II

1457 Words
"Ano, Cedric, hindi ka ba titigil sa kaka-sunod?" Singhal ni Athena. Papaano, kanina pa ito sumusunod sa kanila. Napag-alaman kasi ni Cedric na may gusto si Skylar sakaniya, kaya hayan. Sige lang sa pangungulit, akala yata ay may mapapala siya. "Si Skylar ang mapapahamak sa 'yo niyan, eh!" "Why? I just wanted us..." Sabi nito na ikinalaki ng mata niya, "to be friends." Mabuti nang malinaw! Hindi niya na ito trip matapos ang nasaksihan niya sa bar, eh. "Ano bang trip mo, ha?! Kung mag hahanap ka naman ng flings, iyon sanang malapit sa katotohanan!" Talak ni Athena, ayaw paawat, ha? "Tara, Thena." Yakag niya na lang dito, hindi nag papaawat 'yan, eh. At iyon, umalis na sila at habol na lang ang tingin ni Cedric sakanila. "Umamin ka nga sa 'kin. Bakit ka kinulit no'ng bakulaw na 'yon? Hindi naman sa imposible, pero feel 'ko meron." Paktay! Paano niya naman idedeny iyon kay Athena? Malayo sa katotohanan na mai-deny niya. "Uh, kasi..." Panimula niya. Eh, sa hindi niya talaga alam kung paano, "'di ba? Crush ko naman talaga 'yan. Nai-chika yata ng mean girls?" Paliwanag niya pa, "sorry?" Patanong ngunit nakikiramdam na aniya, paano. Nakaka-kaba naman talaga itong si Athena. "Hmp! Oh, sige," ngiti lang nito. Pakiramdam niya naman ay pilit siya nitong iniintindi. Dahil sa kalagayan? Alam naman ni Athena iyon. "Tara," yakag ni Athena. Papasok na yata sila sa klase, eh. Lumakad sila paroon sa klase nila, oral communication. Nasa 4th year college sila at 19 years old. "Hmm, Sky," kuha ni Athena ng atensyon ni Skylar. Sinisiko pa nito ng bahagya si Skylar. "Ano?" Antok na sambit ni Skylar. Nga pala ay nag bar sila kagabi. "Naalala mo ba 'yung..." Pinutol niya ang sasabihin at bahagyang ngumiti,"condo na bigay sakin ni mommy?" "Oo, anong meron," bored na sagot niya rito. Kasulukuyang nakayuko pa rin at ngumunguya ng bubblegum na tig-dodos. "Doon ka kaya muna mag stay?" Banggit nito at napaunat naman siyang umupo. Malaki laki ang matang lumingon siya at medyo nawala ang antok. Sa kabilang banda, takang hinarap din siya ni Athena. Papaano bang hindi? Parang gulat na gulat siya? "Ha? Hindi na 'no," tanggi niya. Alam niya naman kasing ikagagalit lang iyon ng ina niya. "Gusto mo, eh," Bintang ni Athena. Sa totoo naman ay oo, gusto niya. Pero iniisip niya ang ina niya, "ayoko." "Okay, sige," pag payag na lang ng kaibigan niya. "Ako kasi, doon muna..." Malumanay na sabi nito, sa totoo lang. Pansin niya ang pagiging malumanay ni Athena. Yumuko lang ulit siya habang si Athena ay nag do-drawing. "Ano ba 'yan!" Naka-gising sakaniya. Bigla naman siyang umangat ng tingin at natagpuan niya na lamang si Athena na nalu-luha. "Uy, bakit?" "Kasi! Itong dino-drawingan ko... Nabasa! Cedric naman... Strike 2 ka na," malumanay na sabi ng kaibigan niya. Kapansin pansin pa rin ang pagiging malumanay nito. "Sorry?" Pa-tanong na paumanhin ni Cedric, kaya hindi mukhang sincere, eh. "Lumayo ka nga sa 'kin," Naka harap ang palad ngayon ni Athena at nakaiwas ang mukha sa kay Cedric. Habang si Cedric ay nag tataka lamang. "Bago pa kita barugin'g letse ka." "Kalmaaa! Ito naman'g si payatot, oh," asar ni Jimuel kaya naman hinila niya na si Thena. "Pakshet talaga! 'yung drawing ko, eh," Para talagang naiiyak si Athena roon. Nakakapag taka ang kilos niyang iyon dahil hindi naman ganoon ka-daling umiyak si Athena. Ipinagsawalang bahala niya lang ito. Nag lakad pa sila patungong canteen at nag liwaliw. Wala nga kasi ang prof nila sa oral comm. Wala namang kakaibang kaganapan sa araw na iyon, eh. Kaya naman dumiretso sila paroon sa fish ball-an sa tapat ng University nila. "Bakit mo nga ulit 'yon na-tanong?" Halukay niya sa kanina pang topic. Binigyan naman siya ni Athena ng nag-tatakang tingin, "anong tanong?" "Eh, 'di iyong doon kamo ako matulog sa condo mo?" Sabi niya at tumayo muna si Athena at nag tapon ng basong pinag-inuman bago siya sagutin. "Ah, kase..." Malumanay na sabi ni Athena, pero bitin. "Wala lang 'yun! Nai-tanong 'ko lang, doon nga lang kasi muna ko." "Ah, nag-hahanap ka ng kasama?" Sabi niya at sumubo pa ng fish ball. Tumango lang si Athena at may kinuha sa bag, siyempre inaabangan niya lang kung ano ba iyon at bakit nag-mamadali itong kuhanin. Maya maya'y biglang may inabot na