Nakangiti siya ngayon habang binabalikan ang pangyayari kanina nang kasama si Cedric, naitawid niya ang isang araw sa klase ngunit hindi pa rin nabubura si Athena sa isip niya. Hindi niya na kaya.
Natawa na naman siya nang maalala si Cedric, nag seselos yata, eh.
"Who's that? You're giggling, enjoy, ah," sabi pa nito at umiirap na.
"Si kuya Saji," pagkasabi niya niyan ay humagalpak siya ng tawa. Kuryoso pa rin ang mukha ni Cedric ngunit mas malumanay ang itsura, ganoon pa 'man, naka-taas pa rin ang maninipis niyang kilay.
"Sino naman 'yun?"
"Luh, kuya ko!" Tawa pa rin siya ng tawa, papaano ay napaka clueless ng kasama niya.
"Why Saji?" Na-seryoso siya sa tanong.
Natapos siyang mag isip nang may bumagabag na naman sa kaniyang isipan. Naalala niya na naman ang nasa papel, masama ang kutob niya rito, dahil kasama na naman niya kanina si Cedric. At bakit ba hindi niya ito magawang iwasan?
Kinabukasan, maaga siyang pumasok at hindi dinaanan ang kaibigan kaya naman nakita niya ang grupo nila Abigail, agad siyang kinabahan kaya dumeretso na lang sa building nila.
"Accountancy!" Sigaw noong si Abigail. Agad naman siyang lumingon at patay malisyang tingin, nagtali siya ng buhok na mababa. Wala ni isang ikot kaya isang agresibong galaw ay matatanggal ito.
Tinaas niya ang parehang kilay at takang nakatingin, halos napahaba ang maliit na mukha at napa bilog ang labing hugis puso.
"Act innocent," tawag ng kaklaseng si Jimuel. Umiling lang siya at akmang aalis ngunit nabangga niya si Cedric kaya ito na rin ay huminto, takhang tumingin sa dating nobya at ngumisi naman ang dati nitong kasintahan.
"Kamusta si Athena? Send my condolences to her family." At tumawa. Hindi niya mapatawad ang bibig ng Abigail kaya lumapit siya rito matapos ibagsak ang mga gamit. Hinila niya ang buhok nito kahit na alam niyang hindi siya marunong makipag away.
"Bawiin mo 'yan, sasampalin kita," nasabi niya.
Hindi niya napigilan ang sarili kaya niya iyon nagawa. Pinigilan naman siya ni Cedric dahil sa isip isip nito, hindi kakayanin ni Skylar si Abigail.
Pinagpag naman ni Skylar ang kamay ni Cedric, hindi kasi dapat iyon nakikita ni Abigail.
Nang umayos nang tayo si Abigail, nagulat siya sa kamay nila kaya naman sasampalin niya na dapat si Skylar ngunit pinigilan ito ni Cedric.
"Don't you dare touch my girl," At umalis na siya habang hawak pa rin si Skylar.
Naiwang gulat at tulala roon si Abigail at napasinghap, "hindi kita palalampasin."
"Bakit mo sinabi 'yon?!" Pasaring niya kay Cedric.
Hindi siya nito pinapansin, sa halip ay sinasala ang pearl sa milktea.
"Ano?! Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kapag isipin nila iyong sinabi mo?" Tila napang hihinaan ng loob na sinabi niya.
Nag aalala siya sa papel at ang lalim ng hinga niya.
"Ano ba? Tell me," malumanay na sinabi ni Cedric na umiinom na ngayon.
"Nakita ko 'tong papel na 'to," sabay abot niya ng papel sa gilid ng bag.
Nanlaki ang mga mata ni Cedric ng makita iyon kaya hindi agad nakapagsalita, pero alam nito ang gagawin.
"You should tell her mom about this so no one from those bullies can come inside her room, ‘wag mo 'yon masyado isipin," kinindatan siya nito.
Napangiti naman siya.
"’yung sinabi mo? Mai-issue 'yon!" Umirap siya at uminom din sa milktea niya.
Natawa siya dahil nagagawa niya na ang hindi niya nakagawian, gaya na lang ng pag tataray. Hindi siya iyon.
"Totohanin mo," pakikipag lokohan ni Cedric.
"Sige," pag bawi niya.
Napatingin naman si Cedric sakaniya dahil sa sinabi. Natawa siya ro'n.
"Seryoso ka?"
"Joke lang," tumawa na naman siya. Napaka paniwalain naman kasi.
"Hindi, walang bawian," inirapan niya ito. Hindi naman 'yon totoo, pero okay lang din sakaniya.
Nakauwi na siya at hinatid siya ni Cedric, nawala ang kaba niya dahil sa sinabi ni Cedric. Ang sabi nito'y siya na ang mag sasabi sa pamilya ni Athena.
Lumipas ang ilang araw ay naging payapa ang isipan niya, hindi niya na nakikita ang mga nang bubully dahil nalaman na nga ng marami na sila na ni Cedric. Na totoo.
Sinagot niya na nga si Cedric dahil inaamin niyang gusto niya rin naman talaga si Cedric. Kaya bakit hindi?
Marami namang nangyayaring maganda ngayon kay Athena. Unti unti na itong bumubuti, papunta nga sila roon ngayon. Dalawang linggo na rin pala ang lumipas.
"What are you thinking?" Nagulat siya sa biglang pagsasalita nito.
"Wala. Naiisip ko kasi si Athena, malapit na siya makalabas, ‘no?" Napangiti siya.
Naalala niya kasi ang kalagayan ni Athena. Unconscious pa pero sinabi, masyado raw pagod si Athena kaya kumukuha pa ng lakas mula sa pag tulog. Gayun paman, mas malaki na ang posibilidad na bumuti na ito, at magising.
Nang pumunta siya ngayon. Nakita niyang inaayos ang tubo pampakain kay Athena, napangiti siya.
"Hi, tita! Ako na po rito," nginitian siya nito.
Naging routine niya na ang daanan si Athena bago umuwi, nasanay na nga ang mama niya sa oras ng pag uwi niya.
Pag uwi niya naman ay napagalitan siya. Palagi naman. Late na nga raw kasing umuuwi.
"Ano? Ano'ng balak mo sa buhay mo at palagi kang late umuwi?"
"Mama, pumupunta lang po ako sa ospital," pag iignora niya sa sinasabi ng kaniyang mama.
Safe naman kasi siya dahil nandiyan si Cedric, palagi siyang hinahatid sa gabi.
"Ewan ko sa ‘yo, ha, kapag ikaw, talaga!" Tinitignan siya ng mama niya kahit na nasa hagdan na siya.
Hindi niya na lang pinansin ang mama niya at pumasok sa kwarto. Naka receive siya bigla ng text.
Mommy ni Athena:
Hurry here. Something's wrong. Please.
At nagmadali siyang magpaalam, "ma, wait, may mali raw. Punta muna ako ro'n."
Dere deretso siya sa pinto kahit alam niyang hindi siya papayagan, tumuloy pa rin siya.
"Hoy! Gabi na! Bumalik ka rito!" Sigaw ng ina niyang sinundan pa siya hanggang pinto at hinila ang buhok niya.
Napaluha na siya sa sakit dahil napaupo siya sa semento dahil sa pag hila ng mama niya sa buhok.
"Ano? Saan ka pupunta?"
"Bitaw na po, please, si Athena po, may mali raw sakaniya. Hindi ko po alam kung ano. Hayaan mo na po ako," pag aalis niya sa kamay ng kaniyang mama.
"Pabayaan mo na po ako," inulit niya, nag babaka sakaling pabayaan na siya sa pangalawang pagkakataon.
"Oo na. Umalis ka na," sabi ng mama niya at padabog siyang binitawan.
Naramdaman naman niya ang malakas na sarado ng pinto at dinig na dinig niya ang pag pindot ng pintuan.
Tumakbo naman siya kahit na masakit ang binting nagasgasan sa pagkakaupo. Tinawagan niya si Cedric.
[Missed me? Ang bilis, ha.]
"Sabi ni tita may mali, pupunta ako ro'n, ha." Pumara na siya.
Wala na siyang pakialam sa kausap basta ay papunta na siya ro'n.
[Okay, I'll go there, too.]
Nakaupo na siya sa trycicle bago siya sumagot.
"Kahit hindi na, I love you. Thanks!"
Binaba naman niya ang telepono at hindi inantay na makasagot si Cedric.
Halos magkasabayan silang dumating kaya tumakbo na rin siya papuntang room ni Athena. Pinipigilan siya ni Cedric. Pero hindi niya mapigilan ang pagkataranta.
Lalo pa siyang kinabahan nang makitang maraming umiiyak, marami. Andon ang mga apat na pinsan mga tatlong tita at tito at nandoon din ang mommy at daddy ni Athena.
"Bakit?" Tanong niya.
'Bakit andami nila dito? Nagising na si Athena? Sa wakas!'
Nagulat siya nang may lumabas na doctor. Lumukso ang puso niya nang mag salita ito.
"Time of death, 19:49."