XV

1501 Words
Lagi na kaming nag d-DM ni Heaven at alam ko na rin naman ang feelings niya sa'kin. Nirespeto niya rin ang pag tanggi ko at mag kaibigan kami ngayon, actually, mag kikita nga kami bukas! Celebration ng graduation ko at mini handaan sa bahay namin. Kaunti lang ang inimbita ko kaya kaunti lang din ang dumating. Si Heaven at pamilya lang ni Athena, ang karamihan ay kaibigan ng mga kapatid ko at ng Mama ko. Si Daddy nandito rin at hindi siya iniimik ni Mama. "Sky," napamulagat ako nang matagpuan si Sam sa tabi ko. May inaabot siyang box sa'kin kaya takha ko siyang tinignan pero umalis na siya kaagad. Umupo ako sa upuan at sinubukang tignan kung ano iyon at nakita kong ulap na silver necklace. May nakalagay ding papel sa ilalim na banda ng loob. 'Sorry' ang nakalagay doon kaya napangiti ako. Ayos na yata ang lahat. "Bruh!" Nakakagulat na bati ni Heaven at hinablot ang hawak ko. "Ganda, ah, lagay ko, bili." Umirap ako sa sinabi niya dahil napaka pala desisyon niya pero tumalikod pa rin ako at pina lagay ang kwintas. Napangiti ako at umalis na roon pero kasama pa rin siya dahil niyaya ko siyang kumain. Pagka sandok ng pagkain ko ay iniwanan ko na rin siya dahil ang nilapitan ko naman ay si Daddy. "Dy," bati ko. Nginitian naman niya 'ko. "Sky, alam mo ba, matagal nang alam ni Heaven ang karamihan sa'yo? Sa malamang hindi niya sinabi, bobo 'yon, eh," natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Daddy. Nasa likod lang si Heaven, eh. "Bobo mo, Nong," sabay tumawa sila parehas. Natutuwa ako sa samahang meron silang dalawa. How I wish ganiyan din kami ni Daddy pero hindi pa, hindi ko siya masisi dahil 11 years ago pa ang huli naming kita. Tumayo na muna ako dahil tinawag ako ni ate Sheera. "Oh?" Bungad ko sa kaniya. Hindi naman niya yata iniintindi ang galang sa'kin. "Sino 'yun? Pogi, ha," may tinuturo siya kaya naman tinignan ko. Napakunot ang noo ko nang wala akong makita kaya naman bumalik ang tingin ko sa kaniya. Tinuro niya lang ang iisang direksyon kaya naman pag tingin ko ay akala ko wala pa rin akong makikita pero mali ako dahil nakita ko si Cedric. Agad ko namang binalik ang tingin ko kay ate dahil doon. Hindi ako makaramdam ng kahit anong affection sa kaniya pero hindi ko nakalimutan ang sinabi ni ate. "Pogi, who?" Sagot ko sa tonong parang nakikipag 'knock knock, who's there' siya sa akin. "Ayun, oh! 'Yung matangkad, saka payat pero pwede na!" Describe pa ni ate kay Cedric. Kung alam mo lang ate. Nakita ko ring biglang lumapit si kuya Saji kay Cedric kaya naman lumapit ako hindi para makisali kung hindi para makirinig lang. Iyon kasi ang una kong nakita n'ong lumingon ako ulit sa gawi na 'to. "Bakit ka nandito? Sino'ng nag imbita?" Tanong ni kuya kaya alam na siguro ni Cedric na sinabi ko kay kuya iyong sa 'min. "A friend, he brought me here," tapos tinuro niya iyong isang lalaking matangkad din na naka mushroom hair style. Mukha lang kalmado si kuya pero nakita ko 'yung kamay niya, nang gigigil. Natawa ako sa reaksyon niya kaya lumapit na 'ko. "Kuya, hiramin ko muna si Cedric," natawa ako. Ang gara kasi ng term ko, parang gamit. Kahit ako 'yung ginamit niya. Walang iba ang may alam ng side ng pagkatao ko na ma-loko, ang alam lang nila ay mabait at tahimik ako dahil takot ako. Si Athena lang. Pero napatunayan kong walang nagagawa ang pananahimik. Hinila ko siya hanggang sa maka rating kami sa likod ng bahay namin. Maliit na lugar lang. Pag punta namin ay agad ko siyang binitawan at bumalik na sa loob. "Why did you bring me here? Just to leave me?" "Just to get rid of you," sinabi ko at tuluyan nang umalis doon. Nakaka wala ng bait. Pero bago pa man din ako umalis, hinila niya na ang kamay ko, hilig niya iyon, ‘no? Dinala niya ako papuntang kotse niya pero hanggang labas lang naman kaya hindi na ako pumalag. Saka siya nag labas ng kulay puting pusa na kulay asul ang mata. May name tag ito sa colar niya na binasa ko, "Syqal". Ang ganda ng pangalan. "Syqal? Parang Science Calculator," nasabi ko. Ang ganda ng pusa! Nakalimutan kong galit ako. "That's actually where I got it," tumawa si Cedric. Gusto ko siyang murahin sa pagiging makapal ang mukha pero alam kong magu-guilty lang ako at gusto ko ng tahimik na isipan. Sakto namang nahatching ako kaya naka isip ako ng dahilan para tanggihan si Syqal, sayang. Ang ganda ng pusa. "Allergic," sinabi ko at umalis na roon. Nagulat naman ako na saktong pag talikod ko nakita ko si Heaven sa gilid kung saan malapit ang daan pabalik sa pinto. "Hi!" Ngumiti ako sa kaniya at tumuloy sa pag lalakad sa pag aakalang susunod siya, pero hindi. Siguro nagpapahangin. Dumeretso naman ako sa loob at naka salubong si Daddy. Binati ko rin siya syempre. Bakit ba sunod sunod silang nakikita ko? Ayaw akong paupuin, ah? "Hi po, Daddy!" Ngumiti ako. Nginitian niya lang ako at tumuro sa gilid papuntang likod sabay bulong, "grumpy." At nag make face. Napaniling lang ako at bumalik sa pag kain. Natapos ang simpleng salo salo at nag sipag uwian na ang lahat. Pati nga si Heaven biglang nawala pero si Daddy nag paalam sa'kin. Sabagay, mag kasama nga naman sila kaya siguro minabuti niyang si Daddy na lang ang mag paalam para sa kaniya. Hanggang bago matulog iniisip ko kung bakit niya 'ko iniignore kaya alam kong hindi ako latutulugin no'n, tinawagan ko na muna siya. Sana hindi ako maka abala. [O?] Nagulat ako sa sinagot niya, sure bang si Heaven natawagan ko? "Wala lang, hindi kita nakitang umalis kanina, bakit umalis ka agad?" tinanong ko agad dahil iyon lang naman ang sadya ko. [Tanong mo kay Syqal.] "Baliw ka, 'di ko nga tinanggap," natawa ako nang natawa. "Seloso naman pala." [Seloso, amp, mandiri, bruh.] Natawa rin naman siya pagkatapos no'n kaya naman sinabi kong ba-bye na. Ilang araw lang ang makalipas, nag graduation na ako. Araw din ng birthday ko. "Finally, Athena," sinabi ko pagkaupong pagkaupo ko sa harap ng puntod niya. Naka itim na toga pa ay dumeretso na 'ko rito pero inuna kong bumili ng cake. "Happy birthday, to me..." Sinabi ko at nag wish. Hinipan ko rin agad ang cake at hiniwa iyon para sa sarili. Nag kwento ako kay Athena kagaya ng ginagawa ko parati tuwing Linggo matapos mag simba. "Athena, birthday ko na. First time ko maging excited kasi ayos na ang lahat pero wala ka naman. Pero masaya rin ako kasi graduate na 'ko. Alam mo ba, n'ong nag graduation photo ako, yakap ko ang picture mo," kinwento ko dahil noong nag graduation photo kami. Hindi ko na na-bilang kung ilang buwan na mula noong mawala si Athena. Basta ang alam ko, August 3 siya na comma, after 3 weeks, August 24 siya nawala. October 1 siya nilibing at 16 nag balik ang klase. Bilang isang college student, mahirap grumaduate ng December, sa totoo lang. Pero masaya dahil birthday ko ngayon, December 19. Pag tayo ko, nagulat ako dahil nagpakita ang kaibigan kong si Heaven. May dala siyang bulaklak na akala ko ay para kay Athena pero binigay niya sa'kin, kasama noon ang pusa... Kulay puti ito at mabalahibo, halatang mayaman ang pusa. "Para hindi ka malungkot dahil hindi mo nakuha si Syqal, happy graduation, friend!" Natawa siya sa sariling sinabi at inirapan ko naman siya. "Friend? Stalker lang kita," sinabi ko at tunawa. Mukha akong ibang tao dahil sa itsura ko ngayon natutuwa ako. Hinatid niya ako na naman sa kanto gamit trycicle, nag kita kami ni Daddy kahapon pero hindi siya nag abalang dumalo rito. "Nandoon si Ninong Kulay kanina," bigla niyang sinabi habang sinusuklay ko ang mabalahibong si Langit. "Seryoso ba," tinanong ko pa sa kaniya dahil hindi naman nag pakita sa'kin si Daddy kanina. "Mukha na ba talaga 'kong sinungaling?" Tinanong niya at nag hawi hawi pa ng buhok sa salamin. "Oo, boi, sabi mo dati 'keep the change' pero noong sumakay ka ulit hindi ka nag bayad kasi iyong sukli ang binayad mo," tatawa tawang sabi ng driver. Talaga? Ginawa niya ‘yon? Nakaka hiya siya! "Ay hala, kuya, naalala mo pa 'yun?" Napatakip siya sa bibig kunwari. "Ako nga kinalimutan ko na." Tawa ako nang tawa hanggang makarating sa bahay at pag uwi ko bigla akong niyakap ni Samara, ate Sheera, kuya Samuel. Napa ngiti ako at nag salita. "Mama! Accountant na 'ko!" Sinabi ko at nag mano kay Mama. "Tanga, grumaduate ka pa lang. Mag aral ka! Top the boards, my girl!" Natuwa ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko akalaing posible pa ang ganitong pangyayari. 'I wished for him to make his patience longer for me and wait for me. I'm not yet ready but I know I want him with me.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD