bc

DARK SECRET SERIES: The Lustful Encounter - Completed

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.5K
READ
playboy
boss
bxg
humorous
office/work place
secrets
office lady
seductive
like
intro-logo
Blurb

Angela orchestrates a dangerous incident, framing Sandro to gain his attention, and it leads to a perilous game of desire.

From secretary to heartbreaker, she aims to make Sandro fall hard, seeking justice.

However, as her plan unfolds, a dark secret emerges, turning the tables in a shocking twist of fate.

She becomes the unexpected victim of a passionate encounter, grappling with the realization that the man she thought she knew holds secrets far darker than her own.

Will she find a way to break free from the clutches of her own desires, or will she succumb to the allure of the charismatic and lustful Sandro Dela Cruz?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Sandra, I need new secretary!” bulalas ko sa kakambal. “Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo at nilayasan ka ng sekratarya mo?” nakangiwing tanong niya sa’kin. “Wala akong ginawa sa kanila. Sila ang kusang umalis!” tugon ko sa kaniya. “My God, Sandro! Pang-ilang palit mo na ng sekretarya. Utang na loob, magtino ka na!” nakukunsumi niyang bulalas. “Kasalanan ko bang maging pogi?” naaaliw kong biro sa kapatid. “Kasalanan maging playboy, Kuya!” sabad naman ni Cristel. Pinanliitan ko ng mga mata ko si Cristel at akmang lalapitan ng bigla na lamang siyang tumakbo palayo. Napailing na lamang akong pinagmasdan siya kasabay nang paghugot ng malalim na buntonghininga. “Ang lalim niyon, hah?!” Ibinaling ko ang mga mata sa may pintuan upang mapagsino ang nagsalita. “Himala at naligaw ka yata rito, Kuya Seb?” mapang-asar kong tanong sa nakatatandang kapatid. “Wala kaming makain sa bahay kaya rito muna kami makikikain.” Sunod-sunod na pumasok sa pintuan sina Noel, Neil at Nick. “Parang imposible yatang hindi nagluto si Ate Nena?” nakataas kilay kong tanong sa kaniya. “Ayaw akong paglutuin ng Kuya ninyo,” nakalabing saad ni Ate Nena nang pumasok siya sa may pintuan kasunod sina Tiya Melba at Linda na parehong karga ang mga cute na cute kong pamangkin. Lumapit ako kay Tiya Melba upang kuhanin si Sab mula sa kaniyang bisig. “Come to, Tito Pogi!” naaaliw kong baby talk sa pamangkin. “Nasaan ang pogi?” mapang-asar na saad ni Sonny na bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko. Nilaro niya si Sab na tuwang-tuwa sa pagpapalabas ng kaniyang dila. “Pogi kaya ako?!” bulalas ko na umani ng tawanan mula sa kanila. “Ang lakas talaga ng hangin mo sa katawan, Kuya!” wika ni Carmi habang bumababa sa may hagdanan. “Pangit niyo ka-bonding! Lagi na lang kayong nakakontra sa’kin,” simangot kong wika. “Pogi ka nga kasi 'di ba? Tignan mo, hahanap ulit tayo ng bago mong sekretarya," naiiling na turan ni Sandra. “Bakit? Ano’ng nangyari sa sekretarya niya?” tanong ni Kuya Seb. “For sure nag-resigned na naman ng dahil kay Sandro,” naiiling na sagot ni Sandra. “Bakit mo kasi hinahaluan ng personal ang professional relationship ninyo ng mga tauhan, Sandro?” tanong sa’kin ni kuya. “Hindi ko nga sila pinapansin, mantakin niyo ba namang maghubad sa harapan ko. Pinaalis ko nga!” paliwanag ko naman sa kaniya. Naiiling na lumapit sa’kin si Kuya Seb saka malakas na binatukan ako sa ulo. “G*go!” “Aray!” nakangiwing anas ko dahil hindi ko mahaplos-haplos ang sarili kong ulo gawa nang karga ko si Sab. “May kakilala akong ganiyan, tipong sa loob mismo ng opisina nagpapaungol.” Sabay-sabay kaming tumingin kay Papa na inaalalayan si Mama sa pagbaba sa may hagdanan. Mabilis na tumakbo palapit sa kanila si Sonny upang alalayan din sila. “Talaga, Pa?” nakangising tanong ko sa ama. “Oo naman! Magiging dalawang dosena ba kayo kung hindi ko gawain?” may kayabangang tugon nito. “Baste!” nandidilat ang mga matang tawag ni mama kay papa na umani ng malakas naming tawanan na magkakapatid. “Mana-mana pala iyan kung gano’n,” naiiling na komento ni Tiya Melba. “Parang gano’n na nga,” nangingiting sagot ni mama na kababakasan ng kilig. Kahit may edad na sila ni papa ay nananatili pa rin ang kilig sa pagsasama nilang dalawa. Para silang mga teenager na paulit-ulit sa pagliligawan. Ligawang hinding-hindi kasasawaan ninuman dahil sa napupuno iyon ng pagmamahalan. “Kaya pala may kasunod na sina Sab at Neri,” saad ni Ate Nena na ikinatuwa naming lahat. “Wow!” sabay-sabay naming bulalas saka masayang binati namin sila ni Kuya Seb. Pinupog ko ng halik sa pisngi si Sab dahilan para umiyak ang bata. “Loko ka talaga, Sandro!” sita ni Sandra saka lumapit para kuhanin mula sa’kin si Sab. “Nagpapaiyak ka na nga ng babae pati bata pinapaiyak mo na rin.” “Luh! Grabe ka naman makabanat sa’kin,” kunwa’y nagtatampo kong sabi. “Tigilan mo ako sa ganiyang drama, Sandro. Kapag ako talaga mainis sa’yo ay bibigyan kita ng pangit na sekretarya,” pananakot sa’kin ni Sandra. “Huwag kang ganiyan! Tandaan mo kapag pangit ang kinuha mo, ikaw ang gagawin kong sekretarya,” banta ko naman sa kaniya. “Subukan mo nang malintikan ka kay Kuya Seb!” tugon niya sa’kin. “Bakit hindi na lang lalaki ang kuhanin mong sekretarya ng sa gayon ay ‘di ka na papalit-palit pa,” suhestiyon ni Kuya Seb. “Ayoko! Baka bading pa makuha ni Sandra. Masasapak ko lang panigurado!" may panggigigil kong sagot sa nakatatandang kapatid. Inis na inis ako sa mga bading. Kadalasan kasi sa kanila ay mga mapagpanggap. Nagbibihis lalaki pero kalauna’y pusong babae pala. Gagawin pa naman nila ang lahat para lang makapanantsing. Kesyo natapon ang tubig sa pantalon at pupunasan kunwari ng mga kamay nila, iyon pala ay nakadapo na sa harapang bahagi ng katawan ko. “Ewan ko sa iyo, Sandro!” paismid na wika ni Sandra. “Ma, ba’t si Sandra ba ang naging kakambal ko?” reklamo ko sa ina. “Ayaw mo ‘yon, siya ang tagasalungat sa lahat ng mga kalokohan mo,” tugon sa’kin ni Mama na sinimangutan ko naman. “I love you, Ma!” malambing na wika ni Sandra sa’ming ina. “I hate you!” nakaismid kong turan sa kakambal. “Mag-asawa ka na kaya Sandro, para tigilan ka na rin nila,” suhestiyon sa’kin ni Ate Nena. “I love you, Ate! Ikaw lang talaga ang kakampi ko sa pamilyang 'to!” madramang anas ko at umaktong nasasaktan. “Ayaw sa bading pero nagkikilos bading!” mapangbuskang asar sa’kin ni Cristel mula sa itaas na bahagi ng hagdanan. “Bumaba ka nga riyan, Cristel!” simangot kong tawag sa kapatid na binelatan lamang ako. Malakas na tawanan ng mga taong kasama ko rito sa sala ang pumuno ng ingay sa buong paligid ng kabahayan. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono mula sa bulsa ng pantalon ko kaya agad kong kinuha at sinagot ang tawag. “Yes, Bro?” tanong ko kay Benjie mula sa kabilang linya. “Let's hang-out, Bro!” sumisigaw niyang sagot dulot ng malakas na pagpapatugtog mula sa kaniyang kinaroroonan. “Where are you?” tanong ko sa kaibigan. “LiquidDoze Bar!” sagot naman niya sa’kin. “Alright! I'm coming!” “Bilisan mo, Bro! Ang daming sexy rito!” humihiyaw niya pang sabi. “G*go! Alam ba ni Kuya Jerson na nariyan ka? Lagot ka talaga sa kaniya ‘pag nagkataon,” pananakot ko sa kaibigan. “Love ako ni kuya!” lasing niyang hiyaw na sinabayan pa ng malakas na ingay ng patugtog. “Love tayo ng mga kuya natin.” Naiiling na nangingiti na lamang akong inilayo ang telepono sa tapat ng aking tainga. Sa totoo lang ay mahal na mahal naman talaga kami ng mga kuya namin kahit pa nga masusungit sila kung minsan. “Bilisan mo na, Bro!” untag sa’kin ng tinig ni Benjie. “Tsk! Lasing ka na nga!” natatawang tugon ko saka pinatay ang kaniyang tawag. “I need to go, guys!” paalam ko sa aking pamilya. “At sa’n naman ang punta mo?” mataray na tanong sa’kin ni Sandra. “Benjie!” tipid kong tugon sabay lapit sa kaniya upang gawaran ng halik sa noo ang cute kong pamangkin na si Sab. “Alis muna si Tito Pogi ha.” Paalam ko kay Sab na bigla na lamang akong hinampas ng kamay niya sa’king mukha. “Aray!” nakangiwi kong hinaing. “Bakit parang naging mapanakit ka na yata, Baby?” “Pangit ka raw kasi!” mapang-asar na anas ni Sandra. Sinamaan ko ng tingin ang kakambal saka tinalikuran ko na sila ni Sab upang sunod na lapitan si Kuya Seb na kalong naman ang prinsesa naming si Neri. “Bye, little princess!” Ginawaran ko ng halik sa noo si Neri. Lumapit din ako kay Mama upang humalik sa kaniyang noo at magmano. “Mag-ingat ka, Anak!” basbas sa’kin ni Papa. “Salamat po, Pa!” Nagmano ako sa kaniya saka yumakap. Paglabas ko sa may garahe ay agad kong pinindot ang susi ng aking sasakyan upang bumukas ang pintuan niyon. Inayos ko pa muna ang sarili at saka tiningnan sa harapang salamin ang aking mukha. Maselan ako sa’king pigura tulad na lamang nang pagkaselan ko sa mga negosyong hawak. Kahit na pinagkatiwalaan lamang akong pamahalaan iyon nina Mama at Papa, pinanatili ko pa rin na maganda ang imahe ng kumpanya. Nag-i-import na rin kami ng mga sasakyan mula sa ibang bansa upang ibenta rito sa ating bansa. Marami na rin kasi ang bumibili ng mga second hand na sasakyan. Madalas akong magpalit ng sekretarya dahil sa maselan ako pagdating sa empleyado. Ang dahilan ko kasi’y dapat maganda ang nasisilayan kong mukha ng sa gayon ay ganahan akong magtrabaho. Nang masiguro kong nasa tamang kaayusan na ang lahat, binuhay ko na ang makina ng sasakyan at saka pinaharurot iyon paalis. Habang nagmamaneho, pinaandar ko ang stereo upang sabayan ang awiting madalas kong pakinggan. Paliko na ako sa may U-turn slot ng bigla na lamang may tumawid na babae. Mabuti na lang ay maagap at mabilis kong naapakan ang break kung kaya ‘di ko siya tuluyang nabundol. “Sh*t! Muntik ko na siyang mapatay!” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot na muntik ko nang masagasaan ang babae. Dala ng emosyon, galit akong bumaba ng sasakyan upang harapin ang babae. “Ano ka ba naman, Miss? Bakit sa’kin mo pa naisipang magpakamatay gayong hindi naman ako killer?!” magkasunod kong tanong sa babae. Humarap siya sa’kin dahilan para muntik ko nang malulon ang sariling dila. Kaakit-akit ang anyo ng babae at nakabibighani ang taglay niyang kagandahan. Sunod-sunod na napalunok ako ng laway nang dumako ang mga mata ko sa makinis niyang dibdib na perpektong sumasaludo. Para siyang ‘di nakasuot ng bra dahil sa nakikita ko ang bakat ng tuktok ng kaniyang dibdib sa suot niyang blusa. “Sorry...” hinging paumanhin niya sa’kin sa malamyos na tinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook