Nawawalan na 'ko ng oras. Natapos ang finals kaya nandito ako sa school nia para mag enroll pero hindi pa raw sila open for enrollees.
Kailangan kong bilisan dahil nakakita ako ng laslas kanina sa braso niya. Malapit sa pala-pulsuhan. Nasasaktan na talaga siya.
Balak ko nang ibigay sakaniya ‘yung sulat na pinapabigay ni Athena years ago pero naiwanan ko kasi iyon sa Nueva Ecija.
Bakit hindi ko dinala? Ang tanga ko naman.
Tinawagan ko si Sky kasi alam kong nawawalan na siya ng will to live.
Tahimik lang siya pagkadagot niya kaya ako na muna ang naunang mag salita.
"Hi, Sky!"
[Bakit?] Tunog galit siya sa tono niyang iyon.
"Ay, bruh, galit ka?" Naitanong ko tapos bigla namang tumawa.
"Nababaliw ka na," napapailing ko na lang na nasabi.
Bakit ba kasi ang dali dali niyang natatakpan ng masayang lungkot ang mukha? Kung hindi ko lang siya kilala baka akalain kong normal ang buhay at masaya siya.
Alam kong masyadong mabilis ang ilang nga linggo para umamin akong gusto ko siya kaya kinulit ko lang siya nang kinulit. Hindi naman ako nag sasawa kahit sad to say, hindi siya nag rereply. Amp!
Ayun, minsan katawagan ko si ninong, nilalait ako.
"Nong nakita mo screenshot ko kanina? Hindi ka nag rereply," sabi ko dahil magkaudsp kami sa telepono.
[Oo, tanga nakita ko.] Tumawa muna si ninong bago nag salita ulit. [Boi! Hindi ka talaga rereplyan no'n sa kulit mo. Try mo eventually lang mag chat!]
Ambobo ni ninong, paano 'yun?
"Bahala ka diyan, nong, ang bagal ng progress ko no'n!" Natawa ako.
Hindi ako nag mamadali, dahil alam kong hindi ko sure kung magiging akin siya pero ang akin ay sumaya siya.
Lumuwas akong Nueva Ecija noong araw din na 'yon at kinuha 'yung papel. Inasar pa 'ko ni ninong na wala raw akong pag asa.
"Wala akong pakialam, nong," inirapan ko siya.
Tinulak ko ang wheel chair niya pababa sa likod bahay kasi magpapa hangin daw siya, binaba ko naman at aalis na sana pero tinawag ako.
"Po?" Humarap ako ulit. "May kailangan ka, nong?" Naitanong ko ulit.
"Wala. Pero sana magawan mo siya ng paraan," ngumiti si ninong.
Um-oo na lang ako kay ninong at hindi na umimik kasi alam ko namang para iyon sa anak niya at parehas kaming gustong umayos ang lagay ni Skyle.
Bumalik din ako agad pagka kuha ko ng papel at niyaya siyang ibibigay ko sakaniya ang papel. Ang totoo hindi ko binasa dahil sinabi ni Athena'ng ‘wag at ayoko namang magalit siya sa'kin hanggang kabilang buhay.
Fifteen pa lang galaga ako alam ko na ang nangyayari sa buhay ni Athena. Nag sasabi siya sa'kin.
Nagulat ako nang bigla na lang yumakap sa'kin si Skylar. Siguro ay nabasa niya na kaya niyakap ko na lang din.
Wala sa loob kong niyakap si Jay. Ang sakit. May ganoon pala siyang pinag dadaanan pero hindi siya nag sadabi sa akin tungkol doon. Sana nandoon ako para sakaniya. Sana sabay kaming nahirapan.
Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat ni Jay. Umahon din ako para mag tanong sakaniya dahil naguluhan ako sa nasa sulat.
"Sino si Heaven?" Tinanong ko kaagad. Ang ganda ng pangalan! Siya si Heaven at ako naman Sky.
"Ako," nagulat ako sa isinagot niya.
Siya? Paano naging?
Hindi ako makapaniwala at naka nganga lang ako at hindi ko mawari kung bakit biglang lunakas ang t***k ng puso ko.
Naaalala ko. Si Heaven. Kaibigan ko iyon dati.
Lumapit ako ulit sakaniya at niyakap siya, sa hindi malamang dahilan, alam kong may kasama pa 'ko. Kaibigan ko si Heaven.
Nagulat ako nang itulak niya 'ko kaya tinignan ko siya para tanungin kung bakit kaya naman nag salita siya.
"N- naaalala mo 'ko?" Pautal utal pa siyang nag salita kaya ngumiti ako at tumango kahit basang basa ng luha ang mata ko.
Hindi ako nag salita at hinayaan lang ang sariling umiyak hanggang gabi. Hanggang makauwi ako hindi ko pa rin makalimutan na nakilala ko pa ulit si Heaven. Kaibigan ko iyon noong lagi ko pang nakakasama si Athena sa kanila. Halos isang buwan din siyang naroon pero umuwi rin sa Nueva Ecija kaya sobrang mangha ako na nandito siya. Minsan naiisip ko siya pero hindi ako nag eexpect na babalik siya dahil ganoon naman iyong mga childhood friends. Halos hindi nagkikita agad.
Mag mula noon ay lagi na akong nag rereply sa mga DM niya at isang linggo na rin ang maka lipas mula noong araw na 'yon. Enrollment na pala bukas, ‘no? Isang linggo ring walang pasok dahil sa sem break. Pero isang linggo lang dahil araw lang naman ng mga patay.
Ngayon ko pa lang balak dumalaw kay Athena dahil alam kong maraming tao nung mga nakaraan. Nalulungkot pa rin talaga ako at hindi ko maitatangging gabi gabi ako umiiyak pero sadyang sanay na yata ang sistema ko sa ganito. Makungkot lang palagi.
