CHAPTER 04

1772 Words
CHAPTER 4 NAIILANG man ay nagsimula na akong sumandok ng pagkain sa aking harapan. Halos mapuno ang aking pinggan dahil gusto ko matikman lahat ng nakahain. Minsan lang ako makakain ng masarap, lulubusin ko na. Mamaya ko na lang bubulyawan si Grace sa kalokohang naisip n'ya. "Ilang taon ka na nga ulit?" narinig kong tanong n'ya. Nabitin naman ang pagsubo ko. Binalingan ko s'ya. "I'm twenty four." Akmang susubo ulit ako nang magsalita na naman s'ya. "Ano'ng ikinabubuhay ng pamilya mo?" Anak naman ng tinapa! Wala ba s'yang balak na pakainin muna ako? Ibinaba ko na lang ang hawak kong kutsara saka muling bumaling sa kanya. "Job interview ba ito?" tanong ko saka sinalubong ang mapanuri n'yang mata. Pinanood ko na nagsalin s'ya ng pulang likido sa isang baso. Hindi ko mapigilang mapaisimid. Pati pagsasalin ng inumin ay pino ang kanyang kilos. Binalingan ko naman ang baso ng tubig na nasa tabi ko. Bakit tubig lang? "Pwede mong sabihin na isa nga itong job interview." "Ang akala ko kasi ay isa itong date," dinampot ko ang baso ng tubig. "Iyon kasi ang sinabi mo kanina." Para na namang nanunuri na tumitig sa akin ang singkit at mapungay n'yang mata. Pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan kaya mabilis na ininom ko ang tubig. "I'm looking for a wife." Sa gulat sa kanyang sinabi ay naibuga ko ang aking iniinom. Napangiwi din ako sa sakit dahil pumasok pa yata ang tubig sa aking ilong. "Naghahanap ka ng asawa?!" bulalas ko na walang pakialam sa hitsura ko. Siguradong tumutulo ang tubig sa aking bibig at ilong. Ngumiti lang naman s'ya. Doon ko lang napansin ang malalalim na dimples sa magkabila n'yang pisngi. Mayroon talagang tao na pinagpala pagdating sa hitsura, unfortunately hindi ako kasama doon. Nasaan ang hustisya?! "May nakakagulat ba doon?" nakataas ang kilay na saad n'ya saka marahang naghiwa ng steak sa kanyang plato. "It is stated on my profile." "In case na nakalimutan mo Mr. R—" "My name is Roie Lee." Kamuntikan na akong mapairap. Hindi naman mahalaga sa akin ang pangalan n'ya dahil hindi ako interesado na mas malaman pa ang kanyang pagkatao. "In case na nakalimutan mo," ulit ko. "Hindi ako ang gumawa ng dating profile na nakita mo. Ang kaibigan ko ang nagplano ng lahat ng ito kaya huwag ka nang mag-abala na magpaliwanag pa sa akin." "But you're here." Natawa naman ako. Hindi n'ya pa din ba maintindihan. "Ang akala ko kasi ay kukuha ng kotse ang kaibigan ko at pinakiusapan n'ya ako na pumunta dito." Hindi nakaligtas sa akin ang matipid n'yang ngiti bago ibinaba ang hawak na kubyertos. "Do I look like a car dealer to you?" Hindi. Gusto kong isagot. Mukha s'yang mamahalin para maging ahente ng sasakyan. "Oo." iba ang lumabas sa aking bibig. Inaasahan ko na maggre-react sya o kaya naman ay magagalit sa lantaran kong panlalait sa kanya ngunit ngumiti lang s'ya na tila hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ba s'ya na-offend sa sinabi ko? "Ngayon lang ako nakakilala ng babae na ang tingin sa akin ay tindero ng sasakyan," natatawa n'yang saad saka muling uminom ng wine. "I must admit, you really caught my attention." Iyon ang bagay na ayaw kong mangyari. Ayokong makuha ang atensyon ng sinuman. Given na nag-uumapaw s'ya sa kagwapuhan, pero kabaligtaran naman ang kanyang ugali. Mabilis s'yang mabasa, sa tingin ko ay isa s'yang matapobreng tao sa kilos at pananalita. Binalingan ko na lang ang pagkain sa plato ko. Bago pa s'ya magsalita muli ay mabilis na sumubo na ako, sunod-sunod. Wala na akong pakialam kahit sabihin n'ya pang patay gutom ako, s'ya naman ang nagsabi na kumain ako eh. "Ano nga ulit ang kabuhayan ng pamilya mo?" narinig kong tanong na naman n'ya. "May lupa kami sa probinsya," tipid kong sagot. "Haciendero ang magulang mo? Ranchero? Tell me." Naguguluhan na bumaling muli ako sa kanya. "Bakit mo ba itinatanong?" "I'm curious." Iyon lang? Curious lang s'ya? Kung makapagtanong s'ya ay para kaming magtropa ah. Umiling na lang ako. "Magsasaka ang ama ko. Ang nanay ko naman ay mananahi, may kuya ako na teacher sa isang public school. Masaya ka na?" Napansin ko naman na napailing s'ya saka bumaling ulit sa kinakain. "You didn't qualify." "Saan?" "Sa standard ko sa magiging asawa ko." Doon na ako napatawa. Napahawak pa ako sa aking tyan dahil sumasakit na iyon sa pagtawa ko. May saltik yata itong kasama ko, akala ko ay joke lang iyong paghahanap n'ya ng asawa. "Mr. R," saad ko na ngayon ay seryoso na. "Hindi ako nagparito para mag-apply na asawa mo." "Is that so? That's good to hear. Dahil hindi naman ako papatol sa mahirap na babae." Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi n'ya. Did he just said that? Tama nga ang iniisip ko, sa likod ng gwapo n'yang mukha ay nakatago naman ang masamang ugali. Hindi makapaniwalang natawa ako saka ibinaba ang hawak kong kubyertos. "Normal lang ba sa'yo ang magsalita ng ganyan?" "Ang alin?" clueless ang kanyang mukha. "Iyang ganyan. Sinabi mong mahirap ako kanina." "Totoo naman ang sinabi ko 'di ba?" Hindi talaga ako makapaniwala na may tao palang ganito magsalita. Hindi man lang ba n'ya naisip na nakakasakit na ang mga sinasabi n'ya? Padabog na sumandal ako sa aking upuan saka humalukipkip. "Alam mo, para sa katulad mong mukhang mayaman at may hitsura, napakabaho ng ugali mo." Doon ko lang nakuha ang reaksyon na kanina ko pa gustong makita. Kumunot ang kanyang noo saka nagbaba din ng hawak na kubyertos. Nagtagisan kami ng titig, akala yata n'ya ay natatakot ako sa kanya. "Alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang nakakaawa," pagpapatuloy ko. "Sino'ng matinong lalaki ang basta-basta na lang makikipag-blind date para humanap ng mapapangasawa?" "Sa ilalim ka ba ng bato nakatira at hindi mo alam ang salitang convenience marriage?" Hindi makapaniwalang bumuga ako ng hangin. Mas lalo akong hindi natutuwa sa mga sinasabi n'ya. "Ang kasal at pag-aasawa ay sagradong kasunduan. Kailangan ay may pagmamahalan sa isang lalaki at babae bago magpakasal. Pero para sa'yo ay isa lang itong convenience? Nasisiraan ka ba ng ulo?" "Ikaw ang nasisiraan ng ulo," malamig n'yang tugon. "Love doesn't exist, and I don't need that bullshit to marry someone. It will just make your life complicated." Ganoon ang kanyang paniniwala? Nakakaawa ang pakakasalan n'ya kapag nagkataon. Masisiraan lang s'ya ng bait kapag nakasama n'ya ang lalaking ito. "Good luck sa paghahanap ng mapapangasawa mo," tumayo na ako at hinagilap ang aking lumang bag sa sahig. "Sana ay makahanap ka ng babae na papayag d'yan sa gusto mo." "Saan ka pupunta?" tumayo din s'ya. "Aalis na. Wala namang dahilan na magtagal pa ako dito." baka masaksak lang kita ng tinidor. "Hindi mo pa natitikman ang desserts na ipinahanda ko." Sinulyapan ko naman ang black forest cake na nasa harapan ko. Isang sulyap ang ibinigay ko sa kanya bago ko dinampot ang tinidor saka pumiraso ng cake. Nakatatlong subo na ako nang muli akong bumaling sa kanya. "Masyadong matabang ang cake mo," kumento ko kahit hindi totoo. "Mukhang kailangan mong humanap ng mas skilled na pastry chef." "I don't like sweets." "Kaya pala," bulong ko. "Ipapahatid na kita," saad ulit n'ya. Hindi ako makapaniwala na nag-alok s'ya na ipahatid ako. Matapos n'ya akong laitin ng sagad sa buto, mag-o-offer s'ya ng ganito? Nakita ko na nagkibit-balikat s'ya saka dumukot ng cellphone sa bulsa. "Consider this as charity. Mahal ang taxi mula dito papalabas sa main road. Ayoko naman na may masabi ka sa akin na masama." Hanga na talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba s'ya. Sayang, gwapo pa naman s'ya at talagang boyfriend material pero saksakan naman ng sama ng ugali. Bahagya akong napailing sa aking naisip. Bakit ko ba pinupuri ang lalaking ito? Hindi lang naman s'ya ang gwapo sa mundo, madami pang mas gwapo sa kanya at mabait pa. Katulad ni Alex. "Huwag ka nang mag-abala," pigil ko saka naglakad palapit sa pinto. "May pera ako at hindi ko kailangan ng charity mo." Mukha naman s'yang nagulat sa sinabi ko. Nabitin sa ere ang kanyang kamay na may hawak na cellphone. I mentally smirked, siguradong ngayon nga lang s'ya nakakita ng babae na tumanggi sa pesteng charity n'ya. Taas noong lumabas ako ng naturang kwarto. Paglabas ko ng Blue Coral Diner ay nakita ko muli ang lalaking naka-tuxedo na nakatayo lang sa gilid. "Hinihintay mo ako?" tanong ko. Tumango lang naman s'ya. Nagpatiuna na lang ako papunta sa elevator. Hindi mawala sa loob ko ang ngitngit na kanina ko pa nararamdaman. Ngayon lang kasi ako nakakilala ng lalaki na ganoon kayabang at kataas ang tingin sa kanyang sarili. I scoffed. "Mr. R? Napakayabang n'ya," nagngingitngit kong bulong. "Ang kapal ng mukha na laiitin ang pamilya ko? Sabihan daw akong mahirap? Ang sarap n'yang tusukin ng tinidor sa mata!" Napansin ko naman na napasulyap sa akin ang lalaki sa aking gilid. Wala na akong pakialam kahit marinig n'ya ang sinabi ko. Hindi talaga ako natutuwa sa nangyari! Nagbukas ang pinto ng elevator, nagpatiuna ulit ako. "Matagal ka na ba dito?" tanong ko sa lalaki. He pressed the button before answering. "I've been working for Mr. R for five years." "Mr. R talaga ang tawag n'yo sa kumag na iyon?" natatawa kong saad. "Alam mo, napakayabang ng lalaking iyon! Akala mo ay kung sinong mayaman porke nakapag-book s'ya sa restaurant na iyon!" "S'ya ang nagmamay-ari ng building na ito Ma'am." Kamuntikan na akong mapanganga sa sinabi n'ya. Idinaan ko sa pag-irap ang gulat na aking nadama. "S'ya pala ang may-ari ng building na ito," saad ko. "Kaya pala masyado s'yang ma-ere." "Ito ang bahay n'ya, ang mga building na nasa paligid nito ay pag-aari din n'ya at pati ang mga negosyo na narito." Nasamid ako sa sinabi n'ya. Bahay ng mayabang na iyon ang building na ito? Ganoon ba s'ya kayaman at walang mapaglagyan ng pera kaya pati building ay ginawa na n'yang bahay? Inayos ko ang aking buhok. Hindi ko kailangang ipahalata na kahit papaano ay humanga ako sa angking yaman ng Mr. R na iyon. "Sana lang hindi na magtagpo ang aming landas," bulong ko. "Hindi ko na masisikmura ang kagaspangan ng ugali n'ya." Bigla naman bumalik sa aking alaala ang tila slowmo na pagharap n'ya sa akin kanina. Hindi ko man gustuhin ay tumatak sa aking utak ang kanyang kabuuan. Mula sa mahaba at bahagyang magulo na buhok, sa makakapal n'yang kilay, matangos na ilong, mapungay na mata at mapupulang labi. Maiinggit ka din sa kinis at puti ng kanyang balat na para ba'ng sa gatas s'ya naliligo. Sa pananamit naman ay wala din maipipintas sa kanya. Wala akong alam sa mga mamahaling damit pero masasabi kong hindi basta-basta ang kanyang suot. Sayang talaga, kung hindi masama ang ugali ng Mr. R na iyon ay baka naging crush ko na s'ya. Natigilan naman ako sa aking naisip. Saan nanggaling iyon? Umiling ako, nababaliw na yata ako. Kahit maubos ang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon. Bumalik na naman sa alaala ko ang mapupungay n'yang mata na kulay tsokolate na tila tagusan kung tumitig. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib dahil naramdaman ko ang malakas at mabilis na pagkabog ng aking puso. Iwinaksi ko na lang sa aking utak ang imahe ni Mr. R. Hindi ko dapat isipin ang taong iyon, para saan pa? Hindi na naman magtatagpo ang aming mga landas. Salamat na lang sa kanya dahil nakalibre ako ng pagkain ngayon. Pamasahe na lang pauwi ang aking iisipin.                            Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD