III

2220 Words
Kasalukuyang gumagawa kami ngayon ng ipapasa sa Gen Math. Inaamin niyang hindi talaga siya magaling sa Math kaya kailangan niya ng tulong ni Athena pagdating sa ganitong bagay. Magaling mag-drawing at magaling din sa math si Athena. nag-taka nga siya kung bakit siya sinundan nito ng course. Architect ang alam niyang pangarap ni Athena, eh. siya ang may gusto ng CPA. Simple lang kasi ang gusto niya, hindi siya kagaya ng iba na magagarbo ang nais na trabaho sa hinaharap. Katwiran niya'y mahihirapan lang siya. Pero inaamin niya naman na pinangarap niya ring maging abogado pero sadiyang wala rin siyang pera at alam niyang hindi iyon pag-gagastusan ng magulang niya. Ang corny, 'di ba? hindi naman kasi sila mahirap pero scholar siya dahil ayaw siya paaralin ng magulang niya, iyong baon niya nga ay 70 lang. 40 na ang pamasahe, may projects at kailangan pa kumain. Madalas siya ilibre ni Athena sa pagkain kaya ang natitirang trenta ay pinapang project niya na lang. Nag-eexplain ngayon sakaniya si Athena dahil hindi niya makuha iyong x x and y y. mas maaatim niya pa na mag research hanggang chapter 4 ng isang linggo lang kesa mag basa ng isang libro ng math at i-explain pag-katapos, baka duguin siya doon, 'no! "Ano, na-gets mo?" Baling sakaniya ni AThena galing sa mahaba habang pag eexplain. Umiling siya, napabuntong hininga ang kaibigan niya. Eh, sa hindi niya talaga makuha, eh? "Ganito na lang, kopyahan mo na lang ako. Tatagal pa, eh," Sabi ni Athena. Napa-isip pa siya rito dahil nakaka-hiya naman. Ah, sige, "Ako na lang gagawa ng thesis mo. Chapter 2 ka na?" Napa-isip si Athena bigla sa tanong niya. halatang hindi pinapag-tuunan ng pansin ang thesis, eh, "hmm. Oo?" "Ano ba 'yan? Pa-tanong pa... I-sure mo nga! dapat kasi nag architechture ka na lang." "Ayaw mo ba 'ko kasama, ha?" Pumamewang pang tanong ni Athena. "Hoy, hindi ah, Iniisip kita! nahihirapan ka tulos sa Thesis dahil hindi mo naman hilig ang pag CPA?" Dumeretso naman ng tayo si Athena. "Eh, basta, may math din naman dito ah? Less lang sa drawing at more on english pero kaya 'ko, 'no," napa-ngiti naman siya. Ayaw kasi siya nitong iwan, eh. "Pero bakit? Sabi mo dati gusto mo maging Architect?" Halukay niya sa noon pa'ng topic. Hobby niya na iyon, eh. Ang balikan ang nakaraan. "Basta, I have my reasons," Malumanay at malungkot na sabi ng kaibigan niya at hindi siya kumportable roon. Alam niya kasing natural ang english ni Athena dahil mayaman pero tuwing seryoso lang ito nag-gaganun. Tumango na lang siya at uminom ng nakahandang Grape Juice, paborito iyon ni Athena. si Athena naman ay umupo na sa Sofa. Nag-taka siya sa sinasabing reason ni Athena pero hindi naman niya ugaling man-usisa kaya hindi na lang muna niya iyon inintindi. "Hoy, ubos na 'yung iniinom mo naka-nganga ka pa rin sa baso. Hindi 'yan magic na baso, ha," sabi ni Athena ng maramdaman na lutang siya. Umalis naman ng pa-irap si Athena at binigay ang laptop sakaniya pag-balik. Sinulat niya roon ang thesis ni Athena. Meron na naman siya, eh. Nasa tabi niya ang Cellphone ng bigla itong tumunog. Ang i********: account niya, may nag DM. Papaano may IG story siya na nag lalakad. Paa at daan lang ang kita. cmandate: Wow, you have a nice pair of W2s. nag-reply naman siya. skyleeem: Oh? Na-gets niya naman ang pick-up line na iyon. Pero ipinag-pawalang bahala niya ito, ang corny, eh. cmandate: Hey, I need cooperation. Sinearch 'ko pa 'yan? skyleeem: Explain it, then. Hindi 'yon ni-replyan ni Cedric maski sineen. Paano, kanina kaya nasa room nila 'yon kasi wala nga ang prof nila sa Oral Comm. Kaya iyon at nangulit, pero hindi naman talaga 'yun CPA student. Dahil nga sa dati niya itong crush, alam niyang business management ang kinuha ni Cedric. Natawa siya ng bahagya roon, kasi hindi ma-explain ni Cedric. Napa-scroll tuloy siya sa i********:. Na-reach niya nga ang dulo. Nagulat siya sa pag tikhim ni Athena, "Alah. Sige. 'Di ba mag-tatype ka ng Thesis?" "Hala, oo nga pala," Paano nawala na naman sa isip niya iyon. "May ka-chat ka? kinikilig, amputek," sabi ni Athena. natawa siya ng bongga roon. "Letse!" Tumalikod na si Athena matapos niyon at nag-solve na ulit ng nakamamatay na Gen Math. kaimbyerna ang subject na 'to, eh. X na nga pinahahanap pa. "Makakatulong ba si X pag naging CPA tayo at pinahahanap 'yan sa 'tin?" Wala sa loob na tanong niya, pero joke 'yun, ah! "Tanga ka," sagot lang ni Athena. Patuloy ito sa pag sosolve at ni-hindi siya tinapunan ng kaunting tingin. "Baliw ka, training 'yan pag nag hawak ka na ng pera," dugtong nito at humagalpak ng tawa. Sa oras naman na iyon ay naka-harap at naka-tawa si Athena. Lakas din ng tama nitong babae na 'to, eh. Napa-lingon siya sa cellphone niya at nag send sakaniya ng photo si Cedric. Picture iyon ng milktea na ginagawa pa lang. Hindi niya iyon pinansin dahil ano bang gagawin niya roon? Patuloy lang siya sa pag gawa ng Thesis ni Athena nang lumiwanag ulit ang cellphone niya. Hudyat na may notification. i********:, nangungulit na naman ang Cedric na iyon. Binuksan niya ang ikalawang pocture na sinend nito at nakitang milktea na nakalagay na mismo sa plastic na baso. Nag-reply siya. skyleeem: gagawin ko diyan? Hindi naman ako mahilig sa milktea. cmandate: wala. Ayaw mo ng milktea? Ipag-dadala pa naman kita bukas ng tumbler kung sasabihin mong nag crave ka. skyleeem: ahh... Nilapag niya na lang ang cellphone at ipinagsawalang bahala niya ang pangungulit ng taong iyon. Naka-tapos sjla ni Athena pareho. Nauna lang na matapos ni Athena ang pagso-solve sa Gen Math pero parehas naman silang naka-tapos. "Thena, ano'ng gusto mo talagang maging? 'yung sobrang pangarap mo." Tanong niya upang may mapag usapan. Nag do-drawing si Athena kaya naka-yuko. Nilipat niya ang tingin sa kawalan at nag iba ang ekspresyon na animo ay nag iisip. "Wala," simpleng sagot nito. Ay, nag-isip pa. "Ikaw, 'di ba gusto mo maging abogado?" "Mm, pero okay din naman ako sa course na 'to, eh." Sabi niya at sumubo siya ng hopia. Nag liwanag ulit ang cellphone niya ngunit group chat sa messenger ang nakapag bukas nito sa pagkakataong iyon. Usap-usapan ang milktea sa group chat nila'ng magkakaklase. Hindi niya iyon binasa basta alam niya lang na milktea, ini-scan niya kasi ang chats at maraming milktea na word ang nahagip ng mata niya. "Thena," tawag niya sa kaibigan. "Huy... Thena!" Hindi pa rin siya pinansin nito at nagshshade lang. At parang ang kapal kapal na ng shade sa area na iyon. "HUY!" Malakas nang tawag niya at hinampas niya ng hindi gaanong marahan pero hindi malakas na hampas. "Anoo?!" Pasaring na sabi ni Athena noong humarap ito at nalampasan ang outline ng shineshade niya dahil sa hampas. Bumuntong hininga ito ng mapansing na-guilty ang itsura ni Skyle, "yes, bessywap?" "Ano, kasi," nahihiya pa ngang sabi niya. "Spill it, 'di ako galit. Makukuha pa ng background 'yan, 'no!" Cheer up niya sa mukhang guilty na kaibigan at ngumiti rito. "Ano'ng meron sa milktea?" Tanong niya. Kanina pa kasi talaga siya nacucurious. "Huh? Wala naman," umiiling iling na sabi ng kaibigan niya at bumaling nang muli sa ginagawa. Bigla itong napapitik at bumaling sakaniya ng naka-ngiti,"milktea tayo? My treat!" Umiling siya, hindi siya mahilig sa milktea, eh. "Ay KJ! Bakit? Sayang naman libre ko!" Anito at kumuha ng hopya at kumain. "Wala lang, 'di naman ako mahilig don," aniya at tumingin sa oras. "Alas sais na pala. Uwi na 'ko, Thena." "Huh? Oh, sige, hatid na kita." "'di na, 'no." Tumayo na siya at nag ayos ng sling bag niya. Palabas siya ng unit at hindi na nagpa-hatid kay Athena. Si Athena ay nakatayo lang na inaabangan siyang lumabas. Naka-kunot pa ang noo ng kaibigan niya at ngumunguya ng hopia. Natawa siya ng bahagya at tuluyan ng lumabas ng unit. Pagka-baba niya ay nag-lakad na siya. Babalik siya ng school at doon siya sasakay. Mahirap kasi ang pamasahe kung mula sa building nila Athena hanggang sakanila. Hassle 'yon. Nanlaki ang mata niya ng malapit sa school ay may naka-upong lalaki na naka tingin sa gawi niya at umiinom ng milktea. Payat at matangkad na lalaki. Sa tantiya niya ay 5'9 ito. Kinilabutan siya ng bahagya ng maaninagan niya ang ngiti ni Cedric. 'di niya iyon pinansin pero nakita niyang meron, hindi niya lang alam kung ano iyon. Sigarilyo. Huminto siya sa kinatatayuan niya upang 'di na ito malapitan at yumuko. Sumakay na naman siya kaagad ng trycicle. Nang makasakay, nag tingin tingin lang siya sa cellphone, kaya pagka tingala niya ay nakita niyang may nakasunod na kotse. Hindi tinted kaya naaninagan niya ang pigura ni Cedric. "Psh, hindi ba siya titigil?" Bulong niya. Paano ba kasi ay halata namang target siya nito. Nag bukas siya ng i********: at ni-DM ang Cedric na iyon, may lahi siguro itong kakulitan. Ay, obvious naman na. skyleeem: ano'ng trip mo? Hindi naman iyon na-seen. Siyempre nga naman at nagddrive. Hindi siya bumaba ng nasa may bahay na sila. Sa maliit na kanto, may daan naman 'yon sa likod nila. Para hindi makapasok ang kotse ni Cedric. Gusto niya naman talaga si Cedric, matalino naman. Ayos din sa looks. Saka kaya niya crush iyon dati kasi hindi pala-girlfriend. Puro night life pala kasi. Kaya ayaw niya na rito ngayon. Nang marinig niya ang pahintong makina ng kotse ay tumakbo siya sa maling daan at nag tago sa poste. Nang wa naman siyang nararamdaman na sumusunod ay lumabas siya. Magulat-gulat pa siya ng makita si Cedric na nakatayo roon. "Ay, ano ba!" Papaano, nagulat siya. Ngumiti ng bahagya si Cedric. "Why are you avoiding me?" Tanong nito na nawala ang ngiti sa mukha. "Ako?" Tanong niya kahit obvious naman. Na-tangahan nga siya sa sarili niya, eh. "Hindi, ah!" Natawa ng kaunti si Cedric at dahil doon ay gusto niya na itong upakan, nakuha pa nitong tumawa ah? "You're trembling, is that not avoiding?" Natatawa pang anito. Ang gwapo nga nito tumawa, eh? Ah, basta! Nakakairita pa rin siya talaga. "'kala mo lang," bulong niya at umirap dito. Hindi niya ugali ang mang ganon pero ewan niya kung bakit niya iyon nagawa? By instinct siguro dahil sa inis niya sa lalaking iyon. Nilagpasan niya ito at pumunta na sa direksyon papuntang bahay nila. Pero lumagpas siya sa bahay niya at hindi siya umuwi. Baka magkataon pang puntahan siya ni Cedric doon para kulitin, eh. Takot niya lang sa papa niya para mag-uwi ng lalaki. Ramdam niya pa rin ang pag-sunod nito nang nasa dulo na siya ng kanto. Kaya hinarap niya na ito para itaboy na. "Ano ba kasi? Tumigil ka naman. Matuto kang makiramdam kasi ayoko nga na maramdaman 'ko ang presensiya mo. Kuha mo ba 'yun ha?" Walang halong pag-tataray at pawang pang-rereal talk lang na sabi niya rito kaya napabuntong hininga ito at yumuko. "Sorry, una na 'ko," anito at lumiko na sa may kanto. Umuwi naman na siya at nasa may gate na siya ng bahay ng mapatingin siya sa bungad na screen ng phone niya. Noong Makita niya ito ay napapikit siya ng mariin at iniiwas ang mukha. Papaano, halos kalahating oras pala niyang tinaguan iyon, 6:30 na kasi. Hanggang 6 lang siya pupwede sa labasan, eh. Oo, 19 na siya pero ang curfew niya pang 14 years old. Sarado ang gate sa pagkakataong ito malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Kumatok naman siya, "Tao po..." si Sam ang nag bukas niyon, "Oh. Bakit umuwi ka pa?" "Mas matanda ako sayo," Sabi niya at hindi pinansin ang kapatid niya. Sanay na siya, eh. "Pero parehas tayong 6 pm dapat nasa bahay na," Sabi nito. Akala ba nito ay hindi niya alam? "Pero 6:30 na kaya sorry ka, better luck next day!" Pinagsaraduhan siya nito matapos ang pagtataray. Ah ganoon? Hindi pala siya pagbubuksan nito kundi pagtatarayan lang pala? Naka connect naman siya sa WiFi at mediyo abot naman ito sa gate kaya chinat niya sa messenger ang kuya niya. Nag papabukas lang ng gate. Nakatayo lang siya at mga 5 minutes lang ay lumabas na ang kuya niya at pinag buksan na siya. "Bakit 'di ka kumatok?" Bungad na tanong ng kuya niya at pansin niyang mukha itong antok. "Bumaba si Sam, eh. Tinarayan lang ako kaya malamang sinabihan na noon si ate." Kwento niya noong papasok na sila. Humihikab hikab pa ang kuya niya. "Hindi ka pa nasanay?" anito at natawa. Umakyat na rin ito kagad pagkapasok nila, siya kasi dumeretso sa kusina at kumain. Nag bukas siya ng IG at nakita niya ang story niCedric. Milktea na naman, ano ba kasing meron sa Milktea? At naalala niya angpangyayari kanina, naguilty siya ng bahagya ng maalala niya ang pagka-harshniya kay Cedric. Sinubukan niyang kumain lang ng payaga pero naba-bother siya talaga. Nag-silay naman ang ngiti niya ng lumiwanag ang phone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD