CHAPTER 21 Ethan's POV "WHAT?" bulalas ko. Nasisiraan na talaga ng ulo si Roie! "Wait a second," singit naman ni Tanya. "Okay ka lang ba Roie? Bakit gusto mong tanggalin sa trabaho si Jewel? Hindi ka man lang naawa sa kanya." "Oo nga!" segunda ko. "Saka paano ka n'ya mababayaran sa utang n'ya sa'yo?" This guy really needs to seek professional help. Puro kabaliwan na lang ang kanyang naiisip! Cool na sumimsim naman sya ng buko juice habang nakatanaw sa karagatan. "Iyon ang gusto ko. Sa akin na s'ya magtratrabaho—" "Technically," putol ni Tanya. "Sa'yo naman talaga s'ya nagtratrabaho." Ano'ng gagawin ko kung hindi ko kasama si misis? Bukod kay Jewel, s'ya lang ang kilala kong hindi takot sagut-sagutin ang sira ulo kong kaibigan. "Do you really want me to sponsor you own restaurant h

