VII

1264 Words
Nanginginig siya ngayong nakahiga sa kwarto, sa totoo lang, hindi malamig. Pero napapanindig talaga ang balahibo niya, sa mga oras na ito ay hindi siya puwedeng lumabas kahit bumili ng ulam kasi nga naman ay baka tumakas. Nalaman na ng magulang niya na nag cut siya ng 2 subjects para kay Athena. "Ay, hala," nasabi niya bigla. Naalala niyang baka pati si Cedric ay nag cut para hintayin siya. Dali dali siyang umupo at inabot ang cellphone sa tabi ng lampshade. [Hello?] Sabi sa kabilabg linya. Mukha naman iyong hindi pa natutulog kaya alam niyang hindi siya nakaabala... Sa pag tulog. Hindi niya naman alam kung may ibang pa iyong ginagawa. "Uh," bungad niya. Hindi alam ang sasabihin. Bumuntong hininga siya at humiga ulit. Narinig niya ang pag sarado ng pinto at tila may nag aayos na. Humiga rin si Cedric sa kaniyang palagay. At gano'n nga talaga. "Nag... Cut ka rin ba?" Napapakagat labing tanong niya. Para niyang finiflirt daw kasi si Cedric. Oh right. Naalala niya bigla ang papel na napulot niya. Binaba niya ang telepono ng walang pasabi. Kinabahan siya bigla. Ayaw niyang mawala si Athena dahil sakaniya. Humiga na lamang siya at niyakap ang unan ngunit tumunog na naman ang cellphone. From: Cedric. Yup... Isa lang, though. Napapikit siya. Nag cut pa rin. Ang bad influence niya ro'n. Nag scroll siya sa instgram dahil nga nawala naman ang antok niya. Hindi siya makakatulog sa sinabi ng papel. Napahinto siya sa pag sscroll niya ng matagpuan ang IG story ni Cedric. Hindi nag notif sakaniya iyon, pero... Milktea na naman? Sabi sa isip. Hindi niya alam kung bakit maraming mahilig sa milktea ngunit siya ay hindi. Umiinom siya no'n ngunit hindi kasing hilig ni Cedric. Nakatulog siya ng hindi namamalayan. Pagka gising niya ay nag ayos na siya para sa klase at para dumalaw saglit kay Athena. Mas inagahan niya at alam niyang hindi siya magka-cut dahil hindi na siya matutulog. Gano'n lang, mga tatlumpung minuto siya roon at pumasok sa klase. Hindi sila nag kita ni Cedric dahil masiyadong malayo ang building nila sa building ng course nila sa isa't isaa. Inagahan niya rin ang uwi para hindi siya sundan ni Cedric. Naka ilang tawag din ito sakaniya. Alam niyang hinihintay siya nito sa hindi malamang lugar sa harap ng school. Do'n din sa kinauupuan niya dati may hawak na milktea. Pink and green. Kaya't hindi niya sinasagot ang tawag. Pero noong mag text ito ay tiningnan niya na. From: Cedric. You ghosting me? Nagulat siya sa text. Hindi niya sadya. Hindi niya intensiyon iyon. To: Cedric. Hindi, ah. Busy ako, bakit? From: Cedric. domt make me hope hs Nagtaka siya sa text na 'yon. To: Cedric. Nakakalasing ang milktea? From: Cedric. So you knew? From: Cedric. sntok lang akk Natawa siya at hindi na nag reply. Hindi niya na rin pinaglaban na nalalaman niya lang dahil sa IG story ni Cedric, dahil antok nga. Sa pag lipas ng mga araw, gano'n na lang ang nangyayari. Hindi niya pinapansin si Cedric, nag rereply siya, oo. Pero hindi niya kinakausap sa phone at sa personal. Nakakaramdam siya ng kakaiba. Nakakatakot. Hindi niya pa kayang mawala si Athena. Cedric calling... Napamulagat siya noong nag-ring ang phine niya gawa ng mayroong tumatawag. Pag-sulyap niya rito ay si Cedric pala. Sasagutin niya na sana ito noong bigla siyang natigilan at kinilabutan. Hindi niya alm kung bakit pero naalala niya bigla ang papel. Ayaw niyang mawala si Athena. Hindi niya iyon sinagot, hindi niya rin binaba. Nag silent siya at natulog na lamang. Noong hindi niya magawa ay sunulyap ulit siya sa kaniyang cellphone upang tignan ang oras, nakita niyang 9 pm pa lang. Pero alam niyang pumipirmi na ang pamilya niya sa kwarto kaya nag bihis siya. Pink pajama, white jacket. Sa panloob ay tshirt na pink. Nag tali siya ng buhok at nag tsinelas na iniislip lang. Napatigil siya noong marinig ang TV. Sumilip siya si kuya Samuel niya lang naman iyon kaya patay malisya siyang dumeretso sa pinto. Nang ibagsak niya ang pintuan ay doon napatingin ang kuya niya ngunit siya'y naglalakad na noong oras na 'yon. Pinuntahan niya si Athena at nag jeep. Ngunit gabi na noon at may mga bastos. Maraming nag cat call sakaniya ngunit hindi niya akalang may lalagpas pa roon. Akala niya hanggang doon lang sila ngunit lalagpas pa pala. "Akina ang number mo," pabulong na sabi noong lalaki sa likod niya at tinutukan siya ng kutsilyo. "Uhm, papel po," malumanay niyang sabi at humihingi ng papel. Saulo niya ang number niya pero tumingin siya sa cellphone niya. Napaisip siya. Hindi niya alam pero kinabahan siya kung ibibigay niya nga. "Next time na lang, 'no, kuhanin ko number," sabi ng isa na may katawagan. Kinabahan siya sa sinabing next time niyon ngunit napitlag noong may kumalabit sakaniya at binigyan siya ng papel. "Uhm, syempre po lapis din," sabi niya. Hindi naman niya sinadiyang mag tunog sarkastiko ngunit nilabas agad ng lalaki ang lapis at natakot siya noong tinuktok sa noo niya. "Nag mamadali ka?" Tanong noon. Umiling na lang siya. Transparent talaga ang emosyon niya kaya kahit walang sinasabi ay halatang sobra siyang kinakabahan. Napaisip siya. Tama. Hindi niya number ang nilagay niya. "Sige miss, bye," sabi noong may katawagan kakababa nga lang noong tawag. Buti hindi siya sinaktan at mas buti na hindi siya tinawagan. Tumakbo siya kagad dahil sa kaba. Baka maulit. Nang makarating sa ospital, doon siya natulog. Mabuti na lang at dinala ng kuya niya ang bag niya with note. 'Naka takas. –Jan'. Kuya niya pa rin iyon. Samuel Jan. Natawa siya ng bahagya dahil sa note ng kuya niya, ang cute lang, kuya niya lang ang ganoon sa pamilya niya, miske si Sam na mas bata ay hindi, eh. Iniwan niya na si Athena noong nakapag kape, nag basa rin siya dahil mahilig magpa surprise quiz iyong mga teacher niya kaya naman hangga't may oras ay nagbabasa siya ng mga dumaang lesson. Napahinto siya sa paglalakad noong nakabangga siya ng tao, 'di hamak na mas malaki sakaniya ito, nagcecellphone kasi siya kaya't hindi napansin ang lalaki. "Are you avoiding me? Like," napahintong sabi ng lalaki na alam niyang si Cedric noong nag ring ang phone niya. "Uhm, hindi, wait," paalam niya at bahagyang lumayo para sagutin ang tawag ng kaniyang kuya Samuel. "Yes?" "Sinabi ko kay mama may project ka kaya umalis ka ng maaga," walang paano anong sabi ng kuya niya. Natawa siya, para namang hahanapin siya, ano? "Share mo lang," pilosopo niya kaya natawa siya. "Susumbong kita kay mama," parang batang banta ng kuya niya kaya naman natawa pa siya ulit. Nag paalam na siya rito noong na-inis na niya. Pag-balik niya ay nagulat siyang naroon si Cedric na naghihintay at madilim ang mga tingin sakaniya, "bakit?" naitanong niya. "Ah, you're ignoring me then you're here laughing to.. like.. other guy?" Nanlaki ang mata niya sa itinuran ni Cedric, hindi naman siya gulat dahil nililigawan na 'raw' siya nito, ang kinalaki ng mata niya ay iyong other guy, kuya niya iyon, eh! "Huh?" Takhang tanong niya, nakuha niya naman ang punto pero gusto niya ring magpaligoy para mang asar. "You're giggling while talking to someone," seryoso pa rin na saad ni Cedric kaya natawa siya. "Why are you laughing? Nakakatawa?" "Hindi, pero kasi..." Humintong sabi niya. Hindi niya matiis na mang inis, eh. "Uh, kuya ko 'yon." "Weh, why are you laughing, then?" Hindi kuntentong tanong niya. Natawa ulit siya dahil para talagang duda si Cedric. "Ewan ko sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD