CHAPTER 20
Jewel's POV
MATULIN na lumipas ang mga araw at nalampasan na din ni Papa ang peligro ng kanyang buhay. Matagumpay ang naging heart transplant n'ya at kasalukuyan na s'yang nagpapagaling.
"Nakatulog na ulit ang iyong papa," bungad ni Mama nang makalabas s'ya ng silid.
Ngumiti naman ako. "Mukhang tuloy-tuloy na ang recovery ni Papa."
"Oo," hinila n'ya ako paupo sa hilera ng mga upuan na nasa gilid. "Malaki talaga ang pasalamat ko sa'yo anak."
"H-hindi naman ako ang dapat pasalamatan," tugon ko. Wala naman kasi akong ginawa sa mga nangyari.
I heard her sigh. "Kung hindi dahil sa nobyo mo, hindi maililigtas ang buhay ng iyong Papa," hinawakan pa n'ya ang aking kamay. "Sabihin mo kay Roie na maraming salamat sa naitulong n'ya sa atin."
Gusto ko namang umirap sa aking narinig. Bakit ako magpapasalamat sa lalaking iyon, malinaw sa huli naming usapan na utang ko iyon na kailangan kong pagtrabahuhan. Ngunit pinaniwala ko ang pamilya ko na tulong iyon ni Roie.
Nagpakawala na lang ulit ako ng pekeng ngiti. "Hayaan n'yo at sasabihin ko iyon sa kanya."
"Oo nga pala," aniya. "Ilang araw nang hindi nagagawi dito si Roie, nasaan ba s'ya?"
Ang totoo n'yan, ilang araw na mula nang bumalik si Roie sa Maynila. Ang nakausap ko lang ay ang kanyang personal assistant na nagpaiwan dito para sa mga natitirang bagay na kailangang asikasuhin.
"Nakauwi na po s'ya. Pasensya na po daw at hindi na s'ya personal na nakapagpaalam dahil may emergency sa kompanya n'ya," pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba?"
Tumango na lang ako. Nakaramdam naman ako ng kaunting konsensya, nagsinungaling na naman ako kay Mama. Kung hindi nga lang komplikado ang sitwasyon ko, hindi ko ito gagawin. Ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang baon ako sa utang sa lalaking iyon? Baka ilibing ako ni Papa ng buhay.
"Oo nga po pala," basag ko sa katahimikan. "Bukas po ay babalik na ako sa Maynila. Kailangan ko na din kasi mag-report sa trabaho."
"Oo nga pala! Hindi kaya magalit ang boss mo at natagalan ka dito?"
Iyon po ang hindi ko alam. "Mabait naman po si Sir Ethan," saad ko.
May babalikan pa ba akong trabaho? Ang huling tawag ko sa opisina, hindi ko nakausap si Sir Ethan. Tinawagan ko din si Grace para sabihin na sumaglit sa restaurant para personal na makausap si Sir Ethan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din daw bumabalik si Sir sa opisina.
Tumayo na lang ako. Kapag ganitong marami akong iniisip ay nawawala ako sa mood makipag-usap. Baka mahalata lang ako ni Mama.
"Lalabas lang po ako saglit," paalam ko. "Bibili lang ako ng prutas para kay Papa."
"Mag-iingat ka."
Hanggang makalayo ako sa silid ni Papa ay iyon pa din ang iniisip ko. Ang sabi ng hambog na si Roie ay kailangan kong pagtrabahuhan ang utang ko sa kanya ng libre. I will be his personal assistant, mapa-opisina man o mapa-bahay.
Hindi ko gusto ang ideyang iyon. S'ya, makakasama ko sa ilalim ng isang bubong? Inaasahan ko nang araw-araw na may digmaan sa pagitan namin. Gusto ko naman maging mabait sa kanya, dahil nga sa naitulong n'ya pero sa tuwing naalala ko ang mga sinabi n'ya, parang gusto ko na lang s'ya isako at itapon sa ilog Pasig!
"Jewel?"
Isang boses ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa exit ng ospital. Inilibot ko naman ang mata ko, at nakita kong nakatayo sa 'di kalayuan si Alex. Isang pinong kurot na naman sa aking puso ang naramdaman ko. Kailan ba ako makaka-move on sa kanya? Bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita s'ya?
"Alex," tugon ko. "Kanina ka pa dito?"
Lumapit naman s'ya sa akin. Napansin ko din na may dala s'yang isang basket na naglalaman ng prutas. "Kadarating ko lang. Nabalitaan ko kay Joward na nagising na si Tito kaya naisipan kong dumalaw."
Dati ako ang dinadalaw mo. "Ganoon ba? Nakatulog na ulit si Papa."
"Ganoon ba? Teka, saan ka nga pala pupunta?"
"Sa palengke, mamimili ng pagkain nila."
"Samahan na kita."
Gusto kong tumanggi. Gusto kong iwan s'ya at talikuran. Pero para naman akong nilulusaw ng kanyang ngiti!
"K-kahit hindi na," tanggi ko. "Kaya ko naman mag-isa."
"I insist. Mahirap makasakay kapag ganitong oras. May dala akong sasakyan."
"B-bahala ka," nilampasan ko na lang s'ya dahil hindi ko na kayang tagalan ang mga titig n'ya. Naramdaman ko naman na sumunod s'ya. Sinabayan din n'ya ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa gilid ng kalsada.
"Wait here," aniya. "Kukunin ko lang ang kotse ko."
Hindi na ako nakaangal lalo na nang ilagay n'ya sa kamay ko ang basket na dala n'ya. I drew in a long breath. Dapat ay iniiwasan ko si Alex pero hindi ko magawa. Hindi ko dapat hinahayaan na lumapit pa s'ya sa akin at kumilos na parang okay pa din ang lahat sa pagitan namin.
He's my freaking ex boyfriend who cheated on me! Ikakasal na nga s'ya sa babaeng ipinalit n'ya sa akin pero bakit ganoon? Hinahayaan ko pa din na makalapit s'ya sa akin at sa pamilya ko?
Wala na kami.
Ewan. Ilang beses ko nang isiniksik iyon sa utak ko pero hindi matanggap ng puso ko. Ang buong akala ko ay kapag nakalayo ako sa kanya at sa lugar na ito ay makakalimutan ko na s'ya. Ngunit nagkamali ako. Lahat ng ginagawa ko, s'ya ang dahilan. Kaya nasa Maynila ako ay dahil sa kanya. Kaya ako nagtratrabaho hanggang mapagod ako ay para mawala s'ya sa utak ko. Akala ko nga noong una ay makakaya ko nang makaharap s'ya. Hindi pa din pala.
"Sakay na!"
I saw a black pick up in front of me. Nakasakay doon si Alex habang nakangiti sa akin. Isang malalim na hininga muli ang pinakawalan ko bago ako sumakay sa kanyang sasakyan. Ang una ko namang napansin ay ang litrato n'ya sa may dashboard. Litrato n'ya kasama ang mapapangasawa nya. Lihim naman akong napasimangot, mahal n'ya talaga ang ipinalit n'ya sa akin?
"Ang tagal mo din hindi umuwi dito," basag n'ya sa katahimikan habang nagmamaneho. "Nawili ka yata sa Maynila."
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. "M-medyo. Madami kasing mapaglilibangan doon."
"Kamusta ka naman doon? Hindi ka ba nahihirapan na mag-isa ka lang doon?"
Sinulyapan ko naman s'ya. Bakit kung magsalita s'ya ay parang okay lang kami? Hindi man lang s'ya nakakaramdam ng pagkailang?
"Sorry," ngumiti naman s'ya sa akin. "Hindi ka yata komportable sa akin."
Nakaramdam naman ako ng hiya. Masyado ba akong halata? Tumikhim na lang ako saka ngumiti.
"Big time ka na ah!" biro ko. "Dati naka-bike ka lang, ngayon nakasasakyan na!"
Pumaimbabaw naman ang pamilyar n'yang halakhak. "Hindi naman, pinagpaguran ko naman ang lahat ng mayroon ako."
Hindi ko naman namalayan na napangiti na din ako. "You deserve all of this."
Humina naman ang kanyang pagtawa. Bahagya din bumagal ang takbo ng aming sinasakyan dahil sa traffic.
"Thank you Jewel," aniya na nakapagalingon muli sa akin.
His smile looks genuine. "Para saan?"
"For not hating me."
Unconsciously, I gripped the basket I'm holding. Galit ba ako sa kanya? All I know is I'm hurting from what happened between us. I'm hurting from the memories we had that I couldn't get over.
I fake another smile. "Why should I?"
"Well, it's been years pero hindi ka nagparamdam sa akin. I maybe an asshole for asking this after what I did but you're still my best friend."
Para na namang may dumagan sa aking dibdib. Best friend.
"Oo naman!" sagot ko na lang kahit deep inside ay gusto ko nang bumaba sa sasakyan para tumakbo palayo.
Again, he gave me a warm smile. "I'm also happy for you."
Kumunot naman ang aking noo. "Para saan?"
"Coz you finally found the right guy for you."
"R-right guy?" si Roie ba ang tinutukoy n'ya?
"Yes. That arrogant and cocky guy you introduced. Inaamin ko na nayayabangan ako sa kanya but after seeing how he looks at you like you're his world, I can clearly see that he really loves you."
Kung iba lang ang pagkakataon, baka tumawa na ako ng malakas. Si Roie? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa matapobreng iyon. Namamalikmata yata si Alex.
"Opposite pole really attract," dugtong n'ya. "Unlike us."
Natigilan ako. "U-us?"
Tila naman nabahiran ng kalungkutan ang gwapo n'yang mukha. "Yeah. Palaging sinasabi sa akin ni Daddy na ikaw ang female version ko. That having you as my girlfriend is like dating my own sister."
Iyon ba ang tingin nila mula pa noong una? I thought they like me for their son?
I lowered my head and gave a bitter laugh. "I agree. Kaya siguro boring ang naging relasyon natin."
Hindi ako makapaniwala. After so many years of avoiding Alex, ngayon lang kami nagkaroon ng masinsinang pag-uusap. At ang nakakapagtaka, ang sakit na naramdaman ko ay parang unti-unting napapalitan ng kapayapaan.
"I badly want to talk to you, to be honest," ani Alex. "I badly want to have a closure and move on."
Closure? I really don't know what to say or how to react.
"Jewel," he held my hand that made me surprised. "I'm really sorry for everything."
Tuluyan nang pumatak ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Lot of memories flooded my mind, my memories with him since day one.
"B-bakit ganoon?" mahina kong saad. "Bakit hindi ako nagalit? B-bakit masaya ako?"
Nagsisimula na akong malito. Ito ang pagkakataon na hinihintay ko para sigawan at sumbatan s'ya. Ang saktan at parusahan s'ya ngunit bakit pakiramdam ko ay mas lalong naging payapa ang puso ko?
"B-bakit mas gumaan ang dibdib ko?" pagpapatuloy ko. "Why do I feel peace?"
Naramdaman ko ang marahan nyang pagpisil sa kamay ko. "Maybe because of Roie."
"Si Roie?"
"You love him and he made you forget all the heartaches I caused you."
Bigla ang pagsulpot ng imahe ni Roie sa aking isipan. I admit that he's my crush when I saw him. He's definitely a boyfriend material kung hindi lang talaga s'ya walang modo at matapobre. But I won't fall for him. Not him. Para na din akong kumuha ng batong ipupukpok sa sarili kong ulo. It's also like hurting myself in the future.
"He's lucky."
Ang katagang binitiwan ni Alex ang tuluyang nagpaisip sa akin. Posible ba na gusto ko si Roie?
Ipagpapatuloy...