papel sakaniya si Athena, may mantsa pa ng lila'ng juice iyon. "Pasensya ka na, basa na, eh." Paliwanag nito. Napangiti siya ng unti unti ng ma-kuha niya kung ano ang nasa drawing. "Nakakaiyak talaga," panimula ng kaibigan niya. "Binasa kasi noong si-" Hindi na niya pinatapos si Athena ay niyakap niya na ito. Oo at masiyado siyang mababaw pero talagang kinatuwa niya ang drawing na iyon. "Ang sweet mo naman, beswang," natutuwang sabi niya. "Luh, panget mo, para iyon lang!" Natatawang sabi ni Athena. Pinapalubag nito ang loob niya, "welcome. Bessywap! Ganda mo riyan, ah." [Nasa Media 'yung photo.] "Oo nga, eh. Parang mas pina-ganda mo 'ko, may duga," natatawang aniya. Hindi niya na talaga alam ang gagawin kung wala si Athena sakaniya. Nangiti siya ng bahgya sa isiping iyon. "Buti na lang nandiyan ka," dahil kung wala ay hindi niya na alam ang gagawin. "Drama," komento ni Athena at umiling uling pa. "Pero, ano, uhm..." Nag alangan dito si Athena. Hindi niya alam kung bakit. Para kasing namutla ito? "Ano?" "Ano," pabitin na naman nito. Hindi na mawari ni Skylar kung bakit ganon si Athena. "Wala! Hindi naman ako mawawala, eh." Masaya siya sa sinabi ng kaibigan, siyempre. Pero kita niya ang hesitation ni Athena ng sabihin iyon. Hindi niya ramdam ang saya na inaasahan niya sa itsura ni Athena. Nang mapansin din naman ni Athena ang nagtatakang pag titig niya ay umiwas ito ng tingin at tumayo,"Halika, Skyle. Gawin natin 'yung pinagagawa sa Gen Math." Nagpapagpag ng pantalon si Athena kaya Tumayo na rin siya at tinapon ang mga pinag kainan. Ng bumalik siya sa pwesto ay nakita niyang naka-upo na ulit si Athena at naka-tulala. Ikinapag-taka niya iyon. "Huy, Thena," agaw niya ng pansin dito. "May problema ka ba, ha?" "Wala, tara," anito at tumayo na. "Tawagan mo na mama mong pangit." Tumawa pa roon si Thena, hindi maitago ang pagka-putla nito. Ipinagsawalang bahala niya iyon, puyatera kasi ang kaibigan. Nagpadala lang siya sa lakad ni Athena pero naisip niyang pagaangin ang hangin sa pagitan nila, "maka-lait ka kay mama. Baliw ka, hahahaah." "Eh, paano totoo naman," bahagya siyang natawa sa isinagot nito. "Oh." Binigay ni Athena ang cellphone sa kaniya kaya napangiti siya at kinuha ito. Kumbaga si Athena ramdam na siya. Papaano wala talaga siyang load pang-tawag sa kaniyang ina. Tinawagan niya na ang numero sa bahay nila, si Samantha ang sumagot. [Hi, Sammie on the phone.] Bungad ng batang babae sa telepono. 16 pa lang si Sammie ngunit may kalanturan talaga. "Sam, si mama?" Bungad niya. Bumuntong hininga naman si Sam, siguro kung kaharap niya iyon ay umiirap na 'yon. Bumulong lang si Sam na animo tinakpan ang mouthpiece ng telepono at saka bigla na lang itong parang may gumagamit. Napa-baling naman siya kay Athena na naka tingin sakaniya. Bigla itong ngumiti. Kaya na-ngiti rin siya. Nag peace sign siya rito dahil mauubos niya yata ang load ni Athena sa tagal. [Oh?] Bungad ng mama niya at napatiwalag siya sa tinginan nila ni Athena. "Ma... Pupwede po bang kila Athena muna ako? Uuwi po ako bago mag-dilim," paliwanag nito. Naka cross nga ang fingers niya. [Alam mo, wala naman akong pake,] Sabi ng ina niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot dito. Pero sanay na naman siya, eh. [Pero umuwi ka para mag-linis ng bahay, ha? Sige na.] Sabi ng ina niya at binaba. Medyo nagulat siya sa pagka-mahinahon nito. Ay hindi, hindi medyo. Nagulat siya. Mga dalawang minuto siyang nakatayo at hawak ang cellphone na naka tapat sa tainga pero wala nang kausap. Nagulat talaga siya, eh. Napukaw lang ang atensyon niya noong hinampas ni Athena ang braso niya ng marahan. "Tinutulala mo? Wala ka na palang kausap, eh." "Wala..." Medyo nasaktan din kasi siya sa sagot ng mama niya. Hindi naman pala ito mag aalala, mawawalan lang ng mag-lilinis sa bahay nila. "Uy kwek kwek," mahinahon pero papalapit na sa street vendor na sabi ni Athena. "'langya, Athena naman," pigil niya sa kaibigan. "Kaka Fish ball lang natin, paawat ka." Nagkatawanan naman sila, ganoon lang lumipas ang araw nila. Sobrang simple lang, ano? Nakakapanibago lang talaga si Athena dahil matamlay at maputla. Naguat din siya sa sinabi ng ina niya at siyempre medyo na-hurt din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD