CHAPTER 17
Jewel's POV
HINDI ko alam kung paano ang sumunod na nangyari. Masyadong mabilis. Basta bigla na lang may dumating na chopper para sunduin kami. Doon din isinakay si Papa para dalhin sa Do-Yun hospital—isa sa pinakakilalang ospital sa aming lalawigan dahil karaniwan nang nagpupunta dito ay mga mayayaman lang.
Nang lumapag ang sinasakyan naming chopper sa rooftop ng nasabing ospital ay may nakaantabay na pala doon na mga medical personnel. Mabibilis ang kilos na inilipat nila sa stretcher si Papa. Naiwan naman kaming tatlo nina Mama at Kuya habang tinatanaw si Papa palayo. Tinulungan na naman ako ni Roie? Nananaginip ba ako?
"This way Miss Kim," isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo ang lumapit sa amin. "Mr. Lee informed us about your arrival."
Speaking of Roie, hindi s'ya sumama sa amin papunta sa ospital na ito. "Nasaan nga pala si Roie?"
"May inaasikaso po s'ya."
Nagkatinginan muli kaming tatlo saka sumunod sa lalaki. Sinalubong kami ng napakalinis at napakabangong pasilyo. Wala din makikitang nagkalat na pasyente sa tabi-tabi hindi katulad sa naunang ospital.
"Dito po muna kayo," the guy opened a door. "We'll inform you once the surgery is over."
"Teka lang—" pigil ko sa lalaki nang akmang aalis na s'ya. "—pwede ko ba'ng makausap si Roie?"
"Sorry Miss Kim pero wala kaming numero n'ya, tanging ang assistant lang n'ya ang nakakausap namin."
"Kung ganoon, pwede mo ba'ng tawagan ang assistant ni Roie?"
"Nandito po ang assistant ni Mr. Lee at inaasikaso ang lahat. I'm afraid that Mr. Lee is doing something personal or maybe he's at his hotel suite right now."
Tumango na lang ako. Nang makaalis ang lalaki ay saka ko binalingan ang mga kasama ko. Si Mama ay maluwang ang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang hospital suite na pinagdalhan sa amin. Para lang naman kasi kaming nasa isang hotel.
"Akala ko ba ay boyfriend mo ang lalaking iyon?" saad ni kuya Joward. "Bakit hindi mo matawagan?"
Dahil hindi ko naman talaga s'ya boyfriend! Gusto kong isagot iyon pero baka mas lalo lang gumulo ang sitwasyon.
"Joward, pagpahingahin mo nga muna ang kapatid mo," singit ni Mama. "Wala namang masama kung may nobyo na si Jewel."
"Mama, hindi mo ba nakita? May attitude ang lalaking iyon."
Tama ka d'yan kuya. Masama ang ugali ng lalaking iyon.
"Paano, inangasan mo agad! Naturingang teacher ka pa naman pero nagpakita ka kaagad ng ganoong ugali!"
Gusto kong matawa dahil kapag ganitong pinapagalitan na s'ya ni Mama ay hindi na s'ya pumapalag. Nagulat naman ako nang balingan ako ni Kuya habang nakataas ang hintuturo.
"Magtutuos pa kami ng hambog mong boyfriend." mabilis s'yang lumabas ng silid.
"Huwag mo nang pansinin ang kuya mo," ani Mama habang hinihila ako paupo sa isa sa mga couch na naroon. "Sa tignin ko ay stressed lang s'ya sa nangyayari."
"Ano po ba ang nangyari? Bakit biglaan naman na inatake sa puso si Papa?"
Narinig ko naman ang malalim n'yang buntong hininga. "Ewan ko ba. Basta noong hapon na umuwi s'ya pagkatapos manguha ng buko ay dumadaing na s'ya na masakit ang dibdib."
"Sinabi ko naman po na patigilin n'yo na si Papa sa mabibigat na trabaho."
"Alam mo naman ang matandang iyon, pasaway!"
Napahilot na lang ako sa sentido. Hindi ko din naman masisisi si Papa. S'ya kasi iyong tao na hindi humihingi ng pera sa amin ni Kuya.
Pinagmasdan ko naman si Mama. Hinahaplos n'ya ngayon ang kinauupuan n'ya. Sa tingin ko ay ngayon lang s'ya nakakita ng ganito kagandang upuan. Kung mayaman lang kami, madali lang sana ang lahat.
Naalala ko naman si Roie. He payed for everything. At sa isang pitik lang ng kanyang daliri ay naayos n'ya ang paglipat namin dito sa pribadong ospital. It's like he showed me how money works. Nakaramdam naman ako ng guilt. Kahit pala ganoon ang ugali at pananalita n'ya ay may itinatago s'yang kabaitan. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Papa na huwag na huwag daw namin huhusgahan ang isang tao nang hindi pa lubos na kilala.
Ang papa ko. Napakabuti naman n'ya pero bakit s'ya pa ang nakaranas ng ganito?
"SALAMAT." kinuha ko na ang binili kong pagkain.
