Hindi ako makapaniwalang dalawa ang iiyakan ko sa libing.
Ano 'to, Cedric?
Hindi ba ako nagkakamali ng tingin? Huling pagkakaalala ko naman, malinaw pa ang mata ko.
Nawalan ng lakas si Athena sa pag lalakad habang ililibing na sana si Athena dahil sa nakita. Hindi niya inaasahang ganoon, wala sa isip niya iyon at wala sa kinikilos ni Cedric iyon.
"Napaka mapagpanggap," mapait na ngiti niya.
Hindi niya inaakalang gagawin nito iyon, ang lokohin?
"Sabi mo, may emergency sa bahay?" Naibulong niya, iyon kasi ang text ni Cedric sakaniya.
Magkahawak ng kamay ngayon si Abigail at Cedric ng kamay, nakikita niya pa kung paano lambingin ni Cedric ang leeg ni Abigail, nakakadiri iyon para sakaniya.
Ipinagsawalang bahala niya iyon dahil gusto niyang si Athena na lang muna ang pagkaabalahan.
Ilang minuto pa ay nakapunta nang simbahan at ang eksena ng libing ay ikamamatay niya.
Napaluhod siya nang mag lalaglag ng bulaklak, siya ang nag presintang unang gumawa nito.
"Athena, ayaw ko naman ng ganito," hagulgol niya.
Kung pwede lang na magbulag bulagan at isiping buhay pa si Athena, gagawin niya na lang.
Napuno ng katahimikan at tanging ang hagulgol na lamang ang pumapalibot na ingay sa lugar.
"People, let's just accept that my Athena is gone. We all need to be strong for her, okay? As I have said, she'll be frustrated if we cry like this," biglang umiyak ang mommy ni Athena matapos iyong sabihin.
May biglang lalaki na tumakbo at lumapit sa ililibing nang si Athena.
"Athena!" Sabi ng bagong dating.
Bigla na lang itong humagulgol at napaluhod. Nag iwan ito ng pagtataka sakaniya, wala naman siyang kilalang malapit kay Athena na ganiyan ang hitsura.
"Sorry po, pwede na po ulit," ngumiti ang bagong dating at tumayo ng maayos. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan at mga luhang pilit nang kumakawala sa mga mata niyang mapag panggap.
Mapag panggap dahil mistula pa rin nakangiti kahit bakas ang luha at sakit sa mata.
Maraming kaganapan sa libing kaya naman nang matapos ay sobrang pagod na niya. Lumapit sakaniya ang lalaki habang wala nang tao, dalawang upuan lamang ang pagitan nila. Nagpaiwan siya dahil gusto niya munang dumoon na lang.
"Ayaw kong maniwala, ikaw ba?" Biglang nagsalita ang lalaki kaya napaangat siya ng tingin upang siguraduhing siya ang kinakausap nito.
"Naniniwala ako, pero ayoko rin sana."
"Si Athena kasi, napaka bait niyan! Lagi niyang tinitignan kung ano ang mabuti para sa iba kahit na masasaktan siya sa magiging desisyon niya," ngumiti ito ng mapait. Nanatili lang ang titig niya sa lalaki, 'sino ba 'to? Bakit parang kilalabg kilala niya si Athena?'
"Ay! Ako nga pala si Jay!" Ngumiti ito sakaniya.
"Ako? Si Joy," tumawa siya. Magkatunog ang pangalan nila.
"Weh? Bakit parang ang lungkot mo naman? Joy ka niyan?" Nawala ang ngiti niya.
"Syempre, wala na ang best friend ko," ngumiti siya ng mapait at may lumusot na luho sa mata niya.
"Best friend? Walang best friend si Athena!" Napasimangot siya uli.
"Ha? Best friend niya 'ko."
"Wait. Unless..." Napaisip pa nito na kumakamot sa baba.
"Pero si Joy ka, eh, si Sky lang ang best friend no'n," napakamot ito sa ulo. "Ay, sorry, pero si Sky lang talaga ang best friend noong si Athena. Nasaan na ba iyon?"
"Nasa harap mo."
Natawa siya. Kwela itong si Jay kahit na seryoso.
"Ay? Ikaw pala si Sky?" Napakamot na naman ito ng ulo.
"Oo, uy, alis na 'ko," umalis na nga siya dahil naisipan niyang umuwi na muna.
Nakasalubong niya si Cedric habang nag lalakad palabas ng simbahan. Agad siyang pinag initan ng dugo
"Hey! Sorry... It was done? I'm really sorry I have to attend the—" pinutol niya na iyon kaagad bago pa mag labas ng mga kasinungalingan.
"Kailangan mong pumunta sa kalandian mo? Oh, sige," ngumiti siya.
Bakas ang gulat kay Cedric.
"Sorry pero aalis na 'ko," nalulungkot siya dahil hindi niya na kayang patawarin pa si Cedric sa oras na iyon.
Siguro kung babalik si Cedric kapag tapos na siyang lumubog sa kalungkutan ay maaari pa. Pero hindi ngayon. Mukhang hindi na.
"Can you at least talk to me?"
"’wag na lang. Hindi ko kaya ang emosyon ko, eh. Magaling akong mag tago ng emosyon sa laging nangyayari sa'kin. Laging tahimik lang ako. Minsan maski si Athena walang alam. Kaya kung ikaw pa ang makakapag pasabi sa'kin ng masasama," tumigil siya. "Ang galing mo naman."
Tumigil siya dahil ang dami niyang sinabi. Mabait siya ngunit masyado siyang galit ngayon dahil bukod sa pagkamatay ni Athena, sumabay pa ang siraulo.
"Mangloko," umalis na siya roon.
"Ma..." Bungad niya sa mama niyang pinag buksan siya. "Sorry po, papasok na po ako ulit... Sorry po talaga."
"Ha? Oh, sige! Pumasok ka na nga rito!"
Pumasok na nga siya at tumuloy sa kwarto. Nagulat siya sa DM sakaniya ng kuya niya sa i********:.
samueljan:
Break na kayo?
Kuya niya lang ang sinabihan niya tungkol doon dahil mabait naman sakaniya ang kuya niya.
skyleeem:
Opo, kuya, pano mo nalaman?
samueljan:
Single na rs status ng gago sa sss.
samueljan:
Bakit kayo nag break? G-in-ago ko pala agad.
Natawa siya dahil ang judgmental ng kuya niya.
skyleeem:
Cheater kasi, kuya, eh.
Napaiyak siya bigla roon. At malakas iyon na hindi imposibleng maalarma ang kabilang kwarto.
"Bubuksan ko, Sky, ha?" Tumango siya kahit hindi siya makikita ng kuya niya at nakayuko siya sa pag iyak.
"Bakit naman naki sabay pa..." Bulong ni Samuel habang binubuksan ang pinto.
Niyakap niya kaagad si Skylar pagkabukas.
"Okay lang ‘yun, Sky. Better now than later, 2 weeks pa lang kayo, ‘di ba?" Sinubukan niyang maging komportableng nananalita.
"Oo, kuya, kaso, kasi naman!" Hindi mapakaling sinasabi ni Sky.
"Ssshhh. ‘Wag ka nang magsalita. Ayos na ‘yon." Napangiti si Skylar sa sinabi ng kuya.
"Gusto ko na lang pong mawala, Lord," sinabi niya at nag sign of the cross. "Bigyan niyo po ako ng senyales at magpapakamatay ako kaagad, hindi na po ako masaya. Hindi po ako kailanman naging masaya kung wala si daddy at Athena. Pero parehas na po silang wala, paano na po ako?"
Napamulagat siya nang tabihan siya ng pamilyar sakaniyang pigura.
"Hindi kailanman naging sagot ang pag kitil ng buhay mo," sinabi nito.
"Pero napapagod na 'ko."
"Bibigyan kita ng lakas," sinabi nito at ngumiti. Iyon na ang nakapagpaangat ng ulo niya.
Si Jay.
"Salamat." Nginitian niya ang lalaki.
"Hindi matutuwa si Athena kapag ginawa mo ‘yon, bro," tumawa ang lalaki.
"Magsasama naman kami," yumuko siya ulit.
"Grabe, nasa bahay ka ng Diyos tapos nasa isip mo suicide? Ang grabe mo," inirapan siya ng lalaki.
Natawa siya sa pag irap nito, ang gara, bakla ba ito?
"Sakit lang kasi," ngumiti siya ng mapait.
"Halika nga!" Tawag nito sakaniya at tumayo na patungo sa puntod ni Athena.
"Ayan! Sa tingin mo matutuwa si Athena sa kagaganiyan mo? Hindi, ‘di ba? Kaya ‘wag kang ganiyan. Kaya mo ‘yan!"
"Magkakasama naman kami," tumawa siya sa kabila ng lungkot.
"Alam mo, hindi ibig sabihin ng may problema ka ngayon, palagi na ‘yan. Kukupas din ‘yan, malalagpasan mo rin," nginitian niya iyon.
"Alam ko naman."
Napayuko siya sa isiping hindi kailanman nabawasan ang kaniyang problema kung wala si Athena.
"Siya lang nakakapag pawala ng problema ko, eh," umiyak na naman siya.
"Siya rin naman yata sa'yo."
"Tapos gumawa pa 'ko ng katangahan."
Naiyak na talaga siya at humahagulgol na dahil sa alaalang niloko pala siya.
Nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Jay at napahinto siya. Nanigas siya nang mag umpisa rin itong haplusin ang buhok niya.
Bahagya siyang lumayo dahil sa pagka ilang. Bakit siya bigla na lang yumayakap?
"Pasensya na. Hindi ko maatim na may nakikita akong nalulungkot, eh," ngumiti siya.
Kahit hindi niya kakilala na gaano ay may nakasama pa siya. Dinaig pa ang mga taong dapat kasama niya sa mga ganoong panahon na iyon.
"Uy, salamat, ha," nahihiya nang sinabi niya.
'Bakit kailangang ang taong hindi ko pa kilala ang nandito sa tabi ko gayong dapat pamilya ko ang kasama ko?'