CHAPTER 22 Jewel's POV MULA sa ospital ay sa airport na kami dumiretso. Lulan ako ng sasakyan ni Alex na nagpumilit na ihatid ako sa paliparan. "Salamat sa paghahatid," saad ko habang kinakalas ang seatbelt. Sumilip naman s'ya sa labas ng bintana. "Bantay sarado ka talaga sa boyfriend mo." "Ha?" napalingon din ako. Mula sa pwesto namin ay natanaw ko ang hilera ng mga lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng itim na suit na tila karakter sa sikat na palabas. "Sa pagkakaalam ko, tauhan sila ng kaibigan ni Roie," sagot ko. "Iyong nasa unahan naman ay ang assistant n'ya." "You're lucky." Hindi din. Tumawa na lang ako bago bumaba. Kasunod ko pa din naman s'ya habang bitbit n'ya ang maliit kong bag. Nang makalapit kami sa assistant ni Roie ay bahagya pa itong yumuko na ikinailang ko. Hindi nam

