XI

1649 Words
"Salamat," isinambit niya nang nasa kanto na sila ni Jay. Hinatid siya nito hanggang sa kanilang bahay, katwiran baka nagpasagasa raw. Hindi naman niya iyon gagawin. "Dito na lang? Sure ka hindi ka haharang sa daan?" Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi nga! Grabe ka." Kaya hanggang kanto lang siya dahil baka makita siya ng magulang, pero parte na rin nito na sana ay hindi nito alam ang bahay nila. "Oo na, sige!" Tumatawa pa itong tumalikod at umalis na. Sumakay lang ito sa pampasaherong sasakyan dahil walang dalang pansarili. Tunalikod na siya ngunit nagulat siya sa bumalandra sa harap niya. "Have you replaced me?" Hindi niya iyon inimik at sa halip ay nilagpasan ito. Akma na siyang liliko pero bigla siyang hinawakan sa braso. "Why don't you answer? Ang bilis mo naman mag palit!" Pasaring nito kaya naman agad na may namuong galit sa ulo niya. "Ako nga, nag break na tayo bago mag palit. Ikaw hindi pa tayo break may iba ka na." Tumalikod na lang siya ulit matapos sabihin iyon ngunit hindi na naman natuloy ang pag alis niya dahil pinigilan siya ulit ni Cedric. Hinawakan siya sa kamay. "We broke up?" Para bang takang tanong nito. "Matapos ng ginawa mo sa tingin mo tayo pa?" Binalik niya ang tanong dito na nakapag pabuntong hininga kay Cedric. "But... Can you give me a chance?" Umiling siya dahil hindi niya kaya iyon. Hindi niya masasabing hindi siya nasaktan pero sa totoo lang ay para siyang nauntog at nagising sa katotohanan. Na hindi niya kailan man minahal si Cedric. Kung may naramdaman man ito sa kaniya. Hindi iyon pagmamahal. Galit iyon sa ngayon. "Why? Kasi may bago ka na?" Sinumbat pa nito kaya mas tinignan niya ito na puno ng galit ang mata. "Pinsan 'yon ni Athena, nag kita kaming simbahan." Ni hindi niya alam kung bakit pa siya nagpapaliwanag. "Then why you won't give me a chance?" "All I felt towards you is just infatuation. Hindi ko masasabing minahal kita dahil hindi ako nasaktan nang makita kang may iba. Nagalit ako, kasi nagawa mo ‘yon." Huminto siya sandali pero nag salita ulit. "Sorry, pero akala ko mamahalin kita, pero sinira mo iyon nang makita kitang may iba." Nagulat si Cedric kaya binitawan nito ang kamay niya. Tila hindi ito makapaniwalang galing iyon sakaniya. "I couldn't say I'm not hurt. But I'm sure it wasn't because you're with someone else. It's because you fooled me when I'm willing to be in a progress to love you." Hindi siya makapaniwala sa sariling sinabi. Hindi niya alam bakit hindi niya ito masabi sa tagalog ngunit nasabi niya naman ang nilalaman ng isip niya. Tumalikod na si Cedric at iniwanan siya kaya naman umalis din siya. Kapag uwi niya, mayroong nag DM sakaniyang hindi niya kakilala. Langit ang picture nito. "Wew, strange," napasabi siya dahil ang picture na pinopost din nito ay puro langit. hjunvelssico: Yow! Kamusta? Hindi ka naman nagpasagasa noh? Napatawa siya dahil alam niya na kaaagad kung sino iyon. skyleeem: Paano mo nalaman ang username ko? skyleem: Jay? Sinigurado niya pa rin kahit halata naman na. Pero nauna niya pa rin itanong kung paano nito nalaman. Mag papalit na muna sana siya ng damit dahil galing sa labas ngunit tumunog na naman ang cellphone niya, minabuti niyang tignan muna kung bakit. hjunvelssico: Oo, ako nga. Hahahahaha. Napakunot ang noo niya nang hindi nito pansinin ang naunang chat kaya hindi niya na lamang ito pinansin at naligo na. Wala naman nang dapat pag usapan. Dahil halos umabot isang linggo siyang hindi pumapasok, kasali pa ang araw ng Lunes matapos ang libing ni Athena noong Linggo, papasok na siya sa kinabukasan. Martes. Nag aayos na siya ng kagamitan at hinanda ang sarili sa dami nang isusulat na hindi niya naisulat noong wala siya at mga kailangan ding ipasa. Nakapag basa naman siya kahapon pero wala siyang kaibigan para mapaghingian ng mga pinag aralan kaya alam niyang sobrang kulang ng inaral. Napahinto siya sa pag aayos nang tumunog ang cellphone. Tinapos niya muna ang pag aayos saka naupo at tinignan kung bakit iyon tumunog. Napag alaman niyang nag DM lang ulit si Jay kaya agad naman niya itong binuksan at binasa. hjunvelssico: hi goidmirnung Natawa siya. skyleeem: Hi good morning. Tulog ka pa. hjunvelssico: huh hjndi ah! gisibg na ko. Napailing siya at hindi na muna nag reply, pumasok na siya at maaga aga pa naman kaya nag check muna siya ng cellphone pagkapasok ng room. hjunvelssico: ay snob ka bro hjunvelssico: awts gege hjunvelssico: ano'ng course mo? hjunvelssico: joke lang kaklase mo nga pala si Athena Natawa siya dahil may mga chat pa ito kahit pa noong hindi niya na nireplyan. skyleeem: Reply to: ay snob ka bro Pumasok lang. Hahahaha. Bakit?? Dumating ang prof niya kaya naman binitiwan niya na ang cellphone. Noong patapos na at nag aayos na ng gamit ang prof niya, sumunod siya at nag tanong. "Miss, can I still pass the activities I've missed when I skipped school?" Sinabi niya sa prof. Kailangan talaga niyang mag english dahil gusto ng prof niyang iyon ang english. Prof niya sa Taxation. "Yup sure, follow me to my office," nginitian siya ng prof niya. Agad naman siyang sumunod dala ang back pack niya at nagulat nang makita si Jay sa office din ni miss Taxation. "Hi what is your concern? Are you my student, I'm sorry I'm not able to remember your face." "Hi po madam, I'm not your student. I'm the cousin of, ehem," napaubo ito saglit bago ituloy. "Athena Janelle Bernardo." "Oh," napatigil ang teacher nang maalala. "Yes, yes, come in." Nilingon naman siya ng prof niya at sumenyas na sumunod din siya. Ganoon nga ang ginawa niya at inintay na bigyan siya ng papel ng professor niya. Nahihiya siyang kinuha ito pero dumulas dahil nakabalot sa plastic na madulas naman talaga. Nang akma niya itong kukuhanin ay umakma ring kukuhanin kaya naman nagkauntugan sila at napaupo si Skylar dahil mas malakas ang impas ng ulo ni Jay. "Ay, hala! Sorry, Sky!" Agad namang tinulungan ni Jay na tumayo si Sky at tuluyan nang kinuha ni Skylar ang mga papel. Nag pasalamat pa siya sa prof niya nang makatayo. Narinig niya pang tumikhim si Jay pag labas niya pero tuluyan na siyang umalis. Sumakit talaga ang ulo niya roon kaya kahit noong uwian na habang nag hahanap ng masasakyan ay nananakit ang ulo niya. Naisip niyang inisin si Jay kaya nilabas niya ang cellphone niya para mag DM, pero nakita niyang naunahan pala siya nito kanina pa lang. hjunvelssico: bruh! sorry ha? ays ka lang naman? Natawa siya. Hindi naman siya okay. Para lang siyang okay. Palagi naman. Nasanay na yata ang sarili niya sa ganoon. Masaya siya palagi, pero ang mental breakdown niya ay kapag siya na lang mag isa. skyleeem: Hahahahah. Ang sakit nga ng ulo ko. Ang tigas ng ulo mo, ha! Naglakad na siya at inalis ang tingin sa cellphone pero bukas pa rin ito para marinig niya kung tutunog. hjunvelssico: Talaga? Sorry talaga, ah? Tara. Libre kitang milktea. May bago diyan sa labas, eh. Napatigil siya dahil sa milktea. Hindi niya gusto iyon. Uminom lang naman siya non dahil paborito iyon ni Cedric. skyleeem: Ayoko ng milktea, uwi na 'ko. Ayos lang ako :) Paparahin niya na sana ang isang trycicle pero may pumigil sa kamay niya. Takha siyang lumingon dito ngunit nang makita kung sino ito ay umalis na lang siya ulit at tatawid na sana nang may paparating na kotse at muntik siyang matamaan. Tinulak siya ng hindi niya alam na si Jay pala kaya naman napakapit na lang siya sa bakal ng harap na tindahan. Huli na nang malaman niyang Jay iyon. Hindi naman siya napaano bukod sa natapilok ang paa niya pero inisip niyang baka si Jay ang napahamak pero nakahinga ng maluwag nang makitang walang naka hintong kotse kaya palagay niya ay walang nangyari. Wala ngang nangyari kay Jay pero nakita niyang nilapitan kaagad ni Jay si Cedric kaya lumapit siya agad doon pero sinigurado na niyang walang sasakyan. "Nakita ko 'yung ginawa mo, sino ka ba?" Akmang sasapak naman siya pero ngumisi si Cedric at nag salita. "Girlfriend ko 'yon," sinagot nitong may yabang pero nakisali siya sa usapan. "Kailan pa?" Tinanong niya. Hahatakin niya na sana si Jay para siya na lang ang magpa salamat at mag explain pero nag salita na naman si Cedric. "Neto neto lang, 2 weeks ago," mayabang pang sagot nito dahilan para mapa irap siya. Hindi naman niya ugali iyon dahil tahimik lang siya at palaging tahimik pag wala si Athena pero naiinis na talaga siya mga oras na iyon. Umalis na lang siya at hindi pinansin si Cedric at hinila si Jay sa mga malapit na sunod sunod na kainan. "Jowa mo pala, hala," napatakip ito ng bibig na tila nang iinis na nilaki pa ang mata. "Bakit mo nilayasan, ano pala ganap ko, kabit?" Natawa siya nang bahagya pero nalungkot din nang maalala. "Oo," totoong nagulat na si Jay sa sinabi niyang iyon at mapait na lang siyang ngumiti at yumuko dahil mayroon nang nag babadyang luha sa mata niya. "Break na kami noong isang araw. ‘Wag mo nang isipin," ngumiti siya ulit at tumingala para pigilan ang luha pero napuwingan naman siya. Napapikit siya sa sakit. Pero tinuloy niya na ang iyak kaya sumama na doon ang nakapuwing sakaniya. "Aruy, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Jay pero agad binawi. "Ay joke lang iiyak mo lang, ang chismoso ko naman." Napalingon siya rito at ngumiti, "napuwing ako, dapat pala pinahipan ko sa'yo para makita ka ni Cedric tapos akalain niyang kinikiss mo 'ko?" Tinuro niya si Cedric na nakita niya lang din habang nag sasalita siya. Nilingon ni Jay ang gawing nginuso ni Sky at saka tumawa. "Tapos sasapakin ako? Nako, ‘wag na lang," sabi nito na kinakaway pa ang kamay na akala mo ay tangging tanggi talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD