Nakangiti akong pumasok sa loob dahil alam ko kung sino iyon.
Hindi naman ako nag tagal sa loob dahil nag usap lang kami ng doctor sa lagay ko at sinabihan ako ng mga dapat gawin. May session din kami every 3 PM. Matapos ko siguro iyong mag simba at dalawin si Athena.
Pag labas ko ng ospital, tumingin ako sa paligid, kanina ko pa talaga naiisip kung paano nalaman iyon ni Heaven kaya alam ko na talagang andito siya. Pero hindi ko na iyon inintindi at umuwi na lang.
Nagulat ako dahil pag uwi ko pinapagalitan si Sam, first time 'yan, ah. Favorite si Sam kasi bunso.
Tumingin tingin ako, syempre. Nakiki usisa kung bakit siya napapagalitan.
"Ano? Bakit?" Sigaw ni Mama sa kapatid ko.
"Wala nga, eh!" Nagulat ako noong sinigawan ni Sam si Mama kaya lumapit ako kaagad.
Hinawakan ko ang balikat ni Sam kasi alam kong maiksi talaga ang pasensya niya.
"Ano? Bitawan mo nga ako!" Pero sinigawan niya lang ako.
Wala akong pakialam kung idamay ako ni Mama, kapatid ko naman 'yan. Kahit hindi kami nag papansinan, kapatid ko pa rin. Hindi naman nag bago o mag babago 'yon.
"Tigil tigilan mo pag mamaldita mo, Samara!" Biglang hinila ni Mama ang buhok ni Sam kaya napasunod ako. Pinagtanggol ba 'ko ni Mama?
"Samara Jean, buuin mo pa," at umirap si Sam. Kaya nasampal na siya ni Mama.
"Walang hiya ka, spoiled brat! Ilang taon kitang kinampihan laban kay Skylar kasi akala ko, totoo 'yung mga sinusumbong mo tungkol sakaniya! Mabait si Sky!" Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
Napaluha ako at nabitawan ko si Sam dahil doon. Si Sam?
"Isa pa 'tong si Sheera." Tukoy ni Mama sa ate ko. Naguguluhan na 'ko sa kanila.
"Alam mo bang ginawa, Sky?!" Biglang bumaling sa'kin si Mama dahilan ng pagkagulat ko.
"Ang dami dami nilang kalokohan, sa iyo ko sinisisi, alam mo 'yon?!" Napa-yuko ako.
"Opo..." Matagal na.
"Bakit hindi ka nag sasalita, ha? Tignan mo ang nangyari kay Samara?" Nasa akin pa rin pala ang sisi.
"H- hindi niyo po ako pinapakinggan," sumagot ako. At doon natahimik si Mama.
"Sorry!" Sumigaw si Sam na umiiyak na pala at tumakbo sa kwarto niya. Sinundan ko naman siya kaagad.
"Sam!" Kumatok ako nang kumatok hanggang sa nananakit na ang kamay ko.
"Ano ba, Sky?!" Napayuko ako. Bigla namang sumulpot si kuya na galing pa sa school niya, tumatakbo.
"Bakit?" Nagtatakang sabi niya pero nakiki katok na rin. Kinwento ko naman kay kuya ang nangyari at napamasahe siya sa sentido.
"Si ate She? Tawagan mo!" Tumango naman ako at kaagad tinawagan si ate.
"Ate?" Bungad ko nang sagutin niya.
Maingay sa back ground niya, ang alam ko ilang araw na siyang nag aaral daw para sa board kasama ang kaklase? Partying!
"Sky?" Nagulat siya sa boses ko at bigla namang nawala ang ingay.
"O- oo. Umuwi ka na raw sa bahay. Magkaaway si Mama at Sam," sinabi ko. Totoong galit na si Mama kapag buong pangalan na ang tawag niya sa'min.
"Sky!" Nagulat ako nang tawagin ako ni mama kaya dali dali akong lumapit sakaniya.
"Sorry," sinabi niya bigla. "Hindi ko alam na ganoon ang ugali ni Samara at Sheera, ikaw ang trinato ko ng ganoon kahit alam kong mabait kang bata."
Ngumiti ako sa Mama ko. Kailangan ko pa ba ng psychiatrist? Parang maayos na 'ko, magaling na 'ko.
Habang lumilipas ang araw, mas nagiging okay kami sa bahay. Nag sorry na rin sa'kin si ate She at si Sam na lang ang hindi dahil hindi pa siya pumapansin ng kahit isa sa amin. Si Papa naman hindi umuuwi since may problema sila sa trabaho.
Masaya ako. Nasasabi ko iyon. Kaya pumasok na 'ko sa ospital, first session na namin ni Dr. Wiz! Mamaya ko balak mag simba at dalawin na rin si Athena. Kapalit ng pagkawala niya ay pag ayos ng pamilya ko, masakit man, salamat pa rin sakaniya.
Improving. Ayan ang sinabi sa'kin ni Dr. Wiz. Hindi raw kagaya noong nakaraan, na bakas sa mata ko ang stress. Mas magaan daw, mga ilang session lang daw ako at kinwento ko na rin kung bakit.
Nag simba ako at pagkatapos ng misa, dumeretso naman ako kay Athena, pero nagulat ako nang mayroong dalawang lalaki ang nandoon, alam kong si Heaven ang isa pero iyong isa ay naka wheel chair.
"Ninong, ayan na siya!" Sinabin ni Heaven at hinawakan 'yung hawakan ng wheel chair ng matanda.
Unti unti nitong hinarap sa'kin ang wheel chair at nagulat ako nang matagpuan siyang luhaan. Bakit? Akala ko ba wala na siya?
"Daddy?" Sinambit ko at nang masigurado ay niyakap siya. Iyak ako nang iyak. Halos labing isang taon akong naniwalang patay na siya.
"Akala ko po... Patay ka na?" Binilisan ko ang pagsasalita sa dulo dahil maselan.
"Iyon ang sinabi kong sabihin ng Mama mo, para madali mong matanggap. Alam mo naman siguro kung bakit hindi na kita pwedeng lapitan?" Tumango ako nang tumango. Sobrang sarap sa pakiramdam.
Ano'ng ginawa kong maganda at bigla yatang bumuti ang mundo?
Nginitian ko si Heaven pero agad ding nag taka. Lumayo muna ako kay Daddy at nag tanong.
"Magkaano-ano kayo?"
"Ninong ko, best friend kasi siya ng Mama ko?" Patanong niyang sagot.
IInimbitahan ko sila sa bahay pero tumanggi si Daddy, hinayaan ko na lang. Nauna na sila at nandoon ako sa puntod upang mag kwento ulit kay Athena. Ang daming magandang nangyayari.
"Sobrang saya ko ngayon, nag sorry si Mama at Ate sa'kin. Si Sam na lang ang kulang. Nagpakita si Daddy. Ikaw na lang ang kulang pero ang mahihiling ko na lang ay sana masaya ka riyan. Mahal kita, Athena," naiiyak ako ngunit pinigilan ko agad iyon at nag punas ng bahagya.
Binuksan ko ang dala kong papel na sulat niya at binasa iyon.
October 29, 2015.
Hi, Skyle. Siguro kung binabasa mo 'to ngayon... Wala na 'ko? Pero 'wag kang iiyak. Baka bumangon ako sa hukay!
Pero sa totoo lang, ayaw kitang makitang umiyak but please do it. I'll be hurt if you did not. Babangon ako.
See that date ^? Sinulat ko ito noong araw na 'yon. Pero dinagdagan ko 2019. Because I know what I've put here wasn't enough to explain!
I don't actually know when I will die but I want you to know why.
I did know I'm dying! Really. Pero I chose not to fight but thank you because I went to sessions kasi gusto ko pang makasama ka and ayokong umiyak ka kapag nawala ako. But it was too late to go to the session. The tissues were around my body. I regretted it!
It must have been too hard for you now, huh? But don't die like I did.
I know you must be thinking that I didn't tell you and you were such a nothing for me but It was all wrong!
You was my reason to fight and attend session but I was dumb to skip it. Because of my non sense reason, I missed the chance to live. So it's not your fault and no one for any each of you has a part with it. It's me and myself.
May sasabihin pa pala ako sa'yo. Crush ka ni Heaven! Sabi ko 'wag niya 'to buksan and siguro nirespect niya 'yon? So ayun. Get him now!
But seriously, with all my heart I wanted to say thank you and I don't know why I can't. You were my inspiration back then. My inspiration to live my life longer. Biruin mo 'yon? Ang taning ko, 17 years old. 18 years old na 'ko, sinusulat ko pa 'to ulit kasi marami na akong hindi naisulat at dinagdagan ko ang nilalaman.
I know you've been through many hard days and how I wish I can be there, pero hindi naman lagi tayong magkasama, pero sana, or siguro, nafulfill ko naman 'yung role ko as your best friend. It's to make you feel loved and never turn my back against you when everyone does. Kailan ko 'yun ginawa? Never!
May sasabihin pa ba 'ko? Marami.
Thank you for fighting for your life and please continue doing it for me, I'll continue my life to where I belong.
Name your kid after me.
If ever.
It's Athlana. Please do it, I'll be her angel if you do.
‘Wag kang susunod, kasi hindi ko sure kung sa langit ako, feeling ko ihaharang ako ni San Pedro tapos tatanungin niya kung ilang beses ako mag club nung first timers xD.
- sana sa heaven mapunta,
Athena Janelle Bernardo.