CHAPTER 16

1152 Words
CHAPTER 16 Roie's POV SA ISANG pampublikong ospital kami nakarating. May kalakihan din ang naturang ospital, marami din ang pasyente na naroon. I was actually shocked. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ospital na makalat—makalat sa pasyente. May nakita pa akong tatlong pasyente sa iisang kama. May mga bata din na sa sahig na nakahiga. Sinulyapan ko naman si Jewel na may kausap na nurse. Kanina ko pa napapansin na parang tinataasan lang s'ya ng kilay ng kausap. Ganito ba talaga kapag public hospital? Ito ba ang reyalidad? I'm aware that not everyone can afford a private hospital, but seeing this patients treated like a pig makes me— "Sasama ka pa ba sa itaas?" nakalapit na pala sa akin si Jewel. "Naroon ang ICU." I just shrugged. "Yeah." Sinundan ko muli s'ya. Tatlong hagdan ang aming inakyat. "Hindi ba uso dito ang escalator o elevator?" naiinis kong tanong habang nagpupunas ng pawis. "Ay sorry ha, pangmahirap na ospital lang kasi ito." "You don't need to be sarcastic, I'm just asking." I saw her rolled her eyes. "May elevator naman, pero para lang iyon sa mga pasyente." Well, that suck. We continued walking until we reached the place. Nakita ko na kaagad na niyakap ni Jewel ang isang babaeng may edad. Sa gilid naman ay may lalaking nakatayo habang nakatitig lang sa dalawang babae. He must be her brother. "Mabuti naman at nakarating ka," her mom said while crying. "Saan ka nakakuha ng pera? Hindi ba at kasisimula mo lang sa trabaho?" "Huwag n'yo na isipin iyon Mama. May tumulong sa akin." Doon lang dumako ang tingin nilang tatlo sa akin. Nakaramdam naman ako ng bahagyang pagkailang lalo na nang tingnan ako ng kanyang mama mula ulo hanggang paa. "Sino s'ya anak?" Nakita ko naman na bahagyang napakamot sa ulo si Jewel. "S-si Roie po—" "Boyfriend mo?" singit ng lalaki na matiim pa din ang pagkakatitig sa akin. Nagdesisyon naman akong lumapit sa kanila. "Hi, my name is Roie Lee." Napangiti naman ang ina ni Jewel saka humawak sa magkabila kong kamay na ikinapitlag ko. "Hijo," she's smiling. "Maraming salamat sa pagtulong mo kay Jewel. Pasensya ka na sa istorbo." "Wala po iyon." Doon ko lang napansin na may pagkakahawig si Jewel sa kanyang ina. Now I know where she got those seductive lips. "Boyfriend ka ba ng kapatid ko?" tanong ng lalaki. "Kuya naman!" singit ni Jewel. "Sino naman ang lalaking magbibigay ng tulong ng ganoon na lang? Mahal ang plane ticket Jewel." "Kuya pwede ba'ng mamaya—" "I didn't buy a plane ticket," putol ko sa sinasabi ni Jewel. "We rode my private plane." "Private plane?!" sabay na bulalas ng lalaki at ng ginang. "Roie ano ba!" pinandilatan pa ako ni Jewel. "What?" maang kong tanong. May mali na naman ba sa sinabi ko? I was just correcting her brother. Totoo naman na hindi kami bumili ng ticket. I don't have to do that, I have my own plane. Binato naman ako ni Jewel ng masamang tingin. I don't get her. "Mayaman pala ang lalaking kasama mo," bakas sa boses ng lalaki ang pagiging sarkastiko. "Baka matetano iyan dito Jewel." Tsk. I can sense that this guy don't like me. I don't like him either. "Huwag kang mag-alala," tinapatan ko ng titig ang lalaki. "May pera ako para ipagamot ang sarili ko." "Roie!" Sinulyapan ko naman si Jewel na sumesenyas na tumigil na ako. Nope, you can't make me stop. Your brother is an asshole. Kinabig ko naman s'ya palapit sa akin. "And yes, I'm your sister's boyfriend." I said in a cold tone while my hand is on her shoulder. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamimilog ng mga mata ni Jewel. "A-ano ba'ng sinasabi m-mo—" "Why? Itatanggi mo?" "H-hindi naman kita—" Isang komosyon ang pumutol sa aming usapan. Lahat kami ay napalingon sa mga doktor at nurses na humahangos palapit sa amin. I saw them entered the ICU with some medical equipments. "Diyos ko," her mom broke in tears again. "Ang asawa ko!" Sumulyap naman ako sa glass window. Mukhang may nangyayari sa ama ni Jewel. Naramdaman ko din na kumawala s'ya mula sa pagkakaakbay ko saka tumakbo palapit sa bintana. "Papa!" I looked at the old guy. Maraming medical equipments ang nakakabit sa kanyang katawan. His body is also thin and looks fragile. Lumipas ang ilang sandali, lumabas ang isang doktor na naroon. The three immediately approached the guy. Nanatili lang naman ako sa kinatatayuan ko. "His having arrest again," the doctor said. "He needs an immediate surgery or else he won't make it." Mas lalo namang lumakas ang iyak ng mama ni Jewel habang ang huli naman ay mukhang nagpapakatatag sa harapan ng kanyang ina. I looked back at the old guy. He surely is not in a good condition. Bahagya akong lumapit sa salaming bintana. He reminds me of my dad. An image of my father lying in an hospital bed flashed in my head. Wala sa loob na naikuyom ko ang aking kamao. "Kung kailangang operahan ang papa ko, gawin n'yo!" narinig kong sigaw ng kuya ni Jewel. "Bakit hindi n'yo agad gawin?!" "Joward humihanon ka," humihikbing saad naman ng ginang. "Maooperahan namin s'ya kaagad," kalmadong saad ng doktor. "Pero kailangan n'yo munang magdeposito." "Deposito?" si Jewel naman ang nagsalita. "Delikado ang buhay ng papa ko, bakit kailangan muna naming magdeposito para lang operahan n'yo s'ya?!" "Pasensya na po pero iyon ang polisiya ng ospital." "Kuya, may pera ba tayo?" At sunod kong narinig ang diskusyon nila sa pera. God, I hate poor people. Mamamatay na ang kapamilya nila nang wala silang nagagawa! "Dok, pwede bang operahan n'yo muna si Papa? Sa isang linggo pa darating ang hiniram kong pera—" "I'm sorry sir pero hindi po maaari iyon," putol ng doktor sa sinasabi ng kuya ni Jewel. Mas nakakagalit ang mga doktor. Their number one job is to keep their patients alive, pero pera pa din ang umiiral. "Are you kidding me?!" sigaw ng lalaki. "Magbabayad naman kami—" "Bullshit," malamig kong sabat. I also looked at the doktor. "You're all bullshit. Mamamatay na ang pasyente pero pera pa din ang uunahin n'yo?" Naglakad ako palapit sa kanila. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin. I hate dramas! Dapat pala ay sa hotel na lang ako dumiretso! "Tell me," malamig kong saad sa doktor. "Magkano ang magagastos sa operasyon na ito?" "Well," napalunok pa sya. "Ang deposito ay nagkakahalaga ng bente mil—" "The whole amount." "It can cost hundred thousands to three hundred thousands—" "And the survival rate?" putol ko ulit. "Seventy percent. Base sa test results ng pasyente, mukhang kakailanganin n'ya ng heart transplant." Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga katabi ko. I crossed my arms on my chest not breaking my eye contact with the doctor. "So you're telling me that with the heart transplant, it can cost more three hundred thousand?" "Exactly sir." Napasulyap naman ako kay Jewel na nangingilid na ang luha. Ang kuya naman n'ya ay nakatiim bagang lang. Huminga ako ng malalim. "Okay. Ihanda n'yo ang pasyente at ililipat namin s'ya ng ospital." "What?" bulalas ni Joward. "Hindi ba mas magiging kritikal ang buhay ng ama namin? Saka bakit ka ba nakikialam!" Binigyan ko naman s'ya ng malamig na titig. "Do you have other choice? I bet this hospital doesn't have enough equipment for your father's operation. Baka wala din silang heart donor." "Roie—" "Gusto mo ba'ng humaba pa ang buhay ng papa mo?" putol ko kay Jewel. "Oo pero—" "Then don't stop me," muli ay binalingan ko ang doktor. "Prepare the patient, siguro naman ay kaya n'yong pahabain ang buhay n'ya kahit limang oras lang." "We can do that. Pero saang ospital n'yo ba s'ya balak ilipat?" "Sa Do-Yun Medical City." "Sa Do-Yun?!!" they shouted in unison.                             Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD