niya. "Ano? Doon lang?" Sabi pa niyang may bahid ng gulat. Papaano, sasamahan lang talaga siya, ang imposible. Maaring ambisosya siya roon, pero hindi siya ignorante para hindi malamang ganiyan ang mga nanliligaw. "What’s on your mind?" Sabi ni Cedric at pinaandar na ang kotse. "Tapatin mo nga ako," sabi niya. "‘di ba? Ganiyan ‘yung mga pumoporma, hatid hatid." Deretsong sabi niya pero hindi pa rin niya sinabing nag assume siya, pero gano'n na rin, eh. Kaya naman natawa si Cedric do'n at kinainit iyon ng ulo niya, tawanan daw ba siya, eh? "Oh, nakakatawa?" "You're innocent," tatawa tawa pa ring sabi niya. "Of course. Isn’t obvious? I literaly won’t go hospital last night if I’m not." Nanlaki naman ang mata niya sa unexpected na sagot. "Huh?" Tanong niya at biglang nilingon si cedric soot ang nagtatakang mukha. "Nothing," sabi naman niya with a smile na naka plaster sa mukha niya. Bumuntong hininga naman siya at dumeretso ang tingin sa harap. "I’m courting you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD