CHAPTER 23 TILA nawala ang aking kalasingan sa bigla n'yang pagyakap sa akin. Maging ang aking pagkahilo ay parang bulang naglaho. Hindi ko alam kung bakit ngunit natulala lang ako sa ginawa n'ya. Hindi din ako makakilos para itulak s'ya. I was about to ask what's going on when he suddenly pulled away. Puno ng katanungan na sumulyap ako sa kanya ngunit wala naman yata s'yang balak magsalita. Seryosong nakatitig lang s'ya sa akin. "Lasing ka ba?" pagkuwan ay tanong n'ya. I nod. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din mahagilap ang aking dila para magsalita. Kasabay ng pagyakap n'ya ay tila nag-shutdown din ang aking buong sistema. Bakit ganito ang epekto n'ya sa akin? "Anyway, nagparito nga pala ako para ipaalala sa'yo ang kasunduan natin. I expect you to come tomorrow at Blue Diner's. Me

