CHAPTER 3
Jewel's POV
HALOS malaglag ang aking panga nang tingalain ko ang napakataas na building sa harapan ko. Maganda at mukhang sosyal ang disensyo non kumpara sa mga katabing building. Bago tuluyang kainin ako ng pagkabano ay hinagilap ko agad ang aking cellphone saka tinawagan si Grace.
"Ano na naman ba," sagot n'ya mula sa kabilang linya. "Natutulog ako!"
Kapag ganitong oras kasi ay natutulog s'ya. Sa nature ng trabaho n'ya, gising s'ya sa gabi at tulog naman sa umaga. Kaya hindi ko s'ya maintindihan kung bakit ngayon sya nagset-up ng meeting para sa ahente ng kotse gayung pwede naman n'ya gawin iyon sa araw ng off n'ya.
Ako pa tuloy ang naistorbo.
"Nandito na kasi ako sa address na sinabi mo sa akin," sagot ko habang lumilinga sa paligid. "Sure ka ba na dito ang meet up namin ng ahente ng kotse na kukuhanin mo?"
Narinig ko ang sunod-sunod n'yang paghikab. "Tama ang address na ibinigay ko sa iyo, bakit mo ba itinatanong?"
Tiningnan ko naman ang mga tao na naglalakad sa paligid ko, pati na din ang mga sasakyan na nakaparada.
"Para kasing mali ang lugar eh," naglakad ako papunta sa gilid ng entrance. "Para kasi akong nasa technopark, private road ang dinaanan kanina ng taxi na sinakyan ko. Tapos puro buildings ang nandito."
Sino namang ahente ng kotse ang makikipagkita sa ganitong klase ng lugar. The place is shouting wealth and luxury! Para akong nasa gitna ng mga mamahaling malls and buildings at ang mga narito ay puro mga sosyal na tao.
"Ipagtanong mo na lang kung saan 'yung restaurant, tama naman ang address na ibinigay sa akin."
"Pero—"
"Sige na Jewel," humikab ulit s'ya. "Matutulog na ako, balitaan mo na lang ako."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang aking cellphone. She ended the call! Gusto kong pumadyak sa inis.
Huminga ako ng malalim saka sumulyap sa guard na nakatayo malapit sa entrance ng building. Inayos ko muna ang strap ng luma kong bag sa aking balikat saka humakbang palapit sa guwardya.
"G-good afternoon sir," naiilang kong bungad. "Saan po ba banda dito ang Blue Coral Diners?"
Mas lalo akong nailang nang tingnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Siguro ay iniisip n'ya kung anong ginagawa ng katulad ko sa ganito kasosyal na lugar. Muli ay napabuntong hininga ako saka pasimple na inayos ang laylayan ng aking suot na blouse.
"May reservations po ba kayo dito Ma'am?"
Tumango naman ako. "May imi-meet po ako."
Nagulat naman ako nang buksan n'ya ang malaking pinto na tila nababalutan ng ginto. Mahihiya ka din hawakan ang salamin dahil sa sobrang linis. Dito pala ang restaurant na sinasabi ni Grace.
"Dumiretso po kayo sa receptionist," itinuro n'ya ang magandang lamesa sa loob. "S'ya ang magtuturo kung saang floor ang Blue Coral."
Nagtataka man ay naglakad ako papasok. Agad kong naramdaman ang malamig na buga ng aircon. Luminga-linga ako sa paligid, talagang masasabi ko na pangmayaman ang lugar na ito. Mula sa napakalaking chandelier na nasa itaas, sa kulay gintong paligid at sa mga dekorasyon dito ay nagsusumigaw na mamahalin.
Ang ipinagsasalamat ko na lang ay kakaunti lang ang mga tao dito. Walang makakapansin sa akin na malayo ang hitsura sa kanila. Lumapit ako sa receptionist na busy sa computer. Tila hindi n'ya agad napansin na nakatayo ako sa harapan n'ya kaya tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon.
"Yes?" taas kilay na sabi n'ya.
Tiningnan ko ang kanyang nameplate. "Hi Amber, may reservation ako sa Blue Coral, dito ba iyon?"
"Dito nga iyon."
Lalo akong nagtaka. Milyon ba ang halaga ng kotse na kukunin ni Grace at sa ganito pang lugar ang meet up.
"Akala ko kasi ay five star hotel ito," wala sa loob na bulong ko habang nagmamasid sa paligid.
"This is a private building miss, not a hotel."
Maang na napasulyap ulit ako sa receptionist. Halata sa mukha n'ya na minamata ako. Porke ba mukhang mumurahin ang suot ko? Aba, mahal kaya ito!
Pinilit ko na lang ngumiti kahit na gusto ko s'yang bulyawan. Hindi ko kasi nagustuhan ang attitude n'ya bilang receptionist, wala man lang s'yang galang sa guest.
"Sino po ang ka-meet n'yo sa Blue Coral?" aniya na binalingan ang computer sa harap.
"Si Mr. R."
Napansin ko na natigilan sya sa pagtipa sa keyboard saka muling sumulyap sa akin na ipinagtaka ko.
"May problema ba?" tanong ko.
Nagkamali ba ako ng napuntahan? Aish! Sinasabi ko na nga ba. Saka private building daw ang lugar na ito, siguradong mali nga ang address na ibinigay ni Grace!
"Pakiulit nga po ang pangalan ng ka-meet up n'yo?" saad ni Amber.
"Mr. R?" maging ako ay hindi na sigurado. "Mali ba ang lugar na napuntahan ko?"
Umiling naman s'ya. Muli ay binalingan n'ya ang computer. "Ano po ang pangalan n'yo?"
"Jewel Kim."
Muli ay bumaling s'ya sa computer. Matyaga naman akong naghintay.
"I need a valid ID," sabi n'ya maya-maya.
Mabilis na dinukot ko ang aking waller mula sa aking bag saka kumuha ng ID. Grabe naman dito, pupunta lang sa restaurant kailangan talaga i-verify ang identity? Makalipas ang ilang sandali ay ibinalik n'ya sa akin ang ID. Pagkatapos ay dinampot n'ya ang telepono na nasa gilid.
"Miss Jewel Kim has arrived, should I send her in?" narinig kong saad ni Amber sa kausap.
Pasimple naman akong umusod palapit para makinig.
"Okay, I'll send her."
Mabilis akong nagkunwari na tumitingin sa paligid nang bumaling muli sa akin si Amber.
"One of the securities will assist you," itinuro n'ya ang papalapit na lalaki na naka-tuxedo. "He will assist you to the Blue Coral Diners."
Tama ba ang narinig ko? Ihahatid pa ako ng security? Kung titingnan ay parang tauhan ng presidente ang lalaking kadarating lang. Saka bakit may maghahatid pa sa akin? Mukha ba akong kawatan at takot silang manakawan ng gamit? As if.
"This way Ma'am," iginiya n'ya ako palapit sa elevator.
We entered the elevator and I saw him pressed the 30th button. Ganoon kalayo ang restaurant?! Binalingan ko naman ang lalaking tahimik na nakatayo sa aking tabi. Para s'yang robot na hindi kumikilos, diretso lang din ang tingin n'ya sa harapan.
"Madalas ba dito i-meet ni Mr. R ang mga bebentahan n'ya ng kotse?" nakangiti kong tanong.
Ngunit hindi man lang s'ya sumagot. Nanulis ang aking nguso dahil parang wala s'yang narinig. Pati ba naman securities dito ay matapobre din. Naiinip na tumingala ako para tingnan ang numero ng floor sa screen. Matagal-tagal pa ang ipaghihintay ko. Nararamdaman ko na nangangawit na ang aking binti. Pasimple akong yumuko para pisil-pisilin iyon.
Sakto naman na nagbukas ang pinto. Mabilis pa sa alas kwatro na napatuwid ako ng tayo. Kagaya kanina, walang imik na naglakad palabas ang kasama ko kaya sumunod na lang ako. Isang malawak na pasilyo ang bumungad sa akin. Kung ikukumpara ito sa reception area, sa tingin ko ay mas mamahalin ang mga dekorasyon dito.
"Ito ang papasok sa restaurant, hanggang dito na lang ako," saad ng lalaki saka binuksan ang malaking pinto na yari sa kahoy.
Mas humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag saka humakbang papasok. Madaming lamesa ang aking nakita, habang sa 'di kalayuan ay may fountain pa.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong restaurant ah!
Hindi ko mapigilan na humanga sa interior design. Mukhang bigtime ang car dealer na ka-meet sana ni Grace.
"Good afternoon Miss Kim."
Kamuntikan na akong mapatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Nang tingnan ko ay isang babae pala iyon na nakasuot ng puting uniporme. Sa tingin ko ay isa s'ya sa mga chef dito.
"Ginulat mo naman ako ate!"
Ngumiti naman s'ya. "Pasensya na po. Anyway, kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. R."
She ushered me towards to another door. Nang buksan n'ya iyon ay bumungad naman sa akin ang isang silid na may dim light. Iisa lang din ang lamesa na naroon. Mas lalo akong nagtaka, para kasing napaka-romantic ng set up ng lugar. Hindi naman ako nagparito para makipag-date.
Naguguluhang binalingan ko ang babae na nasa tabihan ko. "Dito ba talaga iyon ate?"
"Yes ma'am," itinuro n'ya ang nakatalikod na lalaki. "That's Mr. R."
Ngayon ko lang napansin na may lalaki pala na nakatayo sa gilid ng bintana at nakatanaw sa labas. Halos mapanganga ako nang mapagmasdan ko ang kasuutan n'ya, he's wearing a formal attire that looks so expensive.
"I'll leave you now," paalam ng babae saka umalis.
Nagkibit-balikat na lang ako. Humakbang na ako papasok. Kaagad kong naamoy ang mabangong halimuyak ng mga pagkain na naroon. Halos maglaway ako nang makalapit ako sa lamesa. Puno iyon ng mga pagkain, mula sa appetiser hanggang desserts! May chocolate fountain pa sa gilid ng lamesa.
Binalingan ko ulit ang lalaki na nasa 'di kalayuan. Mukhang hindi pa din n'ya namamalayan ang aking presensya.
"Good afternoon, I'm looking for Mr. R?" saad ko.
Tila slowmo na humarap ang lalaki sa gawi ko. Literal na napanganga ako nang makita ko kung gaano s'ya kagwapo. Ang linis at ang bango n'ya pang tingnan! Maihahalintulad na s'ya sa mga gwapong modelo at aktor sa ibang bansa. Sayang naman ang mukha n'ya kung magiging car dealer lang s'ya.
Napalunok naman ako nang humakbang s'ya palapit. Para pa din slowmo ang mga nangyayari. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang pinapanood s'ya. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng poging lalaki pero may kung ano akong naramdaman. Teka, parang nakita ko na s'ya. Hindi ko lang maalala kung saan.
"Are you done checking me out?" maging ang boses n'ya ay nakakaakit.
Napakurap naman ako. Pasimple ko din hinawakan ang gilid ng aking labi, wala namang laway na tumulo.
"I-ikaw ba si Mr. R?" paninigurado ko.
Ngayon lang kasi ako nakakita ng ahente ng sasakyan na ganito manamit. Para s'yang businessman mula sa mga napapanood kong movies at korean drama.
"Ako nga," seryoso n'yang sagot. "Are you Jewel Kim?"
"Ako nga. Ako iyong pinakiusapan ni Grace na pumunta dito. Pasensya ka na, medyo busy kasi ang kaibigan ko kaya hindi s'ya makakapunta—"
"Wait a second. Sino'ng Grace?"
Natigilan naman ako sa tanong n'ya. "S-si Grace, iyong kausap mo na kukuha ng hulugang kotse?"
Kumunot naman ang kanyang noo. "I'm not selling car."
Para akong pinasabugan ng kanyon. Bigla kong naalala ang kakaibang kinikilos ni Grace nang pakiusapan n'ya ako tungkol sa pabor na ito.
Sinasabi ko na at may kalokohan na naman na pinaplano ang babaeng iyon!
Awkward na ngumiti ako sa aking kaharap. "M-Mali nga yata ang aking napuntahan."
"But you told me that you're Jewel Kim."
Naguguluhang tumango naman ako. Napakamot din ako sa aking batok dahil naiilang ako sa mga titig n'ya. Bakit ba ganito s'ya tumitig? Nahulog na ba s'ya sa kagandahan ko. Katulad s'ya ng receptionist, tinitigan din n'ya ako mula ulo hanggang paa.
"Look at this," dinampot n'ya ang isang brown envelope na nakapatong sa mesa. "Read what's inside it."
Walang imik na kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay. Sinulyapan ko muna s'ya saka ko kinuha ang laman n'on. Nangunot agad ang aking noo nang makita ko ang aking picture doon.
"B-bakit may picture ako dito?"
"Hindi mo ba alam ang nangyayari o nagtatanga-tangahan ka lang?"
Hindi ko inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon mula sa bibig n'ya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang salita na lumabas doon.
"It looks like you're friend set you up. This is a date Miss Kim, or should I say blind date, on your situation."
Humanda ka sa akin Grace!
Inayos ko muli ang strap ng bag ko sa aking balikat saka huminga ng malalim. "I guess there's mistake here Mr. R, hindi ako aware sa blind date na ito. Pasensya na kayo, kakausapin ko na lang si—"
"Ikaw ito 'di ba?" ipinakita n'ya sa akin ang kanyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na may profile ako sa isang dating app!
"H-hindi ko alam ang tungkol—"
"Since you're here, bakit hindi na lang tayo kumain. Naniniwala ako na hindi ka aware sa date na ito, but I won't let you go without eating lunch with me."
"Pero—"
"Have a seat Miss Kim," putol n'ya muli saka naupo. "I have a lot of questions."
"Hindi ako nagugutom," tanggi ko pa din.
Gusto ko nang umuwi sa apartment at sabunutan si Grace. Pero hindi nakisama ang sikmura ko, lumikha iyon ng malakas na tunog. Nahihiyang napasulyap ako sa lalaking nagngangalang Mr. R.
"Hindi ka gutom?" natatawa n'yang saad. "I can already say that you're not just an ordinary girl."
"H-hindi talaga ako nagugutom," tanggi ko pa din.
"Maupo ka na Miss Kim, mahal ang mga pagkain na ipinahanda ko. Kung hindi ka kakain, ikaw ang pagbabayarin ko ng mga ito."
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Tinaasan lang naman n'ya ako ng kilay na tila hinihintay ang sunod kong sasabihin.
I sigh.
"Okay," mabilis akong naupo sa kabilang upuan. "Wala akong pera kaya kakain na lang ako."
Hindi naman nakaligtas sa akin ang ngiti n'ya bago bumaling sa mga pagkain.
Ipagpapatuloy...