Nasa labas ako ngayon ng ospital para sa pagkain. Masyado kasing mahal ang pagkain sa canteen nila. Mabuti na lang at may mga karinderya sa kabilang kalsada.
Nang pabalik na ako sa ospital ay isang lalaki ang umagaw ng aking pansin. Actually, kanina ko pa s'ya nakita noong papalabas pa lang ako. He's just standing outside habang nakatingala sa mataas na ospital.
"Excuse me," bungad ko sa kanya. "May hinahanap ka ba?"
Napaurong naman ako nang humarap s'ya sa akin. Mukha s'yang goon! His clothes are all black. May malaki din s'yang tattoo sa magkabilang braso. Ngunit hindi ko maitatanggi na gwapo din s'ya, dangerously handsome.
"Wala," malamig n'yang saad. "May binisita lang."
Pinilit ko naman na ngumiti. "Ganoon ba, akala ko kasi ay may hinahanap ka. Kanina ka pa kasi nakatayo d'yan."
Hindi naman s'ya umimik, bagkus ay pinagmasdan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Ano'ng meron?
Hindi naman nakaligtas sa akin ang bahagya n'yang pagngiti. "Now I know."
"Ha?"
Umiling naman s'ya. "Nothing. Nice meeting you by the way."
Naiwan akong nakanganga nang maglakad s'ya palayo. Nice meeting you? Eh hindi nga s'ya nagpakilala sa akin. Weirdo.
Roie's POV
NAPATINGIN ako sa bote ng alak na naubos ko. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala iyon habang iniisip ang mga nagawa ko. I'm currently at my hotel suite to rest. Pero imbes na makatulog ay ginugulo lang ako ni Jewel. Hindi mawala sa utak ko ang luhaan n'yang mukha at ang nakakaawa n'yang sitwasyon.
"Argh!" naiinis na sinabunutan ko ang sarili ko. "I lost a million in a day?! f*****g Roie! Ano'ng ginagawa mo?!"
Napahilamos naman ako. Did I just help that poor lady? Yes, you idiot! Pero bakit? Para na akong mababaliw sa kakaisip. Like what I said, I'm not that kind of person, I mind my own business. But all of a sudden, I did all of this?
"s**t," bulong ko. "Now I'm here!"
Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa sandalan. I don't know what's going on with my stupid brain. I really need to set an appointment with my therapist. Baka nasisiraan na ako ng ulo. I heard my phone rang. Sinulyapan ko lang naman iyon. Isang numero lang kasi ang nakalagay sa screen. Wait a second, just one number? Tiim bagang na dinampot ko iyon mula sa lamesa.
Isa lang ang kilala ko na may kakayahang tawagan ako kahit hindi ko pa ibigay sa kanya ang aking number.
"Lecter," bungad ko.
"Kamusta."
I scoffed. "Nag-ubos ka ng oras para i-hack ang systems at tawagan ako para lang mangamusta?"
"Masyado ka namang high blood," bahagya pa s'yang tumawa. "I just talked to Hyun, nabanggit n'ya ang kabaliwang ginagawa mo."
"Thanks for reminding me asshole," I didn't hide my sarcasm. "Akala ko ba ay wala kayong communication?"
"Wala kayong communication sa akin," pagtatama n'ya. "I can track you guys whenever I want."
Natawa na lang ako. I forgot that this guy is a devil who can do almost everything.
"Bakit ka napatawag?" tanong ko na lang.
"I heard that your girlfriend's father need a donor. A heart donor."
"Hindi ko na problema iyon," muli ay kumuha ako ng isa pang bote ng alak. "Sinagot ko na lahat ng gastusin, pati ba naman heart donor ay ako pa ang hahanap?"
Tumawa din naman s'ya. "I saw her."
Natigilan naman ako. "What?"
"I saw your girl."
"She's not my girl!"
Humalakhak lang naman s'ya. May nakakatawa ba?
"Sayang, plano ko pa naman na regaluhan kayo ng puso."
Napaangat ako mula sa aking kinauupuan. "Don't even dare Max. Don't go back there!"
Sira ulo din yata ang isang ito. Magugulpi s'ya ni Grey kapag bumalik na naman s'ya doon!
"I never left," mahina n'yang saad. "Just like Grey, we never left."
Hindi ako nakaimik.
"Just wait for my gift Lee," pagpapatuloy nya. "Consider this as my early wedding gift."
"I told you she's —" I heard a dial tone. "The f**k?" bwisit na ibinato ko ang aking cellphone.
Lintek! Manang-mana s'ya kay Andrei!
Si Jewel? Girlfriend ko? Nagpapatawa s'ya. May nalalaman pa s'yang early wedding gift, baliw talaga ang lalaking iyon. There's no way that I will marry that girl.
"This is just charity," bulong ko. "Right, just charity works."
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom nang may bigla akong naalala. s**t! Hindi ko pa nga pala nasasabihan si Do-Yun!
Ipagpapatuloy...