CHAPTER 19
MABILIS pa sa alas kwatrong lumayo ako kay Roie. "K-kanina pa ba kayo d'yan?" tanong ko.
Sinulyapan naman ako ni kuya na parang nawiwirduhan s'ya sa akin. Pagkatapos ay si Roie naman ang kanyang tiningnan.
"Nag-aaway ba kayo?" tanong n'ya sa mapanuring mata.
Mabilis naman akong umiling. "Hindi, bakit naman kami mag-aaway?" binalingan ko naman si Roie. "Bakit naman ako aawayin ni Roie?"
Tinaasan lang naman n'ya ako ng kilay. Hindi ba s'ya sasakay sa sinasabi ko? Pinanlakihan ko naman s'ya ng mata. "'Di ba Roie?"
"Whatever."
Ngali-ngaling hampasin ko s'ya sa mukha. Hindi ba s'ya makahalata na kailangan kong magpanggap s'ya?!
"Oo nga pala," ani Kuya. "Kasama ko si Alex."
Bumalik sa gawi ni Alex ang paningin ko. He's still looking at me. Hindi ko naman alam kung ano ang aking mararamdaman. Narito lang naman ang lalaking minahal ko ng todo.
"How are you Jewel?" tanong n'ya.
Kimi naman akong ngumiti. "O-okay lang naman. Ikaw? K-kamusta ka na? Ang balita ko ay malapit ka nang i-ikasal."
Tipid naman syang ngumiti. Para namang malulusaw ako sa ngiting iyon. Ilang taon ko din hindi nasilayan ang kanyang mukha, at masasabi kong 'di hamak na mas gwapo s'ya ngayon.
"Yeah," aniya. "But the date will be moved."
Nabanggit na iyon sa akin ni Grace.
"May kasama ka pala?"
Doon ko lang naalala ang katabi kong hambog na pinanonood lang kami.
"Ah, oo!" nakangiting humawak ako sa braso ni Roie. "Si Roie nga pala, b-boyfriend ko."
Gusto kong masuka habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ko, hindi ko sasabihin ang mga iyon. Ano ba kasing ginagawa dito ni Alex?
"I see, s'ya siguro ang nakausap ko noong isang beses," saad ni Alex.
"Nakausap?" nagtatakang binalingan ko naman si Roie. "Nag-usap kayo?"
"Wala akong matandaan," he answered in an arrogant tone.
"Nasaan nga pala si Mama?" tanong naman ni kuya.
"Umuwi saglit."
"Ganoon ba? Nakapunta na ba dito ang doktor ni Papa?"
"Oo, nakausap na namin. Iaayos na nila ang next surgery ni Papa."
"Oo nga pala," singit ni Alex. "Nakausap ko si Joward sa sitwasyon ni tito. I've decided to help, maging si Papa ay magpapadala ng tulong."
Napamulagat naman ako. Don't tell me na sinadya s'ya ni kuya para humingi ng tulong? Sinulyapan ko muli si kuya pero pakiramdam ko ay iniiwasan n'ya na magtagpo ang mga mata namin.
Bakit kay Alex pa? Alam naman n'ya ang nakaraan namin!
"Aasikasuhin ko ang financial assistance mula sa kapitolyo," pagpapatuloy ni Alex. "Don't worry Jewel, we got your back—"
"What assistance?" ani Roie.
Bahagya namang tumawa si Alex na pinagtaka ko. Hindi din nakaligtas sa akin ang pagtatagisan nila ng titig.
"It's a financial help from the government—"
"I know what it means," putol ni Roie. "What I'm asking is, why are you going to file it?"
"Ano na naman ba'ng sinasabi mo?" bulong ko pero hindi man lang n'ya ako pinapansin!
"It's because we want to help," pakiramdam ko ay naging maangas na din ang boses ni Alex.
Gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko. Kilala ko si Alex, may pagkakataon na nag-aangas din s'ya. Mas lalo naman itong katabi ko, na wala na yatang tatalo pagdating sa kayabangan!
"She don't need it," sagot ni Roie saka marahas na inakbayan ako. "I already paid all the hospital bills so you don't have to bother yourself."
Napangiwi naman ako sa higpit ng akbay sa akin ni Roie. Wala naman s'yang balak na pisain ako?
"Hindi mo naman sinabi na mayaman ang boyfriend ni Jewel," binalingan ni Alex si kuya na kasalukuyang nanonood lang sa amin.
"Yes, I'm rich." sabad naman ni Roie.
"Tumigil ka na Roie," mahina kong saad sa pagitan ng aking ngiti. "Sumosobra ka na naman."
Narinig ko naman ang pagtawa ni Alex saka bumaling naman sa akin. "Is he really your boyfriend? Parang ang layo naman sa character na gusto mo."
Nawala ang ngiti ko. Did he just said that? Kanina pa ako may topak, 'tapos makakarinig pa ako ng ganito? Saka, si Alex ba talaga ang kaharap ko?
"Bakit?" tanong ko. "Nagbabago ang gusto ng isang tao kapag nasaktan sila."
Mukha naman s'yang nagulat sa sinabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Roie sa gilid ko. Kumawala ako sa pagkakaakbay n'ya at humakbang palapit kay Alex.
"At least, Roie is not an asshole. He may be an arrogant and cocky guy but he's totally different from the other guys who think highly of themselves."
"Jewel, ano na naman ba ang sinasabi mo?" naramdaman ko na lumapit si kuya sa amin ni Alex. "Inaaway mo ba si Alex?"
Napaismid naman ako. "Bakit ko naman aawayin si Alex? We're friends. At isa pa, ipinagtatanggol ko lang ang boyfriend ko."
"I don't mean anything," kabig ni Alex. "Hindi ko ino-offend ang kasama mo."
Pagak naman akong natawa. "Ganoon ba? Pasensya na at iba lang ang dating sa akin."
Nilingon ko naman si Roie na bahagyang nakangiti. Para pa s'yang naa-amaze sa nangyayari! Isang irap lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako lumabas ng silid. Gosh, I need some air!
Roie's POV
NANGINGITING napakamot na lang ako sa aking leeg nang makalabas ng silid si Jewel. Nakakatawa s'ya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa ikinilos n'ya lalo na kanina. She introduced me as his boyfriend! Nawala naman ang ngiti ko nang mapabaling ang aking paningin sa dalawang lalaki sa harapan ko. Aish! Bakit ba ako iniwan ni Jewel kasama ang dalawang ito?
The guy with white polo cleared his throat. "Ako nga pala si Alex—" he raised his hand. "—Jewel's friend."
May maganda naman akong asal kaya tinanggap ko ang kanyang kamay. "The name is Roie, Jewel's boyfriend."
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kanyang kamay sa akin. Hindi din nakaligtas sa akin ang pagtalim ng kanyang mga mata. Nakipagtagisan naman ako ng titig sa kanya. Akala n'ya ba ay masisindak n'ya ako?
"Mabilis magtampo si Jewel," aniya saka binitawan ang aking kamay. "Maikli din ang kanyang pasensya."
"Bakit mo sinasabi iyan sa akin?"
"Dahil ikaw ang boyfriend n'ya," aniya na hindi pinuputol ang titig sa akin. "Gusto ko sanang ibahagi sa'yo ang ilan sa mga ugali n'ya."
I shrugged. "There's no need and I don't need it."
There's no reason for me to know more about her. Why should I? I'm not gonna even gain money from those information.
"Hindi ba dapat at samantalahin mo ang pagkakataon na ito para malaman mo pa ang ilang ugali ni Jewel?"
Dang, this guy is talkative!
I lifted my head. "You sure knows lot about my girlfriend."
Ngumiti naman s'ya. Ngiting hindi ko nagustuhan. "You can say that. After all, I'm his first boyfriend."
My hands tightened into fists. S'ya ba ang iniiyakan ni Jewel noong nalasing s'ya? May nararamdaman pa ba s'ya sa lalaking ito? Tsk. She's just wasting her tears to this jerk.
"I see," I crossed my arms over my chest. "But as you can see, it's been years since you two broke up. At sa pagkakaalam ko ay nagbago na din ang ugali ni Jewel. Kung may mas higit na nakakakilala sa kanya, ako iyon."
Without waiting for his response, I stepped out of the room. Napipikon ako sa totoo lang. Ano'ng ginagawa dito ng ex boyfriend ni Jewel? At isa pa ang babaeng iyon, ginamit n'ya pa ako para maipakita sa lalaking iyon na naka-move on na s'ya. Naglakad na lang ako palabas ng ospital. Hindi ko din makita kung nasaan si Jewel, at wala akong pake kung saang lupalop s'ya ng planeta nagtungo!
Nakalabas na ako ng gusali nang matanaw ko s'ya sa 'di kalayuan. She's eating something while holding a bottle of soda.
"Hoy!" I walked towards her. "Bakit hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta?!"
"H-ha?"
I let out a harsh breath before grabbing the bottle from her hand. Damn this woman!
Ipagpapatuloy...