"Athena, nabasa ko ang sinulat mo..." Inumpisahan kong kausapin ang puntod niya.
"Hindi kita masisisi sa desisyon mo pero alam kong sana ay may nagawa ako kung hindi mo lang ako inunang inisip." Napabuntong hininga ako.
Lagi na lang ako ang iniisip niya. Minsan nasasaktan ako dahil alam kong siya na lang ang nandiyan para sa akin.
"Gusto ko na nga lang sanang sumuko. Gusto ko na lang sanang mamatay." Ngumiti ako nang mapait.
"Pero narealize ko, kung paano ka lumaban. Dapat ganoon din ako. Gusto kong maging matatag kung paano mo 'yon nagawa."
Tumayo ako at iniwan 'yung bulaklak na kanina ko pa hawak.
"Sky," napalingon ako kaagad sa narinig kong boses.
Nagtaas ako ng kilay at ngumiti sakaniya.
"Hi!" Masigla ko siyang binati.
"May sasabihin ako sa iyo."
Kinabahan ako ng sandali sa sinabi niya. Lagi akong kinakabahan kapag ganiyan, eh! Pero sanay naman na ako at handa na sa kahit anong mangyari kaya tinanguan ko siya.
"M- mag punta ka kayang Psychiatrist?" Nawala ang kaunti kong ngiti.
Alam ko. Alam kong kailangan ko iyon pero ayoko ng ganiyan, eh.
Umiling ako at pinigilan niya naman ang pagbabadya kong pag alis. Hindi naman ako nagagalit pero sadiyang ayaw ko ng ganoon. Hindi ako naniniwala.
Kinabukasan, nag ayos ako at handa nang umalis para mag enroll sa school pero sadiyang napaka sakit pa rin ng mata ko sa kaiiyak.
Naka head band na light blue ribbon, jeans na itim at long sleeve na vertical stripes na kulay sky blue, blouse type iyon.
Nakarating naman ako sa school nang mabilis at nakalabas din agad para umuwi nang bigla akong tabihan ng pamilyar na pigura kaya naman lumayo ako at nag madali akong pumara ng masasakyan.
"Are you avoiding me?" Bigla niya na lang sinabi.
"Bakit hindi," sinabi ko rin.
May dumaabg trycicle pero hindi ko pibara dahil baka sumakay din siya. Mas mahihirapan lang ako dahil bossy talaga siya, at susundin niya kung ano lang ang naiisip niya.
"I'm sorry for what I've done, bumalik ka na," hinawakan niya ang kamay ko na agad kong hinawi.
Nakakadiri siya. Ni-hindi ko maalalang naging kami at hindi ko maatim na isipin ang pag halik niya sa leeg ni Abigail kahit kami pa.
"Ayaw ko nga, eh," sinabi ko at lumayo na naman.
Medyo nakakatakot na siya dahil lapit siya nang lapit sa'kin, ano bang iniisip niyang ginagawa niya? Hindi ba siya marunong makiramdam?
Akma na akong tatakbo pero bigla na lang niya 'kong hinila at niyakap, bigla ko siyang tinulak at natagpuan ko na lang siyang nakahiga.
"Tangina mo, kanina pa kita tinitignan, ah," sinabi bigla ni... Heaven.
"Ano namang pakialam ko sa tingin mo?" Maangas pa ring sabi ni Cedric at nag papagpag ng hoodie niya.
"Bobo ka ba? Halata naman! Kita mong ayaw ka na kausapin lapit ka pa ng lapit? Hindi na komportable, pinipilit mo pa," unti unting lumalamyang sabi ni Heaven.
Umalis na rin ako roon kaagad at walang pinansin sakanilang dalawa. Naiinis ako. Bakit kailangan ng ganoon?
Matatapos na ang araw at sa walang bago, pag iyak pa rin ang kinahinatnan ko.
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa pag iyak at nagising ako ng maaga. Wala pa namang pasok kasi next week na raw forbone week enrollment. Kaya pumatak dalawang linggo pa rin ang sem break namin.
Napag isip isip ko rin kagabing tama si Heaven na kailangan kong pumuntang psychiartrist. Masyado na akong nagiging emosyonal na pati ang pagsusuntukan nila ay iniyakan ko. Bakit? Kasi naiinis akong nakasama ko pala si Cedric, na hindi alam na ganoon kasama ang ugali niya.
Dumaan na naman muna ako sa puntod ni Athena at unupo malapit dito. Wala akong dalang bulaklak ngayon pero sinindihan ko ang scented candle sa tabi na hindi pa nauubos. Nag kwento na naman siya roon.
"Sinabi ng pinsan mo noong isang araw nag punta akong psychiatrist. Ayoko ng ganoon, parang pinag lalaruan o pinag eeksperimentuhan lang ang nararamdaman ng tao," panimula ko.
"Pero naisip ko rin namang..." Huminto ako dahil ramdam ko na ang pag iyak na nag babadya sa mga mata ko.
"Iyon 'yung makakatulong sa'kin, bakit ako umiwas pagkatapos niyang mag sabi sa'kin ng makakabuti rin naman?" Natawa ako sa sarili kong dahilan.
Ang pathetic ko pala, ‘no? Bakit ganoon ang mga desisyon ko sa buhay? Pinag sisisihan ko rin kaagad.
Kaya matapos lumabas ng sementeryo, dumeretso ako ng psychiatrist.
Papasok na sana ako ng pinto pero biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ng unknown number kaya minabuti kong sagutin na lang muna.
Magsasalit pa lang ako bigla nang nag salita ang nasa kabilang linya.
"Thank you," at saka niya pinutol ang linya.