"I'm courting you."
parang umecho-echo sa tainga niya iyon, nagpapantig na nga ang tenga niya sa kauulit dito.
"Athena, liligawan daw ako?" Kausap niya sa unconscious namang kaibigan. Gusto niya mag-kwento rito ngunit ganoon lang ang paraan niya sa ngayon.
At sa oras na maiiyak na siya ay may narinig siyang yabag ng bata, "mama! Si... Si papa!" Napa-tayo naman siya nang makaramdam na interesante siya roon, sa hindi malamang dahilan.
"Oh, anong meron kay papa, beh?" Tanong ng isang maputing babae na siguro'y kapatid ng bata.
"Ate, ate, gising na si papa!" Masayang kwento ng bata. Napangiti siya r'on. Bagay na hindi niya naranasan.
N'ong maaksidente naman kasi sila ng daddy niya, dead on arrival. Hindi niya naranasang maka tanggap ng ganoong balita.
Grade 3 siya n'on,
"Daddy, thank you po sa pag sundo. Alam mo, daddy... Ang cute cute ni Samantha!" Kwento ng batang si Skylar sakaniyang daddy. Naka-sakay sila sa motor.
"Mas cute 'yun, anak, kung ako pala ang tatay," tawa pa ng ama niya.
"Daddy, sa bahay ka na kasi?"
"Hindi nga pwede, anak, may asawa ang mama mo."
"Daddy ayoko na doon, eh. Si kuya Samuel lang ang mabait sa'kin saka syempre si Sam." Kwento ng maliit na si Skylar.
"Bakit? Ang papa?"
"Daddy? Ikaw lang po papa ko," paliwanag niya at biglang napapikit sa malaking liwanag. Parang may truck at ramdam din niya na magulo ang maneho rito. Tatabi yata sila.
"Ah, Skylar, ayaw mapindot ng preno? Talon ka, 'nak, kaya 'kong mabunggo. Ikaw hindi pa," explain ng daddy niya kaya yumakap siya rito. Ayaw niyang iwan. "'wag pasaway, anak, kaya ko kasi, ikaw hindi. Iyon lang," walang halong tarantang sabi ng daddy niya kaya naman tumalon na siya. Tiwala siya sa daddy niya eh.
Nabagsak niya ang tindang mani at sampaloc sa harap ng plaza na pinangyarihan ng insidente, itinayo siya mg tindera kahit nagkahulugan ang paninda.
"Ate, so-sorry po..." Sabi niya pagkatayo at na-ngiti ang tindera.
"Okay lang, 'no! Ikaw nga diyaan," ngiti ng tindera kaya naman bumalik na siya sa daddy niya ngunit nagulat siya sa dugo.
"Uhm ate," tawag niya sa tindera sabay turo sa daddy niya. Nagulat ang tindera at biglaang bumagsak sanhi ng pagkahilo.
Nagising siya sa isang mahinang tunog ng makina, napatingin siya r’on. Iyon ang makina sa tabi niya. Para makahinga siya ng maayos, nasa hospital siya, eh.
"Mama? Si... Daddy?" Bungad na tanong niya sa mama niyang nakabantay.
"'nak, dead on arrival," walang dalawang isip na nasabi ng mama niya at hindi niya naman 'yon maintindihan. Hindi siya naniniwala.
Hanggang ngayon hindi siya naniniwala sa pagkamatay ng daddy niya, nakalayo na kasi siya r’on, minsan lang talaga niya makasama ang daddy niya. Nasa malayong lugar. Pagkalabas ng ospital umuwi na sila, ng hindi niya nakita ang ama maski sa lamay.
Wala siyang mahanap na kahit anong clue na buhay pa ang papa niya ngunit kaonti sakaniya ang umaasa. Pero alam niyang mas lamang ang imposible.
Paanong patay na ang daddy niya? Anak siya sa pagkakamali.
Kaya ganoon na lang ang galit sakaniya ng mga kapatid, anak siya sa ibang lalaki.
Ang daddy niya talaga ang mahal ng mama niya ngunit ang asawa niya ngayon ang kailangang mahalin ng mama niya, kung bakit ay hindi niya alam.
Natawa siya sa pag balik tanaw niya sa papa niya, "hay nako 'dy. Miss you!" Sabi niya sabay punas ng luha at balik sa pag babantay kay Athena.
Kumuha siya ng upuan at itinabi iyon kay Athena. Hinawakan niya ang kamay nito at lumuha. Yinuko niya ang ulo ng nabigatan na sa sariling nararamdaman.
"Uhh, Sky," ang salitang nagpagising sakaniya. Tinig ni Cedric.
"Oh," sagot niya na nakapikit at nakayuko pa rin.
"Don't you have classes? You know," Cedric. Oo nga naman at may klase pa si Skylar.
"Uh, sa tingin ko... wala," pag sisinungaling niya. Hindi niya maiwan si Athena. "Ano... Mamaya pa ‘yun, e... Mga... Tanghalian, ganoon," napaubo siya sa pag sisinungaling na ginawa niya. Tumawa si Cedric d'on.
"You’re so bad at lying. C’mon," may bakas na pagtawang sabi nito at saka tumayo. Napapikit siya at umiling, sumunod pa rin naman siya, padabog.
"Don’t make your feet heavier, mabigat ka na," sabi pa nito na tumatawa tawa. Inismiran niya lang iyon at umiling. Tumawa naman si Cedric sa reaksyon niyang iyon. "You smiled," bigla siyang tinignan nito at ngumiti.
"Oh... Oo, tapos?" Pasaring na sagot biya ngunit nagpipigil ng ngiti. Kinakagat niya na nga ang loob ng pisngihan niya.
"I can almost hear you smiling, lol," naka-harap na sa daan na sabi niya at nakangiti pa rin.
"Pa-fall ka, ‘no?" Tanong nuya iut of the blue at napahinto si Cedric d’on. Napahinto rin tuloy siya kaya tumingin siya sa kaliwa niya at tiningala si Cedric. Nag tataka.
"No, I’m not," sabi nito at namulsa. Tunuloy siya ng paglalakad, "haven’t I said that I wanna court you?" Tanong ni Cedric kaya napaisip siya. Oo nga naman, "Kaya hindi na ‘yon pa-fall." Pagkasabi n’on ni Cedric ay huminto siya.
"Mauna na ‘ko," sabi niya at tumakbo dahil alam niyang susundan siya ni Cedric. Hahabol nga naman dapat si Cedric pero halata naman niyang ayaw magpasunod ni Skylar. Huminto na lamang siya.
Sa kabilang banda, si Skylar, sumakay sa elevator, mag isa.
"AAAAAAA!" Sigaw niya. At tumalon talon, "kainis! Kainis! Kainis! Ang pa-fall niya, ‘di ako ready ma-ghost!" Sabi niya at napasandal na sa elevator. Nang-hina sa rami ng enerhiyang sinayang sa ilang sandaling kinilig siya.
"Wait, hala, lagot ako kay mama," bigla niyang naalala. Napa-tingin siya sa cellphone niya para tignan ang oras. Napapikit naman siya at tumingala. Handa nang mapagalitan noong makita ang oras, matagal pala ang itinulog niya. Hindi niya namalayan iyon.
"Isang subject cinut ko, lagot," bumuntong hininga siya.
Tinanggap niya ang kapalaran at cinut siyempre ulit ang second subject, halfway na, katwiran niya.
Kumakain siya ng carbonara nang may lumapit sakaniya.
"Yari ka," bungad sakaniya na sanhi ng matinding kaba na naramdaman niya.
"Oh, ano," balewalang sagot niya. Transparent siya masiyado kaya halatang kinakabahan siya kahit nag aakto siyang hindi. Sanay na lang siguro riyon ang kaaway kaya’t ipinag sawalang bahala.
"Dalawang subjects cinut mo, ha," seryosong sabi ng tsokolate niyang kaklase.
"Ah," sarcastic niyang sabi. Natatakot siya, hindi siya lumalaban. "Alam ko, cinut ko nga, eh," sabi niya na ikinagulat ni Jemuel. Maski naman siya, nagulat.
"You know what? We don’t have pake naman," singit bigla ng kaklase. Abigail.
"Eh, bakit kayo nandito," sinubukan niyang maging kalmado. Kahit natatakot sa presensya nila. Ayaw niya ng away, hindi siya gano’n.
"I want to talk with you, kalmado only," may halong katarayang sabi ni Abigail at nakatingin sa mga kuko niyang mahahaba at makukulay. Bumuntong hininga iyon at umirap sa kuko niya.
'parang tanga' nasabi niya sa isip. Irapan ba daw ang sariling kuko?
Pero ang nilading-an ng irap na iyon ay siya, "stop making landi to Cedric. Or you wouldn’t be a peaceful normal girl like before." Sabi n’on at ikinatakot niya. Tinalikuran siya n’on at naiwan siyang nakatunganga.
"Kung ako sa’yo, uwi na ‘ko," epal na sabi ng tsokolate. Tumatawa tawa pa. Gusto na niya iyong batuhin.
"Pero hindi ikaw ako," sabi niya. Hindi nag tataray. Bulong lang din at sa palagay niya walang nakarinig.
Nanatili siyang naka tulala sa pinagalisan at kaninang kinatatayuan ni Abi, prinoproseso ang mga sinabi.
"Hindi ko naman siya nilalandi..." Napaisip na sabi niya, papaanong nalaman kaagad nila ‘yun, ‘di ba?
Napitlag siya sa pagkakaupo ng biglabg may tumabi at nag aayos ng pagkain sa tabi niya, "you’re... Jumpy?" Tanong ni cedric sa tabi. Inaabutan siya ng spare grape juice. Naalala niya bigla si Athena.
"Uh.. Oo?" Sagot niya na patanong din. Umalis siya kagad pagka-kuha ng juice at sinabing major sub ang susunod.
Napatigil siya nang may bato na may kalakip na papel ang nakatapakan niya. May smiley face ‘yon at nakalagay ang "open, S" kaya alam niyang para sakaniya.
'Alalahanin mo’ng tulog ang kaibigan mo at sa oras na maiwan siya ay kaya kong tanggalin ang makina sa katawan niya. Umayos ka.'