Huling araw na ng lamay ni Athena kaya naman nasa bahay na muna si Skylar para mag pahinga dahil mamaya ang huling gabi, maraming tao.
Pag bukas niya ng pinto ay natuwa siya dahil ang kaniyang kuya ang nag bukas. Ang ngiti niya ay bakas ang pag pepeke, hindi mapag kakailang nawalan siya nang lakas sa oras na malaman ang balita.
"Ano, Skylar, ilang araw ka nang hindi umuuwi, ah? Ano'ng balak mo sa buhay mo? Hindi ka rin pumapasok ng eskuwelahan, ano, ha? Lumalandi ka, ‘no?" Bungad ng mama niya.
Naiinis siya dahil hindi siya maiintindihan ng mama niya. Naiinis siya dahil alam niyang wala siyang kakampi.
Pero gaya ng palagi, hindi na lang siya umimik, katwiran sa sarili'y wala siyang mapapala. Hindi siya mananalo.
"Napapagod na 'ko..." Sinabi sa sarili.
Palagi niyang naiisip, salamat sa nobyo't may lakas pa siya at nakakasama. Palagi rin siya nitong pinapatawa kahit alam niyang mahirap gawin iyon. Natutuwa siya kahit papaano dahil naiintindihan siya nito.
"Uy, Skylar," tawag sakaniya ng kaklase.
Nang makita niya ang mukha ng mga iyon ay agad nag init ang dugo niya, isa ito sa mga nang banta kay Athena, kaya kahit pa kinulang si Athena sa hininga na ikinamatay nito, ayaw niya itong makita.
"Ano?" Sinagot niya pa rin kahit may bahid na iritasyon. Mabait siya, palagi.
"Condolence for you, Sky, I want to sabi ng sorry sa'yo because I was rude sa iyo. I already tanggap naman na na Cedric is not para sa akin, maybe our relationship is tapos na talaga," gumaan ang pag hinga niya nang marinig ang mga sinambit ni Abigail.
At least nga naman ay nag sorry ito at hindi na siya guguluhin, kahit pa namatay ang kaibigan.
"Wala akong ibang kaibigan kung hindi si Athena lang kaya naiintindihan ko ang mga binanta niyo pero sana alam niyong hindi maganda ang gano'n, mapangit ang gano'n," paalala niya. Ngumiti pa rin siya kahit mapait itong tignan.
"I was mabait naman to Athena, eh, she's my kaibigan nga, actually. I don't like you lang talaga because you're always mag isa if Athena's not nasa paligid," nag peace sign ito pagkatapos ng sinabi.
"Ako rin, bruh, sorry," nag salute sign si Jemuel sa kabaong ni Athena. "Bruh, ang ganda mo pala. Sana nakita kitang matulog sa school dati para niligawan kita, ‘di ka sana namatay."
"Hey, Jemuel, ang rude na, don't make ulit na. I can see the lungkot in her eyes."
"Hala, okay lang, upo nga kayo!" Sabi niya at ngumiti.
Mukha siyang puyat. Walang ayos. 'Pag ngiti niya namumuo ang eye bags.
Umupo naman na sila Abigail at hindi na siya ginulo sa pwesto niya. Nakikipag usap lang siya sa mga dumarating at inaalok ng pagkain tapos tatabihan ulit ang kabaong, habang andiyan pa siya ay susulitin na niya.
"Hi my love," nagulat siya sa dumating at ngumiti.
Naalala niya ang rason kung bakit hindi siya sumusuko.
"Hi! Kumain ka na?" Masiglang tanong niya kahit na malungkot siya. Natatakot siyang iwan, eh.
"Not yet, how about you?"Naka ngiting tanong ng nobyo.
"Syempre hindi pa rin, pero mamaya kakain na 'ko," sabi niya.
Hindi siya iyong tipo ng namatayan ay hindi kumakain, sa bahay ay hindi na siya umuuwi dahil alam niyang wala siyang mapapala roon hindi gaya kapag kasama niya si Cedric.
"That's good. Gusto ko ng fries, want some too?" Napangiti siya sa pag aalok ng nobyo, gusto niya rin, eh.
"Jollibee or McDo?"
"Jollibee, why? Hahaha."
Napanguso siya at napaisip. Gusto niya ng iba.
"Sundae na lang," nakangiting sabi niya at bumalik sa inuupuan.
"Hija, paki refeal mo nga ro'n iyon mga juice sa dispenser. Salamat, tatapusin ko lang ang niluluto!" Utos ng mommy ni Athena.
Naiinggit siya kay Athena dahil mahal siya ng pamilya niya, kahit na namatay siya, bago siya mawala ay may nag mamahal sakaniya.
"Ako kapag nawala ako, wala namang may pakialam," mapait niyang bulong sa sarili at nakarating na pala sa dispenser.
Nalungkot siya sa nakita, grape juice. Paborito ni Athena. Naalala niya ang lahat ng mabuting alaala sa grape juice. Iyan ang palagi nilang iniinom sa oras na magkasama sila dahil paborito iyon ni Athena at hindi kalauna'y nagustuhan niya.
Pero hindi pa rin malinaw kung bakit ganoon na lang ang sakit ni Athena na bigla niyang ikinamatay, kung mayroon ay siguro nasa pamilya pa lang nila iyon.
Sakitin talaga si Athena kung kaya't akala niya naubusan lang ng lakas si Athena kaya nakatulog. Mapayat din at maputi, maputla nga kung pakakasakto.
"Hey, I'm back, got your sundae," napamulagat siya sa boses ni Cedric.
"Uy, salamat," nakangiti niyang kinuha at sumubo ng isa. "Uhm, pahawak, aayusin ko labg 'to."
Tumango si Cedric kaya't inayos niya na ang juice sa dispenser. Nang matapos ay bumalik na siya sa pagkakaupo, magkatabi sila ni Cedric at wala ni isa sakanila ang umiimik.
"Hey, you sleepy?" Nagulat siya sa tanong ni Cedric dahil inaantok na nga siya.
"Oo, eh, kaya pa naman."
Naaalala niya kung gaano siya kahirap matulog sa pag iisip. Wala na nga si Athena, ‘no? Ganoon na lang kadaling tanggapin iyon para sakaniya pero ayaw niya nga, kung tutuusin.
Natulog siya sa balikat ni Cedric at sa wakas ay payapa iyon, nakawala siya sa katotohanan. Ang katotohanang masakit, ang katotohanang wala na ang kaibigan niya.
Nagising na lamang siya na nakahiga sa pinaka likod na sofa sa lugar na pinag lalamayan si Athena.
"Hey! Nilipat na kita, ah? Malalim kasi ang tulog mo, so I decided to make you comfortable," napangiti siya.
Wala siyang panaginip ngayon kaya nga akala niya naidlip lang siya.
"Nag sawa na si Athena'ng magparamdam sa'kin, pinatulog muna ako," natawa siya sa isipan.
"Uh, I think I need to go. My dad is looking for me, I just can't leave you earlier."
"Uy, sige, okay lang! Bye," napaupo na rin siya matapos tumayo ni Cedric at mag umpisang umalis. Alas kwatro na kung kaya't kumaunti na ang tao.
Nilapitan niya na naman si Athena dahil alam niyang malapit nang mawala ang katawan nito.
"Ayoko pang tanggapin, Athena. Pero tanggap ko na, eh. Kung puwede lang na magpakatanga na muna," umiyak siya nang umiyak sa tabi ng kaibigan.
"Bakit ba bigla ka na lang nawala? Sino nang makakasama ko ngayon? Sino nang mag tatanggol sa'kin?"
"Sino na, Athena?" Tinanong niya ulit at nawawalan na siya ng sasabihin.
' May nakita akong bata na umiiyak, naawa ako! Edi nilapitan ko at niyakap.
"Hala, bakit," Sinabi ko nang parang ayaw niya sa'kin. Grabe naman! "gusto ko lang patahanin ka..." Na totoo! Para namang ang sama niya, isumbong ko kaya siya sa daddy ko?
"Aw, no, I just... Uh... My mommy... I think I’m lost?" Medyo nalito ako sa english niya kahit kaya ko naman, pero hindi naman ako magaling do'n. Si Peppa Pig nga hindi ko maintindihan.
"Hala, english," Napakamot ako sa ulo ko. Anong gagawin ko sakaniya? Baka hindi lang kami magkaintindihan.
"I don’t english, e," sinabi ko. Totoo naman, Dora nga na pinapanood ko tinagalog na sa TV. Parang may ibang boses pero nag bubuka ng bibig. Hindi sabay, parang ewan lang.
"I can understand tagalog," Sabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan pero ibig sabihin ba no'n pwede ko siya kausapin ng tagalog?
"Okay, sana maging..." Hindi ko na maisip ang kasunod! English ba dapat? Baka hindi kami magkaintindihan, eh.
"Ano... Ang ikaw sabihin?"
Nakaka hilo naman 'tong bata, pero ang cute kasi nag try pa talaga siya mag tagalog para makipag usap sa'kin.
"Hindi kita maintindihan. Pero sabi ko... Pwede bang friends na tayo?" Nahihiya ako, halata kasing mayaman siya. Kaya nga englisher!
"Yeah sure. I’m Athena, grade 3 this school year and I will study at Maxel elementary school. I studied there last school year, though," Ang haba ng sinabi niya pero ang naintindihan ko lang naman ay Athena, grade 3, Maxel...
Wait, Maxel? School ko 'yan, ah!
"Ako rin. Grade 3 na ako sa Maxel." Sinabi ko, ang galing! Parehas kami ng school! '
Pagkatapos niyang balikan ang alaala ay napangiti na lamang siya.
"Athena, salamat sa lahat... Sana, sa susunod na pagkakataon, ikaw pa rin ang kaibigan ko."
Napahagulgol na lang siya ulit. Sinasakitan na siya ng ulo.
"Athena, nag tatampo ako sa'yo! Napaka duga mo, akala ko ba dapat walang titiwalag at walang lalayo? Ang layo naman yata ng pinuntahan mo?"
Napangiti siya at kumuha ng juice na grapes ang flavor sa dispenser.
Uminom siya bago mag salita ulit.
"Kapag ako, nagka anak, ang ipapangalan ko ay Athena Grace."
Napatawa siya, naiisip niya na kaagad iyon?
"Ang corny, ‘no? Kung andito ko pa sana, pag tatawanan mo 'ko."
Napaiyak ulit siya sa katotohanang wala na nga si Athena. Hindi niya pa rin matanggap, ganoon na ganoon pa rin ang reaksyon niya.
"Athena... Grace, parang Grapes?" Natawa siya dahil naisip niya pa iyon! Magkatunog nga naman.