CHAPTER 5
PADABOG na binuksan ko ang pinto ng apartment nang makarating ako. Nanlilisik ang mga matang binalingan ko si Grace na prenteng nakaupo lang sa sofa habang nanonood ng TV.
"Kamusta?" nakangiting salubong n'ya.
"How dare you!" itinapon ko sa kung saan ang aking bag saka nagmartsa palapit sa kanya. "Ang sabi mo ay ahente ng kotse ang tatagpuin ko!"
Lalo akong nabwisit nang tinawanan n'ya lang ako. Dumampot pa s'ya ng pagkain sa lamesa saka inabot sa akin.
"Huwag ka nang magalit," nagpapa-cute na saad n'ya. "Alam ko kasing hindi ka pupunta kapag sinabi ko sa'yo ang totoo."
Dumampot naman ako ng unan saka ibinato iyon sa kanya. Muli ay tinawanan n'ya lang ako. Naiinis na sumalampak na lang ako sa sahig saka hinablot ang balot ng chicharon sa maliit na lamesa.
"I told you already, hindi ako interesado makipag-date."
"Ito naman, para blind date lang akala mo ay nawalan ng virginity."
Nanlilisik ang mga mata na sinulyapan ko s'ya. Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ang ulo ko at hindi ako natutuwa sa biro n'ya.
"Bakit parang sinabunutan ka ng sampung bakla?" puna n'ya. "Don't tell me—"
"Hep!" itinaas ko ang aking palad para putulin ang sinasabi n'ya. "Una sa lahat, hindi ako easy to get!"
Napanguso lang ang bruha. Huminga na lang ako ng malalim saka inumpisahang kainin ang hawak kong chicharon. Nabalewala ang kinain ko sa Blue Coral dahil nagugutom na naman ako. Sana pala ay tinanggap ko na lang ang alok ni Mr. R na ipahatid ako. Hindi ko akalain na napakamahal nga ng pamasahe papalabas ng private property na iyon. Naglakad tuloy ako hanggang main road.
"Kwento mo naman ang nangyari," ani Grace. "Gwapo ba si Mr. R?"
Napairap ako sa tanong n'ya. "Oo, gwapo."
Tumili naman s'ya ng napakalakas, kulang na lang ay takpan ko ang aking tainga. Dumampot ulit ako ng unan saka inihampas iyon sa kanyang mukha.
"Ang ingay mo!"
"Grabe ka naman," napanguso ulit s'ya. "Hampasin daw ako ng unan sa mukha."
"Hindi ako natutuwa sa nangyari, kaya madadamay ka talaga!"
"Bakit naman bad mood ang maganda kong best friend?"
Psh.
"Ang sabi mo gwapings naman ang naka-meet mong ahente ng sasakyan," natatawa pa n'yang dugtong na tila nang-aasar.
"Masama ang ugali," sasabihin ko na lang sa kanya ang buong pangyayari nang matahimik na ang kaluluwa n'ya. "Matapobre, feelingero at walang modo."
"Woah! Grabe ka naman manlait."
"Totoo naman!" sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon ay kumukulo na agad ang dugo ko. "Kung naroon ka, baka ma-trigger ka din."
"Ano ba'ng nangyari?"
Ikinwento ko ang buong pangyayari. Mula sa matapobreng receptionist hanggang sa paghaharap namin ng Mr. R na iyon. Nakakapanginig talaga ng laman, sana pala ay natusok ko man lang s'ya ng tinidor dahil sa panlalait n'ya sa akin!
Sa gulat ko ay tumawa naman ng napakalakas si Grace with matching hampas pa sa akin. Ano'ng nakakatawa sa nangyari? Hindi man lang ba s'ya nainis sa inasta ng lalaking iyon?
"Susungalngalin kita ng chicharon kapag hindi ka pa tumigil sa pagtawa!" banta ko.
Mabilis naman s'yang tumigil, ngunit hindi pa din mabura sa kanyang mukha ang ngiti.
"Parang ang hirap naman kasi paniwalaan na ganoon ang attitude ni Mr. R." kumento n'ya.
I rolled my eyes. Kahit ako ay hindi din makapaniwala na may ganoon palang klase ng tao.
"Tigilan mo na nga ang drama friend," mahina n'ya pa akong siniko. "Normal lang ang ganoon sa mayayaman."
"Hindi lahat ng mayaman ay kagaya n'ya. May ilan din na mabait."
"At hindi din lahat ng mayaman ay mabait, kaya kiber lang. Ang sabi mo nga ay gwapo, pabaitin mo na lang."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko s'ya. Ibinubugaw n'ya ba ang sariling kaibigan? Kung ang lalaki iyon din lang ang irereto n'ya sa akin, magpapakatandang dalaga na lang ako.
"Nakakainis din ang pananaw n'ya sa buhay," saad ko muli. "Isinampal n'ya sa mukha ko na hindi s'ya naniniwala sa pag-ibig! Doon pa lang, ekis na s'ya sa akin kahit mabait pa s'ya."
Nakita ko naman na tumayo s'ya at nagtungo sa mini ref. Pagbalik n'ya ay may bitbit na s'yang dalawang bote ng softdrinks.
"Inumin mo," inabot n'ya ang isa sa akin. "Nang lumamig naman ang ulo mo."
Kaagad ko iyong kinuha saka tinungga. Ngayon ko lang din naramdaman ang matinding uhaw sa layo ng nilakad ko kanina. Hindi na ako babalik sa lugar na iyon!
"Anyway," naupo na din s'ya sa sahig. "Paano mo naman nasabi na hindi s'ya naniniwala sa love?"
"S'ya mismo ang nagsabi sa akin! Sinabi din n'ya na naghahanap s'ya ng mapapangasawa, iyong asawa sa papel lang!"
"Hmm, baka naman may past si Mr. R kaya ganoon na ang paniniwala n'ya."
Napaismid naman ako. "Imposible. Sa yabang n'ya, walang magkakagusto sa kanya."
"Huwag mo naman i-jugde agad iyong tao. Malay mo nga, may nakaraan s'ya at nadala n'ya iyon hanggang pagtanda."
Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "Kanino ka ba kampi? Saka tigilan mo nga ang pagtatanggol sa lalaking hindi mo naman nakaharap. Basta, hindi ko s'ya gusto. At tigilan mo na ang paghahanap ng boyfriend para sa akin."
"I'm just trying to help."
"Help? Kamuntikan na akong makapanakit kanina Grace." kung hindi ko natantya ang ugali ng kumag na iyon, baka sa ospital s'ya pinulot.
Ang ending, sa presinto ako pupulutin.
"Hindi ko alam kung dapat ko pa ba'ng sabihin ito sa'yo," naging seryoso naman ang kanyang mukha. "Ito din ang dahilan kung bakit pinipilit kita na humanap ng magiging boyfriend."
Humarap ako sa kanya. "Ano naman iyon, aber?"
Hindi s'ya umimik. Bagkus ay tumayo s'ya at pumasok sa kwarto namin. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas muli s'ya na may dalang maliit na envelope.
"Ano naman iyan?" usisa ko.
Iniabot n'ya sa akin ang naturang envelope. Nakita ko na pangalan ko ang nakasulat sa harapan. I looked at her with a confuse look before opening the envelope.
Alexis Gomez and Trixie Shawn Nuptials
Bigla ang pagdaan ng kirot sa dibdib ko sa nabasa. Pangalan ni Alex ang naroon! Lumunok ako at pasimpleng ipinatong iyon sa lamesa saka bumaling kay Grace.
"Ano ito?" tanong ko.
"Kasi," she looked down. "Alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa din si Alex, at alam ko din na hindi ka matutuwa kapag nalaman mong ikakasal na s'ya sa babaeng ipinalit n'ya sa'yo. Tingnan mo at nakuha ka pa n'yang imbitahan matapos ka n'yang lokohin!"
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. Pinilit kong magmukhang okay kahit pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng mundo.
Wala na talaga kaming second chance ni Alex.
"Hindi ka dapat mag-alala sa akin Grace," I smiled. "Naka-move on na ako kay Alex, we're just friends. Kaya nga siguro nagpadala s'ya ng invitation letter, 'tapos itinago mo naman."
Seryoso pa din s' yang nakatitig sa akin na tila hindi naniniwala sa mga sinabi ko. Ramdam ko naman ang mainit na likido na tumulo sa pisngi ko na mabilis ko agad pinahid.
"J-jewel." she look worried.
Muli ay nagpakawala ako ng pekeng ngiti. "Saka hindi naman n'ya ako niloko. It was a mutual decision to end our three years relationship. Break na kami ng pumasok sa eksena si Trixie."
Kung may award ang pagiging sinungaling, baka nakakuha na ako. Hindi naman kasi totoo na hiwalay na kami ni Alex nang maging sila ni Trixie. Sabihin na lang natin na nasa kalagitnaan kami ng pag-ayos ng aming relasyon nang makilala n'ya ang babaeng iyon.
"Kailan ba ito?" dinampot ko ulit ang invitation letter. "Sa isang buwan na pala, kailangan mong mag-file ng leave dahil a-attend tayo ng kasal ni Alex."
"Jewel, hindi mo naman kailangan magpanggap sa harapan ko," she put her hand on my left shoulder. "Nasasaktan ka pa din, bakit ka pa pupunta sa kasal ng gagong iyon?"
"Ano ka ba?" muli ay may pumatak na luha sa aking pisngi. "Magkaibigan na kami ni Alex, besides bago naging kami ay mag-best friends na kami kaya wala akong makitang dahilan para hindi um-attend ng kasal nya."
Narinig ko naman ang malalim n'yang buntong-hininga. "Kung iyan ang gusto mo, aasikasuhin ko ang vacation leave ko sa susunod na buwan."
Isang malungkot na sulyap ulit ang ginawa n'ya saka dinampot ang invitation. "Maghahanda na ako para pumasok. Try not to kill yourself Jewel."
Pagak na natawa ako sa sinabi n'ya. Dumampot ulit ako ng unan saka ibinato sa kanya. "Okay lang ako, sige na maghanda ka na. Mamaya ay may pasok ka pa."
Ramdam ko naman na tila nag-aalangan s'yang umalis. "Go na!" taboy ko ulit.
Nang nakapasok na s'ya sa kwarto ay saka ko lang pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Doon ko lang din napansin na nanginginig pala ang aking mga kamay sa labis na pagpipigil ng emosyon.
Mahinang hinampas ko din ang aking dibdib. "Ano ka ba naman Jewel, ano'ng iniiyak ko d'yan? 'Di ba at inaasahan mo nang ikakasal s'ya sa iba? Bakit ka nasasaktan?"
Naiinis na isinubsob ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Ang totoo n'yan, tama si Grace. Totoong nasaktan ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan si Alex at ang mga pinagsamahan namin. Alex and I basically grew up together. Magkapit bahay lang kami at magkaibigan pa ang mga parents namin. Para kaming magkapatid sa sobrang close namin sa isa't-isa. Not until we reached high school.
Nag-iba ang tingin ko sa kanya. From a brother, he became an attractive man to me. I tried to control my feelings dahil ayaw kong masira ang aming pagkakaibigan pero nagulat na lang ako nang mag-confess s'ya sa akin noong nasa third year high school na kami.
At first, hindi ako makapaniwala na gusto din n'ya ako. It was the happiest day of my life! Naging boyfriend ko ang lalaking halos kilala ko na mula ulo hanggang paa. Boto din sa kanya ang parents ko, to the point na nagbibiruan na sila ng magulang ni Alex na magbalae na sila. But everything changed when we reach college. Mas naging mahirap para sa amin na ibalanse ang pag-aaral at relasyon. We fought every now and then, which I thought is normal para sa matagal ng magkasintahan.
But Trixie came in. She's our campus belle that time, nagkataon pa magkareha sila noong lumaban sila ng pageant. At doon na nagsimulang bumagsak ang aming relasyon. Mas tumindi ang away namin, lalo na kapag nagseselos ako sa tuwing magkasama sila ni Trixie.
Pinilit kong maging okay, lalo na at nakikita ko sila na magkasama sa kabilang bahay. Noong panahon na iyon ay mas tumindi ang insecurities ko dahil tila mas boto ang parents ni Alex kay Trixie. Mula sa mayamang angkan si Trixie at nakatulong ang pamilya nya sa kampanya ng daddy ni Alex bilang mayor.
Akala ko nakalimutan ko na ang lahat. Ang huling balita ko kasi ay nanalo bilang gobernador ang daddy ni Alex at lumipat na sila ng bahay. Pero hindi ko akalain na makakatanggap pa ako ng invitation letter mula sa kanya.
Did he honestly think that I'm fine after all these years?
Tumunghay ako nang marinig ko ang yabag ni Grace. Mabilis ko din pinahid ang aking luha saka inayos ang aking sarili. Sakto din naman na tumunog ang aking lumang cellphone kaya kaagad ko iyong sinagot.
"Hello?" sagot ko.
"Magandang hapon, ito po ba si Miss Jewel Kim?"
I saw Grace walk towards me. Nginitian ko naman s'ya.
"Si Jewel nga po ito."
"Hi, this is Ethan Salvador from Twin Arrow restaurant. I called to inform you that you passed at makakapagsimula ka na sa trabaho bukas."
Namilog ang mga mata ko. Natanggap na ako sa trabaho! Magiging chef na ako!
"Unfortunately, waitress ang available position namin dito," dugtong ng nasa kabilang linya. "Are you okay to work as waitress for the meantime Miss Kim?"
"Opo!" masaya kong saad. Hindi naman ako mapili sa trabaho. Although medyo nalungkot ako dahil wala palang bakante sa chef position.
At least may trabaho na ulit ako.
"Okay, please wait for my secretary's email para sa schedule mo bukas."
"Salamat po sir!"
Nakangiting ibinaba ko sa mesa ang aking cellphone saka bumaling kay Grace na noon ay nagsusuot ng sapatos.
"Good news?" aniya.
Tumango ako. "Tumawag na iyong in-apply-an ko ng trabaho."
"Talaga? Naks, congratulations! Chef ka na."
Napanguso naman ako. "Walang available position para sa chef, kaya for the meantime ay waitress muna ako."
"Okay lang iyan! At least may trabaho ka na, saka malay mo after couple of months ay magkaroon ng available position para sa chef, madali na lang sa'yo mag-apply."
Oo nga naman.
"Aalis na ako, magkikita pa kami ng boyfriend ko," paalam n'ya. "Huwag kang magbibigti dito ha?"
"Sira!" natatawa akong sagot.
Nawala ang ngiti ko nang tuluyang makaalis si Grace. Kahit papaano, nagpapasalamat ako at napakagandang timing ng pagtawag sa akin ng in-apply-an ko. Kahit papaano ay magiging busy ang utak ko. Makakalimutan ko pansamantala ang sakit na dulot ni Alex.
Ipagpapatuloy...