CHAPTER 18
Alex's POV
NAPAHILOT na lang ako sa aking batok nang matapos ko ang nakatambak na paperworks. Ilang araw ko din itong pinaglamayan, thank God I was able to finish it before the due date. Sinulyapan ko ang aking cellphone. Wala pa din akong natatanggap na reply mula kay Trixie. It's been two hours mula nang padalhan ko s'ya ng text message. Busy na naman yata s'ya sa page-ensayo.
Tumayo na lang ako para libangin ang aking sarili. Lumapit ako sa isang shelf na kinalalagyan ng mga litrato namin ni Trixie. Mga litrato namin mula noong kolehiyo kami. Hindi ko akalain na malapit na akong ikasal sa kanya. Mahirap paniwalaan. Sa isang bahagi kasi ng utak ko ay ibang babae ang pinangakuan ko ng bagay na iyon.
Napailing naman ako. Crazy. Ikakasal na ako pero si Jewel pa din ang iniisip ko. Siguro ay dahil hindi ko pa din mapigilan na makaramdam ng guilt sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa amin. I just hope that she's fine and happy. Ang balita ko kay Grace ay hindi na muling nagpaligaw si Jewel matapos naming maghiwalay. Nasaktan ko ba s'ya ng sobra?
Isang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako sa pintuan at nakita kong nakatayo roon ang aking assistant.
"Why?" tanong ko.
"May unexpected guest po kayo. Ang sabi n'ya ay s'ya si Joward Kim."
Napangiti naman ako. "Let him in."
"Right away sir."
Nakakasurpresa naman at dinalaw pa ako ni Joward dito sa kabisera. Medyo malayo din kasi ang tinitirahan nila dito sa bago naming opisina.
Joward and I remained friends even I broke up with Jewel. He's also one of my childhood friend. Lumipas ang ilang sandali at pumasok na s'ya sa opisina ko.
"Hey!" masayang nilapitan ko s'ya.
We hugged each other. "Pasensya ka na sa istorbo Alex."
"Wala naman akong ginagawa," saad ko. "Maupo ka, magpapahanda lang ako ng meryenda."
I immediately paged my assistant for some snacks. Inilibot lang naman ni Joward ang paningin sa paligid.
"What can you say?" tanong ko saka naupo sa tapat n'ya.
"Nice interior," aniya habang tumatango. "Big time ka na talaga."
Bahagya naman akong natawa. "Hindi naman. Malayo pa ako sa pagiging big time."
Hindi naman s'ya umimik. Doon ko lang napansin ang kanyang mukha. Para s'yang kulang sa tulog, nangingitim ang ilalim ng mata.
Tumikhim ako. "May problema ba? You look restless."
He gave me a weak smile. "Iyon nga ang ipinunta ko dito. Hihingi sana ako ng tulong sa daddy mo para sa medical assistance ng kapitolyo."
Natigilan naman ako. "Medical assistance?"
"Oo," bahagya pa s'yang napakamot. "Nasa ospital kasi si Papa—"
"What?! Ano'ng nangyari kay Tito?"
"Inatake sa puso si Papa at kasalukuyan syang naka-confine. Katatapos lang ng una n'yang operasyon, ang sunod naman ay ang heart transplant na hindi ko pa alam kung saang palad ng Diyos ako makakakuha ng heart donor."
"Is he okay?" hindi ko itinago ang aking pag-aalala. Naging pangalawang ama ko na din naman ang papa n'ya.
"He's fine as of now. Lumalaban naman s'ya. Dapat lang, hindi pa n'ya nakikita ang apo n'ya sa akin."
Napabuntong hininga naman ako. Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. Siguradong malaki ang gagastusin nila sa operasyon ni Tito. Alam ko din na hindi sasapat ang sweldo ni Joward bilang guro.
"Don't worry Joward, ipapaayos ko ang mga kailangang papeles para makahingi tayo ng medical assistance. Sasabihin ko din kay Daddy para madalaw n'ya si Tito. Siguradong tutulong din si Daddy."
"Salamat Alex," inabot pa n'ya ang aking kamay. "Huwag kang mag-alala, pagdating ng loan ko ay babayaran kaagad kita—"
"No need," putol ko. "Hayaan mong tumulong kami sa abot ng aming makakaya. Oo nga pala, saan naka-confine si Tito para naman madalaw ko s'ya."
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagsimangot n'ya. May problema na naman ba?
"Isa pa iyon sa kinaiinis ko," aniya sa matabang na boses. "Nasa Do-Yun si Papa ngayon."
Do-Yun? Teka, sa pagkakaalam ko ay private hospital iyon ah! Malapit din dito ang ospital na iyon.
"Malayo sa lugar n'yo ang Do-Yun," kumento ko habang nagsasalin ng maiinom.
"Actually, sa Legarda namin unang dinala si Papa. Pero dahil wala kaming pang-deposito ay hindi nila inoperahan s'ya."
What the hell? It's public hospital, dapat ay mas unahin nila ang kapakanan ng pasyente! Nagngitngit ako sa aking narinig. I'll let my dad know about what happened.
"Paano naman napunta si Tito sa Do-Yun?"
Nakita ko ang pagtiim bagang ni Joward. Mas sumama lalo ang mukha n'ya sa aking tanong.
"Because of Jewel's arrogant boyfriend," mababakas sa kanyang boses ang disgusto. "Now my big problem is how we can pay that asshole. Isama pa na malaki din ang bayarin sa ospital na iyon.
Boyfriend? May bigla akong naalala. Tama kaya ang hinala ko?
Jewel's POV
SUNOD-SUNOD na pasasalamat ang ginawa ni Mama sa kaharap na doktor. Mangiyak-ngiyak na bumaling s'ya sa akin.
"Narinig mo iyon anak? Lumalaban ang iyong Papa! Mayroon na din paparating na puso para sa heart transplant n'ya!"
Ngumiti naman ako. "Napakabuti ng Panginoon, hindi N'ya tayo pinababayaan."
"Pagpalain nawa ang may mabuting kalooban na nag-donate ng puso para sa iyong Papa."
"Napakaswerte ng iyong Mister," saad ng doktor. "Sa totoo lang ay mahirap makahanap ng heart donor ngunit kanina lang ay may tumawag para ipagbigay alam sa amin na may paparating dito na puso para sa pasyente."
"Sino daw po ang donor?" tanong ko. Kailangan kong magpasalamat sa pamilya na nagbigay kay Papa ng ikalawang buhay.
"Hindi nagpakilala ang tumawag, basta sinabi lang n'ya na may paparating na organ buhat pa sa kabilang lalawigan."
Natigilan naman ako. Bakit hindi nagpakilala ang tumawag?
Ilang bilin pa ang sinabi ng doktor bago s'ya umalis. Maaari daw naming dalawin mamaya si Papa sa ICU.
"Nasaan nga pala ang nobyo mo," tanong ni Mama habang naghahanda ng pagkain.
"N-nasa hotel pa po," palusot ko. Hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo naroon si Roie.
"Ganoon ba? Oo nga pala, uuwi muna ako at kukuha ako ng mga gulay at prutas."
"Hindi pa naman makakakain si Papa."
"Ano ka ba! Ibibigay ko iyon sa nobyo mo bilang pasasalamat! Napakalaki ng tulong n'ya sa atin. O s'ya, aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala dito."
"Sige po."
Nang makaalis si Mama ay saka ko inumpisahan na linisin ang kwartong aming tinutuluyan. Dumako ang aking paningin sa bag ko na nasa isang sulok. Kinuha ko naman iyon at tiningnan ang mga laman.
"Hindi ko pa pala natatawagan si Grace," bulong ko habang tinatapik ang cellphone kong walang karga.
Siguradong nag-aalala na iyon sa akin dahil hindi ako nakauwi kagabi. Ah, mamaya ay manghihiram na lang ako ng charger kay kuya. Sunod na kinuha ko ay ang aking wallet. Halos manlambot ako nang makitang hindi man lang umabot ng dalawang libo ang laman non. Ngunit naalala ko na malapit na nga pala ang araw ng sweldo, may makukuha naman ako dahil may ipinasok ako noong nakaraang cut off.
Napalingon ako nang magbukas ang pinto. Si Roie ang nakita ko. Nakapagpalit na s'ya ng damit, he's now wearing a casual outfit. Para s'yang modelo ng damit sa tindig at postura.
"Here," isang paperbag na naman ang iniabot n'ya. Ni hindi s'ya nag-abalang sulyapan man lang ako.
"Ano ito?"
"Pamalit mo."
Nahihiya man ay tinanggap ko na lang iyon. Suot ko pa din kasi ang bestida na una n'yang ibinigay at nangangati na din ako. Sinilip ko ang laman ng paper bag. May ilang piraso doon ng damit. Napansin ko din na may mga underwears doon na ikinapamula ng aking mukha. S'ya ba ang bumili nito?
Binalingan ko na lang s'ya. Ngayon ay inililibot n'ya ang paningin sa kabuuan ng inuukupa naming silid.
"S-salamat," mahina kong saad.
Napalingon naman s'ya sa akin. "Ano?"
Huminga ako ng malalim. Hindi ako sanay makipag-usap sa kanya ng ganito pero dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya ay kailangan kong maging mabait.
"A-ang sabi ko, salamat," ulit ko.
To my surprise, he just smirked. "Saan ka nagpapasalamat?"
"Sa lahat ng tulong mo," humakbang ako palapit sa kanya. "Dahil sa tulong mo, naoperahan kaagad si Papa. May donor na din s'ya ng puso kaya maisasaayos na ang sunod n'yang surgery. Kaya salamat Roie, maraming sala—"
"Don't thank me."
Nagtaka naman ako. Kunot noong tinititigan ko s'ya. He's now looking arrogant again. Bahagya akong napaurong nang humakbang s'ya palapit sa akin hanggang dalawang dangkal na lang ang aming pagitan.
"You'll pay for it," aniya sa mababang tono. "Hindi libre lahat ng ito."
Bigla naman ang pagkulo ng aking dugo. "Ano ba'ng akala mo, tatakbuhan kita?! Ayoko ngang magkautang na loob sa'yo!"
"I'm just telling you, there's no need to shout."
Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Pwede naman n'yang sabihin iyon pagkatapos ng lahat ng problema ko! Wala s'yang konsensya! Binabawi ko na ang akala kong mabait s'ya.
"Magkano ba ang mga nagastos mo, mahal na prinsipe? Para naman mapaghandaan ko!"
Tumaas lang ang gilid ng labi n'ya. "Gusto mo ba talaga malaman?"
Hinahamon talaga ako ng lalaking ito! "Oo! Ikaw ang nagsimula 'di ba? Sabihin mo na! Nahiya ka pa."
"Hmm," naningkit pa ang kanyang mga mata. "Hindi ko na isasama ang mga naisuot mong damit, consider it as a donation. Iyong puso na ipapadala dito, libre na din iyon dahil iba naman ang nagbigay n'on."
Natigilan ako. May kinalaman din s'ya sa donor ng Papa ko?
"Now you know," aniya. "Now you know how money works. In just twenty four hours, I made everything possible. But I won't charge you for all the phone calls and troubles I did. It's actually good thing dahil bored ako."
Nalaglag ang aking panga sa sinabi n'ya. Hindi ko mahagilap ang sasabihin, hindi ko maisip kung ano'ng tamang salita ang ibabato ko sa kanya. His arrogant attitude made me speechless!
"Base on my calculations, umabot ng mahigit isang milyon ang nagastos ko sa'yo. But then, I told you that some of it is already discounted so you just need to pay the rest which is nine hundred thousand."
"Nine hundred thou—" anak ng patola! Ganoon kalaki ang nagastos n'ya?!
"You look surprised?" natatawa n'yang sabi.
Itinikom ko naman ang aking bibig. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga?
"Teka nga," namewang ako. "Paano naman umabot ng ganoon kalaki ang bill ko?"
"You rode my private plane—"
"I didn't ask for it!" makakasampal ako ng 'di oras.
Ang kapal talaga ng kalyo nya sa mukha! Hindi ako humingi ng tulong sa kanya in the first place! Ang kapal n' yang kwentahan ako!
"Baka naman pati gasolina ng sasakyan mo ay singilin mo din?" maanghang kong saad.
"Don't worry, kasali na iyon doon. Wala akong nakalimutan sa mga nagastos ko sa'yo."
Binigyan ko s'ya ng masamang tingin. "Bwisit ka."
"Why?" naging seryoso na ang kanyang mukha. "Kung hindi ako nakialam, siguradong pinaglalamayan n'yo na ang papa mo!"
Doon naman ako natahimik. Oo nga pala, kung wala ang pera n'ya ay baka ulila na ako sa ama. Kalma Jewel. Huminga ako ng malalim saka nagpakawala ng pekeng ngiti.
"Okay," tinitigan ko s'ya ng diretso sa mata. "Babayaran ko ang nagastos mo, happy?"
Ngumiti naman s'ya. "Saan ka kukuha ng ganoong pera?"
"Wala ka nang pakialam kung saan ako kukuha ng ipambabayad ko sa'yo!"
Gusto kong maiyak. Hindi ko kasi alam kung saan ko hahagilapin ang perang iyon. Kahit yata ibenta ko ang aking katawan ay hindi ko makukumpleto kaagad ang halagang iyon.
"May offer ako sa'yo," saad ni Roie maya-maya. "Ayoko namang isipin mo na napakawalang puso ko."
Wala ka talagang puso, gago!
"I'm actually looking for personal assistant—"
"You mean, alalay?" putol ko.
"Exactly!"
Huwag lang ako makahagip ng bagay, mapupukpok ko na talaga s'ya!
"Hindi ka lugi dito, trust me. You'll be paid fifteen thousand every month. Sa bahay ko ikaw titira—"
"What? No way!"
Muli ay inilapit na naman n'ya sa akin ang kanyang mukha. "Huwag kang feeling, wala akong interes sa'yo. Personal alalay kita kaya kahit sa trabahong bahay ay dapat naroon ka. Fifteen thousand for a personal chimay? Tanga ka na lang kung tatanggi ka pa."
Naikuyom ko na lang ang aking kamao. Umarangkada na naman ang bunganga nya! Konti na lang at tatamaan na s'ya sa akin.
"So let's do the math," pagpapatuloy nya. "Nine hundred thousand, divide to fifteen thousand—that will be equal to five years."
"Ano?" namewang ako. "Parang sinabi mo na din na limang taon akong magtatrabaho sa'yo ng libre!"
"You're right."
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Itinaas ko ang aking kamao para suntukin s'ya pero mabilis n'yang nahagip ang aking pulso.
"Tsk," umiiling na saad n'ya saka ako hinila palapit lalo sa kanya. "Careful, pumapatol ako sa babae."
Para akong mawawala sa katinuan nang maamoy ang mabango n'yang hininga. Palihim naman akong umiling, ano ba ang nangyayari sa akin?
"So deal?" aniya.
"Mukha mo!" sigaw ko. "Bitawan mo ako nang masuntok ko iyang makapal mong mukha!"
Pinilit kong hinila ang aking kamay ngunit sa pagkabigla ko ay bigla n'ya akong kinabig. Halos mayakap na n'ya ako sa aming posisyon! Akmang kakawala muli ako nang may biglang nagsalita.
"Jewel?"
Napalingon ako sa pintuan, at ganoon na lang ang pagkagimbal ko nang makita kong nakatayo doon si Alex at si kuya!
Ipagpapatuloy...