Isang gabi ng pag iyak sa kwarto ni Skylar ay mag-isa s’yang umiiyak. Nag titipa sa telepono para mag libang.
Sa kalagitnaan ng kan’yang pag gamit ng telepono ay nakita n’ya ang matagal n’ya nang hinahangaang lalaki na may post na nasa bar.
"Hala, dito yata ako inaya ni Athena ah? dapat pala sumama na lang ako, puro bunganga lang ni mama dito sa bahay. Haayyyy!" Nasisinghot pang aniya.
Kelan man sa kan’yang isip ay hindi pumasok ang paglalayas. Mabuting bata si Skylar at lagi n’ya lang iniintindi ang nakabubuti sa iba-- madalas ay masama para sa sarili niya.
Sa gabi ring iyon ay napag-pasyahan niyang kumawala sa nakakapagod niyang buhay at mag-saya sa isang gabi.
Tumawag siya kay Athena, "Hello? Thena..."
"Wha- s**t! Shitt,aahhh... Wait, Skylar! Awww, Cedric naman. Andito ako?! ‘yung damit koo!" Salita ng kaibigan niya sa telepono.
Ay, Cedric daw? Iyan ‘yung crush niya, eh.
"Cedric? Halaaa! Hala, uy! Thena. Nyare beswang?" Mahina, ngunit kinikilig na sabi rin ni Skyle.
"Teka bessywap ha? Natapunan ako ng alak, beer pa?! Ang lagkittt!" Reklamo ni Athena sakaniya, kaya naman pala ito napa-mura, eh.
"Ha? Osige- pupunta nga pala ko d’yan ha?! Heellooo Then--," sabi niya. Hindi siya pinatapos. Binaba.
Matagumpay na nakatakas si Skylar sa bahay nila. Suot suot n’ya ang kanyang puting tshirt at maong na maigsi lang pero ayos na parasa katawan n’ya. Petite siya at hindi gaanong matangkad.
Nakarating si Skylar na sakay ng Tricycle at hinanap si Athena ngunit agad ring nag-sisi dahil ang kan’yang nakita ay hindi kaaya-aya.
Paano, nakita niya si Cedric.
"ah, Hi Skyle! My boyfriend, Cedric." Si Abigail.
"a-huh? Boyfriend?" Walang pake, ngunit iritadang sagot niya.
Eh, papaano, nag hahalikan ng madatnan niya!
"Oo, ayaw mo?" Sabi nito. Baka mapa-trouble siya, warfreak itong si Abigail, ha. "Hahaha. Kidding, why are you here nga pala?"
Grabe naman maka-tanong ang isang ‘to! Para bang siya lang ang pu-pwedeng mag-bar at hindi si Skylar?
"Oh baket, pag-aari mo na ba yung bar ngayon?" Syempre, si Athena. Hindi ganiyan sumagot si Skylar. Not even once?
"oh, hi. Thena! Angas mo yata ngayon? Lampayatot ka naman," sagot ni Abigail. Ang flirt ng isang ito, ‘di naman kagandahan, ah?
"oh, hi, oh, hi ka pa! e ano kung payat ako? " Walang ano-anong sagot ni Athena, nakaka-bilib din itong kaibigan niyang ito.
Malamang, pinigilan niya si Athena. Sa tapang ng kaibigan niya at lande noong si Abigail, maaring mag-away ang mga ito.
"Ano ba? Dapat hindi mo ko pinipigilan, eh," sabi nito. ngitian niya lang. "Oh? Anong nginingiti mo? Nabubuang ka na ba, Skyle? Sabihin mo’t mapadala kita sa Mental?"
"Hindi ah. Salamat, pero ‘wag ka nang makikipag-away." Pilit ang ngiting sambit niya.
Sa totoo lang, kung wala si Athena, hindi niya alam ang gagawin niya. Kaya nga lang, nakakahiya rin, eh. Sumusobra sa kabaitan itong si Athena.
"Ano ka ba? Okay lang ‘yun, ‘no! Ikaw pa." Talagang pag-pipilit ni Athena.
Naappreciate naman ito ni Skylar, pero hindi kasi siya maka-bawi, sa kadahilanang hindi niya alam kung papaano. Kaya, tumatanggi siya.
"Tara na nga! Ice cream, treat ko," si Athena. Nag aaya naman ngayon mag ice cream.
Ang swerte niya, kay Athena. At least, may Athena pa siya.
"Hindi ‘ko alam kung anong gagawin, kung wala ka." Wala sa loob na sambit niya, ngumiti naman si Athena na animong kinilig.
"Luh, ang drama, ‘te? Bago lang ng bago? Wala ‘yon ‘no!" Napangiti naman siya kaagad, wala sa loob niyang niyakap ang kaibigan.
Pag-uwi, sobrang kabado siya, papaano. Alas dyis na yata noong umalis siya? Alas dose na ng umaga ngayon.
Ay ayan, yari na. Nakita niya ang pigura ng isang lalaki sa bintana.
Nabanggit niya na ang pangalan ng lahat ng santo. Pero bago pa man siya makarating ng pinto, bumukas na!
"s**t," bulong niya. Magkaka-sala pa yata ang bunganga niya ah? Hindi niya na talaga uulitin ang ganitong pag-takas.
"Skylar?" Rinig niyang bulong ni kuya Samuel niya.
Papaano, nag-tago ba naman siya sa likod ng pintuan!
"Sorry, kuya, sorry. Hindi ‘ko na uulitin, ‘wag mo ‘ko isusumbong." Palatak niya, ngumisi naman ang kuya niya.
Mabait kasi ito, kumpara mo sa ate at bunso niyang kapatid.
"Pasok na, sinarado ko ang kurtina. Hindi ka mapapansin ni papa. Nanonood ng pelikula, eh," bilin ng kuya niya. Ang bait talaga nito!
"Salamat, kuya," ngiti niya at umakyat na patungo ng kwarto niya.
Patulog na sana siya ng mapamulagat siya sa katok. Ang ate niya? Umiiyak, base sa boses ay ate niya iyon.
"Skyle? Nasira ‘ko iyong flower vase ni mama," kwento nito.
At ano naman? Hindi naman niya ito madalas kausap para pag kwentuhan siya, eh.
"Iyon bang kulay asul?" Sakay na lang niya.
"Oo, ah.. Eh.." ‘di mapakaling sabi nito. "Saluhin mo naman ako, oh?"
"Ha? Uhm... Ano kasi, bakit ako? Hindi naman ako ang nakasira, ah." Sabi niya, malamang.
Hindi naman talaga siya, bakit niya aakuin? Hindi naman siya ganoon ka-bayani, ‘no.
"Sanay ka na naman mapagalitan, para iyon lang, eh! Ang damot mo! Bahala ka riyan!" Sabi ng ate niya, pasigaw! Na parang siya ang may kasalanan?
Kinaumagahan, nagising siya sa sampal. Oo, sa sampal.
"‘langya kang babae ka, ah? Anong ginawa mo sa flower vase ‘ko at nabasag iyon?" Bungad ng mama niya.
"Po? Bakit ako kaagad..." Mahinang sabi niya, "sorry."