Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Binuksan pala ni ninong ang kurtina ng kwarto ko.
"Naospital daw si Athena kagabi, ah..." Sabi ni ninong. Nagulat ako ro'n.
"Hala nong, bakit daw?" Syempre tinanong ko rin kaagad kay ninong iyon.
"Nakita na lang daw bigla na naka handusay sa condo mag isa."
Naka handusay? Edi patay na 'yon? Watda pakening shet?
"Amp?" Nasabi ko lang. Nag tataka kaya ako, bruh.
"Pero buhay, tanga mo, Heaven," tumawa si ninong.
"Gagi, nong, nakahandusay sabi mo, eh. Ang panget mo pumili ng salitang gagamitin!" Nag kunwari akong naka hawak sa mukha ko at mata lang ang litaw tapos naka harap ang isa kong kamay sakaniya. Para bang diring diri ako sakaniya.
"Uuwi ka?" Nalungkot ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung kakayanin kong maka uwi...
Malapit na ang finals kasi patapos na ang sem? Bali sana doon sakanila na medyo malayo layo pa.
"Hindi ka uuwi, ‘no? Aral ka na lang, boi!" Binatukan ako ni ninong tapos muntik pang tumaob ‘yung wheel chair niya.
"Ingat naman diyan, nong! Mahirap maging tanga," tumawa ako.
"Syempre expert ka do'n." Umirap si ninong tapos lumabas na rin ng kwarto ko.
Sinundan ko naman siya at bilang malaki naman ang bahay, kinausap ko siya sa hallway.
"Nong, nga pala, si Sky, kailan mo 'yun babalikan?" Tinanong ko dahil baka malungkot 'yon ngayon.
Nasa ospital si Athena, sino'ng kasama no'n? Base sa kwento ni Athena lagi iyong malungkot. Hindi ko naman alam ang bakit pero naikekwento 'yun ni Insan.
Ang gara, ‘no? Joy pa man din ang pangalan, malungkot.
"Hindi ko alam," bumuntong hininga si ninong. Naaawa ako sakaniya. "Sobrang galit sa akin ang asawa ng Mama ni Sky, nangako naman na iyong sakaniya na si Sky. Ginawa nga naman akong kabit, anong karapatan kong maging ama ng anak ko? Kung hindi ako kabit, baka kuhanin ko pa si Sky."
"Eh, nong, bakit ka ba naging kabit? Payag ka ng gano'n?" Tanong ko pero hindi ako nang iinis, bruh, seryoso ako minsan.
"Hindi naman sinabi sa akin na kabit ako, boi, bakit parang kasalanan ko?" bumuntong hininga si ninong. Ang bigat!
"Oo nga, nong, sa asawa talaga dapat ang bata. Pero dugo mo 'yun, bakit 'di mo idemanda? P'wede ba 'yun?" Nag tataka ako. Ang complicated naman. Amp.
"Pwede? Hindi ko rin alam, gago. Wala naman akong alam sa ganiyan."
Natawa pa rin ako. Parang tanga si ninong, seryoso, e.
"Nangako naman kasi siyang aalagaan, siya naman ang legal na asawa kaya hinayaan ko na lang. Aantayin ko sanang makatapos si Sky ng pag aaral para kuhanin siya. Makakapag desisyon na siya no'n, ‘no?" Napa tango tango ako.
"’Di ba dapat kapag legal age, nong?" Tinanong ko. Pwede na 'yon mag desisyon, eh.
"Oo nga, pero nag aaral pa rin kasi. Baka maguluhan siya sa magiging desisyon niya kasi ang layo ko."
Dati ko pang kilala si Sky dahil anak siya ni ninong at kaibigan ng pinsan kong si Athena.
Naikwento pa nga ni ninong na siya ang nag bigay ng pangalan ko. Mas matanda kasi sa akin si Skylar ng tatlong buwan. Nang malaman ni ninong na Sky ang pangalan, hanep, bruh, pinangalanan akong Heaven.
Best friend niya kasi si mama ko, kaya nang umalis ang papa ko kasama siya ng mama ko. Bumalik naman si Papa, tinago pala ako ni Mama kay Papa. Parang tanga ang mga pota.
Pero hindi na inlove si ninong kay Mama! Ang corny no'n, bruh. Traumarized daw si ninong sa Mama ni Sky.
At dati pa man din, kilala ko na siya. Marami akong alam sakaniya dahil sa pag tatanong ko kay Athena. Syempre hindi naman ako nag tatanong kay ninong kasi miske siya wala masyadong alam kay Sky.
Kilalang kilala. Gusto ko rin siya, pakialam niyo ba kung hindi ko pa nakikita? Basta gandang ganda ako sakaniya, ang simple, bruh! Pero alam ko rin na lagi siyang malungkot, hindi nga lang sinasabi sa'kin ni Athena kung bakit.
Kaya nang mag sinungaling akong hindi ko siya kilala, mukha akong gago dahil kilala ko naman siya. Kilalang kilala, crush ko nga, bruh.
"Ayaw kong maniwala, ikaw ba?" Tinanong ko sakaniya nang tabihan ko siya. Lumingon naman siya kaagad na nag tataka.
Hanep, wala na kasing mga tao, umiiyak pa rin.
"Naniniwala ako, pero ayoko rin sana." Ang lungkot ng mga mata niya.
"Si Athena kasi, napaka bait niyan! Lagi niyang tinitignan kung ano ang mabuti para sa iba kahit na masasaktan siya sa magiging desisyon niya," ngumiti na lang ako kahit ang sakit sa'kin na wala na ang pinsan ko, ngayon lang ako naka punta dahil nag eexam ako, buti nga umabot.
"Ay! Ako nga pala si Jay!" Ngumiti naman ako kaagad, hindi ko sinabing si Heaven ako at siguro sa J ng Jun ko nakuha ang Jay. Ang pauso. Kilala na kasi niya 'ko sabi ni ninong. Kinekwento raw ako ni ninong pero hindi pa kami nag kikita dahil minsan lang kinikita ni ninong si Sky, makikisali pa 'ko?
"Ako? Si Joy," tinawanan ko siya. Sinungaling din, iniba ang pangalan! Pero tumawa rin siya, bakit?
"Weh? Bakit parang ang lungkot mo naman? Joy ka niyan?" Nawala ang ngiti niya, ang plastic naman kasi ng ngiti!
"Syempre, wala na ang best friend ko," ngumiti siya ng mapait pero alam ko namang malungkot na siya kahit hindi pa nawawala ang pinsan ko.
"Best friend? Walang best friend si Athena!" Napasimangot siya sa sinabi ko. Aasarin ko lang, bakit? Kunwari hindi ko narerecognize ang pangalan niya kahit alam ko na ang buong pagkatao niya. Panty niya nga nung debut niya green, eh.
"Ha? Best friend niya 'ko." nag pipigil na 'ko ng tawa kasi mukhang nagtataka siya, kunot na kunot ang noo, bruh.
"Wait. Unless..." Nag kamot pa 'ko ng baba kunwari nag iisip.
"Pero si Joy ka, eh, si Sky lang ang best friend no'n," kumamot ako ng ulo. "Ay, sorry, pero si Sky lang talaga ang best friend noong si Athena. Nasaan na ba iyon?"
"Nasa harap mo." Sabi niya. Natawa naman ako roon.
Alam ko.
"Ay? Ikaw pala si Sky?" Kumamot ako nang sabihin iyon. Ang peke, 'tol!
"Oo, uy, alis na 'ko," umalis na nga siya. Bakit? Nakikilala ba niya 'ko?
Binalewala ko na lang iyon at umuwi na rin, nakita ko pa siyang malungkot na nag lalakad pero hindi ko na muna nilapitan. Sunod na pagkikita namin ay nasa simbahan siya at tatabihan ko sana pero nag dadasal, bruh.
"Gusto ko na lang pong mawala, Lord," sinabi niya at nag sign of the cross. "Bigyan niyo po ako ng senyales at magpapakamatay ako kaagad, hindi na po ako masaya. Hindi po ako kailanman naging masaya kung wala si daddy at Athena. Pero parehas na po silang wala, paano na po ako?"
Nagulat ako nang sabihin niyang wala ang daddy niya. Patay na ang tatay niya? Huh? Siguro iyong asawa ng Mama niya. Malapit pala siya roon?
"Hindi kailanman naging sagot ang pag kitil ng buhay mo," sinabi ko pagkalapit. Nagulat din siya sa biglaan kong presence sa tabi niya.
"Pero napapagod na 'ko."
Ang pangit ng katwiran, 'tol. Pero naiintindihan ko siya. Kaya nga nandito ako, eh.
"Bibigyan kita ng lakas," nginitian ko ang sarili ko. Porma kaagad, pare? Hindi papaawat?
Lumingon naman siya nang sabihin ko 'yon kaya tinanggal ko rin agad ang ngiti ko na maloko at ngiting maliit na lang. Hirap mag pigil ng landi, ah.
"Salamat." Ngumiti siya. Ang peke. Ang lungkot ng mata.
"Hindi matutuwa si Athena kapag ginawa mo ‘yon, bro," Sinabi ko sakaniya para lumakas siya ng kaunti. Alam kong mahal niya si Athena.
"Magsasama naman kami," yumuko siya.
Nagagalit ako dahil ganoon ang iniisip niya. Bakit ba sobrang lungkot niya? Sinong may gawa ng ganito sakaniya? Pwede siyang maging masaya kahit nay problema kaya naiisip ko kung bakit si Athena lang talaga ang meron siya? May kapatid at nanay siya, ah!
"Grabe, nasa bahay ka ng Diyos tapos nasa isip mo suicide? Ang grabe mo," umirap ako.
Naiiyak ako dahil parang ang hirap ng sitwasyon niya? Wala bang nag mamahal sakaniya? Pwedeng ako na lang? Landi ko, puta.
Natawa pa siya sa pag irap ko! Mukha yata akong tanga?
"Sakit lang kasi," ngumiti siya ng mapait.
Sana mabuhayan siya, gusto kong ipa realize sakaniya na ayaw ni Athena ng ganiyan.
"Halika nga!" Hinila ko na siya papunta kay Athena.
"Ayan! Sa tingin mo matutuwa si Athena sa kagaganiyan mo? Hindi, ‘di ba? Kaya ‘wag kang ganiyan. Kaya mo ‘yan!"
"Magkakasama naman kami," tumawa siya sa kabila ng lungkot. Bakit ba ganoon pa rin ang iniisip niya?
Naiinis ako dahil bakit wala na siyang pag asa. Wala na bang ibang tao na nandiyan para sakaniya, kung oo ay bakit?
"Alam mo, hindi ibig sabihin ng may problema ka ngayon, palagi na ‘yan. Kukupas din ‘yan, malalagpasan mo rin," nginitian niya 'yung sinabi ko.
Pero sana mayroong nandiyan para sakaniya dahil mahirap lagpasan ang problema nang mag isa.
At gugustuhin kong ako na lang iyon kesa wala, bruh.
"Alam ko naman."
Napayuko siya. Nalulungkot ako para sakaniya. Ang bakla ko, bro.
"Siya lang nakakapag pawala ng problema ko, eh," umiyak na naman siya, hindi ko siya kayang tignan ng ganito. Hindi ko na alam gagawin ko. Pwede bang pahingi ng problema para maintindihan ko siya?
"Siya rin naman yata sa'yo." Totoo naman. Alam kong nag tagal si Athena sa ospital nang hindi namamatay para kay Sky. Bukod sa pamilya niya.
"Tapos gumawa pa 'ko ng katangahan." Umiyak pa siya, niyakap ko na, bro. Hindi ko na kayang makita siya ng gano'n.
Triny kong suklayin ang buhok niya para ma-feel niyang cincomfort ko siya. Walang halong landi, next time na 'yon.
Bahagya siyang lumayo dahil sa pagka ilang. Nahiya tuloy ako sa ginawa ko!
"Pasensya na. Hindi ko maatim na may nakikita akong nalulungkot, eh," lalo 'pag ikaw.
Nginitian ko siya. Kaya mo 'yan. Saka kaya mo pa.
"Uy, salamat, ha," nahihiya nang sinabi niya. Ayos lang sa'kin.
Umalis na 'ko kagad, tinalikuran ko siya. Next time na lang muna, kinikilig ako, bro, feeling ko nababakla na 'ko. Hahahha pucha baka batukan ako ni ninong pag nalaman niyang nauna pa 'kong kumausap sa anak niya.
Bumalik din ako, syempre! Andoon pa rin naman, buti! Nag inarte lang ako at bumili ng juice. Binigyan ko siya ng buko juice ng walang sabi at tinanggao niya na lang. Mamaya na lang ako mag sasalita, nababakla pa 'ko.
"Hatid na kita?" Alok ko nang maubos na namin 'yung juice. "Baka magpasagasa ka, eh."
Gamit lang ng excuse para dagdag bebe time. Bitin ako, bakit ba?
Tumango siya at hinatid ko na nga siya, wala akong sasakyan kaya tricycle na lang kami, ang cheap ko ba? Dagdag pogi points na lang ako mag bayad.
"Kuya, eto po bayad sa may kanto raw po nila, keep the change!" Kumindat pa 'ko.
Alam kong mukha akong pasikat pero okay labg kasi pasikat naman talaga 'ko. Pogi version lang ako, eh.
"Salamat," isinambit niya nang nasa kanto na kami. Strict yata parents, hanggang dito lang, eh.
"Dito na lang? Sure ka hindi ka haharang sa daan?" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hindi nga! Grabe ka."
"Oo na, sige!" Tumawa ako at tumalikod na para umalis, sige na, next time na lang ulit.
Tatawa tawa pa 'kong bumalik sa sasakyan, buti andito pa 'yung tricycle.
"Pasakay ulit kuya, doon naman sa mansyon. hahahahaha. It's a prank 'yung keep the change." Tawa ako nang tawa, 'di siya umalis, eh.
Pagka pasok ay umupo agad ako sa sofa at nag DM. Dati ko pa siyang pina-follow, 'di ako nag chchat, syempre!
hjunvelssico:
Yow! Kamusta? Hindi ka naman nagpasagasa noh?
Cinareer ko na lang ang sinabi kanina para sa kaplastikan ko na gusto ko labg naman talagang lumandi. Jusko, kalalaking tao maharot. Buti na lang pogi ako. Porma na lang, ang sagwa ng landi!
skyleeem:
Paano mo nalaman ang username ko?
skyleem:
Jay?
Natawa ako at inignore 'yung unang tanong. Dati pa 'ko naka-follow, 'di niya pala pansin!
hjunvelssico:
Oo, ako nga. Hahahahaha.
Ayan lang ang nireply ko. Wala naman na siyang nireply kaya pinabayaan ko na. Bukas na lang.
Umagang umaga, dahil aayusin ko mga papel ni Athena, nag DM ako ulit.
hjunvelssico:
hi goidmirnung
T-in-ypo ko talaga. Para mag reply, kahit pang aasar!
skyleeem:
Hi good morning. Tulog ka pa.
Natawa 'ko. Siguro dahil sa typo ko akala niya inaantok pa 'ko.
hjunvelssico:
huh hjndi ah! gisibg na ko.
Natawa 'ko. Kaso nawala n'ong s-in-een ako. Paktay, ayaw ako kausap?
Wala talagang typing mga ilang minuto nang lumipas kaya nag chat ako ulit.
hjunvelssico:
ay snob ka bro
hjunvelssico:
awts gege
hjunvelssico:
ano'ng course mo?
hjunvelssico:
joke lang kaklase mo nga pala si Athena
Medyo palpak ako roon, bro! Halatang nag papanggap na walang alam sakaniya kahit obvious.
Mga ilang minuto pa siya bago mag reply at nakaligo't nag bihis na 'ko no'n.
Pumunta na lang muna 'kong school nila at sinundan ang schedule. Nag hintay ako nang matagal bago papasukin dahil ayaw maniwala sa reason ko kaya ako pumunta rito. Guard niyo, outdated! Outsiders daw! Tapos na sem namin, uy! Mag eenroll ako dito next sem asarin kita araw araw, 'di ako mag a-ID.
Nagulat ako nang lumapit ang teacher ni Athena sa... Taxation? Pero kasama si Sky!
"Hi what is your concern? Are you my student, I'm sorry I'm not able to remember your face."
"Hi po madam, I'm not your student. I'm the cousin of, ehem," napaubo ako dahil nandoon si Sky. "Athena Janelle Bernardo."
"Oh," napatigil ang prof niya nang maalala. "Yes, yes, come in."
Nilingon si Sky noong teacher at sinenyasan siya.
Nahihiya pa ito nang kuhanin tapos nalaglag.
Nang maisip kong kuhanin ay nakuha niya na kaya nakisabay na lang ako pero nauntog siya sa'kin at napaupo pa siya!
"Ay, hala! Sorry, Sky!" Nag sorry ako kaagad at tinayo siya. Nag pasalamat naman siya sa prof bago umalis.
Tumikhim ako dahil hindi ako pinansin, hanggang maka labas, hindi ako pinansin.
Baka nagalit? Kaya nag DM ako nang matapos kausapin ang prof ni Athena.
hjunvelssico:
bruh! sorry ha? ays ka lang naman?
Naiinis ako, ang pabibo ko naman? Naka sakit lang ako, eh!
Wala siyang reply kaya nag patuloy na lang ako sa papers bago umalis.
Uwian na halos nang nag DM siya kaya naman nakita ko siyang nag hihintay nang masasakyan habang hawak ang cellphone.
skyleeem:
Hahahahah. Ang sakit nga ng ulo ko. Ang tigas ng ulo mo, ha!
hjunvelssico:
Talaga? Sorry talaga, ah? Tara. Libre kitang milktea. May bago diyan sa labas, eh.
Nakita ko siyang tumigil nang mabasa ang DM ko.
skyleeem:
Ayoko ng milktea, uwi na 'ko. Ayos lang ako :)
Paparahin niya na sana ang isang trycicle pero may pumigil sa kamay niya. Para siyang nag taka noong tumingin sa lalaki kaya naman umalis na siya roon pero bro, may kotse! Tinulak ko siya at bilang hindi tanga umiwas pa rin ako. Hindi malakas ang tulak ko, sapat lang para bumilis ang hakbang ng paa niya pero napakapit siya sa bakal sa harap ng tindahan doon.
Nilapitan ko naman agad ang lalaki. Parang gago 'to, anong problema nito?
"Nakita ko 'yung ginawa mo, sino ka ba?" Akmang sasapakin ko na pero naasar ako ng gago no'ng ngumisi ito at nag salita.
"Girlfriend ko 'yon."
Ang yabang, amputa, basagin ko ngala ngala nito, eh.
"Kailan pa?" Tinanong bigla ni Sky. Ni hindi ko nga alam na nandito siya.
"Neto neto lang, 2 weeks ago," mayabang na sagot nung lalaki. Inirapan naman siya ni Sky.
Nalilito ako, may boyfriend siya? Sumbong ko nga kay ninong 'to.
Hinila ako ni Sky papunta sa hilera ng mga kainan pero hindi nag salita kaya ako na ang nauna.
"Jowa mo pala, hala," Nanlaki kunwari ang mata ko at napatakip ng bibig. "Bakit mo nilayasan, ano pala ganap ko, kabit?"
Natawa siya pero bigla namang lumungkot. Tatawag na ba 'ko ng mental?
"Oo," Yumuko siya.
Nagulat ako, kaunti, pero okay lang naman. 'Di naman masakit. Pero susumbong ko talaga kay ninong 'yun.
Okay lang naman sa'king sila, next time na lang ako wala namang forever.
Pero to be honest, I can't see love. Alam kong wala. Sa'min din wala kaya sana all na lang din ako ro'n, bro.
"Break na kami noong isang araw. ‘Wag mo nang isipin," ngumiti siya pero tumingala na halatang sinusubukang igilan umiyak.
Nang makita ko siyang mag mental breakdown, narealize kong hindi normal. Ang sadness na nararamdaman niya ay hindi usual. May mali. Tutulungan ko siya. Willing ako.
Nagulat ako nang pumikit siya at sinubukang dumilat, pag dilat niya sunod sunod agad na lumabas ang luha niya.
"Aruy, bakit ka umiiyak?" Tinanong ko pero agad ko namang pinag sisihan. "Ay joke lang iiyak mo lang, ang chismoso ko naman."
Lumingon siya sa'kin at ngumiti, "napuwing ako, dapat pala pinahipan ko sa'yo para makita ka ni Cedric tapos akalain niyang kinikiss mo 'ko?" Tinuro niya bigla ang likod ko.
Napalingon ako roon at nakitang nandoon 'yung lalaki. Ang panget, 'tol, mukhang hito lang.
"Tapos sasapakin ako? Nako, ‘wag na lang," Kinaway ko pa kamay ko na parang ang ilap ko. Natawa siya dahil do'n.
Bakit kailangan niyang takpan ang nararamdaman niya?
Mag mula ngayon susubukan kong mabuti na maging totoo siya 'pag ako ang kaharap. Hinding hindi ko siya bibiguin. Maging akin man siya o hindi, hindi iyon ang importante. 'Pag gumaling na ang mental health niya. Gusto kong parte ako no'n at gusto kong makita iyon.