CHAPTER 6
BAKIT ganoon? Hindi ko maalis sa isipan ko ang babaeng iyon? Ilang araw na akong lutang sa opisina dahil patuloy akong ginugulo ng alaala ng Jewel na iyon.
Is there something wrong with my brain? Kailangan ko na ba'ng magpa-check up?
Nagsisimula na nga akong mainis. Kahit matutulog na ako ay bigla na naman susulpot sa utak ko ang imahe ni Jewel. I can't get her out of my mind! Palagi kong naiisip ang maamo n'yang mukha, ang brown at alon-alon n'yang buhok. Pati din ang bilugan n'yang mata, at ang kilos n'ya na parang walang pakialam sa iisipin sa kanya ng ibang tao.
Ano ba'ng nangyayari sa akin?
Dinampot ko ang wine glass sa harapan ko habang iniisip pa din ang babaeng iyon. She's definitely not my type. There's nothing special about her. Masyado s'yang plain tingnan, at hindi s'ya pwedeng ihilera sa mga babaeng nakilala ko.
Isama pa na hindi s'ya mula sa mayamang angkan. Definitely out of my league.
"Roie?"
Napasulyap ako sa babaeng kaharap ko. Aish, nakalimutan kong may ka-date nga pala ako.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Argh! Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi ka naman pala nakikinig!"
Psh. Maliban sa malaki n'yang hinaharap na halos isampal na n'ya sa akin, wala na akong makita na kakaiba sa kanya.
"Anyway," maarte na dumampot s'ya ng tissue saka iyon dinampi sa pulang labi. "I was telling you that my father is about to open a new branch in China."
"What branch?"
Nagsisimula na naman akong mainis sa aking sarili. Sa sobrang lutang ko kanina ay nakalimutan kong basahin ang profile ng babaeng ito na ipinadala pa ni Ethan.
"Hindi ka talaga nakikinig. I already told you, may mga pabrika kami ng branded shoes at ang branch naman na bubuksan namin sa China ay para naman sa bagong item namin."
Gusto kong matawa. I'm dating a daughter of a poor family? Tsk, matatadyakan ko talaga si Ethan.
"I see," sagot ko na lang.
"Ikaw ha," ngumiti naman s'ya na tila nang-aakit. "Napaka-mysterious mo. I can already say that you're my type. Bakit hindi natin i-set ang next date natin para naman mas makilala pa natin ang isa't isa?"
Tumaas naman ang isa kong kilay. Umaasa pa pala s'ya na masusundan ang aming pagkikita. In your wild dreams.
"Tell me Agatha—"
"My name is Angela not Agatha!"
Binalewala ko naman ang sinabi nya. Wala naman kasi akong balak tandaan ang pangalan n'ya.
"Angela," pagtatama ko. "Do you like me?"
Mula sa naiinis na mukha ay napalitan agad iyon ng ngiti. Ngiting nang-aakit.
"Of course Roie. You're handsome, successful and young. Sino ba'ng hindi magkakagusto sa'yo?"
Bakit hindi man lang iyon napansin ng Jewel na iyon? I mentally shooked my head. Bakit s'ya na naman ang naisip ko. I cleared my throat and looked at her again.
"I'm looking for a wife, not a dating partner," diretso kong saad.
"Then we can marry whenever you want! I'm pretty sure that I passed your unique taste."
"So, you're fine even I marry you without any emotions involved?"
"What do you mean?"
Umayos naman ako ng pagkakaupo. This date is starting to bore me. Mabuti na lang at may mamahaling wine na in-order si Agatha, kung wala ay kanina pa ako umalis.
"You know what I mean Agatha."
I saw her glare at me. "I told you, my name is Angela!"
I just shrugged. "Sorry, mahina ang utak ko sa pangalan."
Irap lang ang kanyang isinagot.
"As I was saying, I will marry you without any emotions involved. Hindi ka naman siguro katulad ng iba na hopeless romantic?"
Kung parehas kami ng paniniwala, I might consider her despite that she's not that rich.
"What are you talking about Roie? Of course I believe in love. But nothing to worry about it, kahit hindi mo ako mahal kapag ikinasal tayo, I'll make sure that you will love me soon."
I smirked. Did she honestly believe that I will fall for her? Hay, sinasabi ko na nga ba at nagsayang lang ako ng gasolina ng kotse para pumunta dito.
I stood up.
Dinukot ko din ang wallet ko sa aking bulsa saka nagbaba ng ilang piraso ng lilibuhin. "Sorry, but I don't see myself falling for you."
Mukha naman s'yang nagulat sa sinabi ko. Her jaw dropped while looking at me with a surprised face.
"And I forgot to mention, you didn't passed my standards. Hindi ako magpapakasal sa mahirap na babae."
"Excuse me?" naniningkit ang mga matang itinaas n'ya ang kamay. "Nakikita mo ba ang mga alahas na suot ko? This is an expensive bracelets from a well-known company in the US!"
"I thought you bought it from a cheap store."
"How dare you Roie!"
"I'm going Agatha," paalam ko na lang bago pa kami magkahaba. "Thanks for the lunch though."
Naglakad na ako papunta sa exit ng naturang restaurant nang sumigaw s'ya. "My name is Angela, asshole!"
Psh. Hindi lang mumurahin, palengkera din s'ya.
Hindi ko na lang s'ya pinansin. Kaagad akong nagtungo sa parking lot. I went inside my convertible car and immediately turn on the AC.
"You failed again Ethan," nangigigil kong bulong.
Ilang babae na ba ang nai-set up n'ya sa akin? Lahat sila ay hindi man lang umabot sa standards ko! Sadya ba'ng napakahirap maghanap ng babaeng maganda, matalino at nagmula sa prominenteng pamilya?
I started my car's engine and drove out the parking lot while dialling Ethan's number. Masisigawan ko talaga s'ya ngayon!
"Hello?" I heard him answered the call.
"Damn you Ethan! That girl sucks!"
"Teka lang ha," I heard background noises on the other line. "Pupunta muna ako sa opisina. I can't hear you clearly."
I sighed.
"Ano nga ulit ang sinabi mo?" he then said. Looks like he's already inside his office.
"I don't like that girl."
"Naman! Panlima nang babae iyan this week ah? Wala ka man lang ba'ng nagustuhan sa kanila?"
"Wala."
I heard him sigh too. I can already imagine that he's massaging his temple out of frustration. Dapat lang na ma-stress ka din.
"Nasaan ka ngayon?" tanong ko.
"Narito ako sa resto."
"Okay, I'll be there." before he can say another word, I immediately ended the call. Sigurado kasing hindi s'ya papayag na tumuntong ako sa teritoryo n'ya. Psh, i-ban daw ako sa sarili kong restaurant?
THE NOISE greeted me as I enter the restaurant. Mukhang madami ngayong tao hindi kagaya noong mga nauna kong punta dito. With my hands inside my pocket, I walk inside and looked for a vacant table.
"Good afternoon, table for—"
Lumingon ako sa nagsalita. I felt my heart jumped when I saw the girl wearing a waitress' uniform staring at me. S'ya ang babaeng ilang araw nang gumugulo sa isipan ko! Dito lang pala kita makikita. I mentally smiled.
"Table for one," saad ko.
Mukha namang gulat pa din s'ya. Ni hindi s'ya kumilos o nagsalita. Basta nakanganga lang s'ya habang namimilog ang mga mata.
Using my left hand, I closed his mouth. "Baka pasukan ng langaw."
"Ano'ng ginagawa mo dito?" mariin n'yang bulong.
"Ano ba'ng ginagawa sa isang restaurant?"
Kamuntikan na akong matawa nang umirap s'ya sa akin. Nagpatiuna s'ya sa paglalakad. "Follow me sir."
Still amused, I followed her. Sa sulok n'ya ako dinala kung saan naroon ang mga tables na pandalawahan lang.
"Dito ka pala nagtratrabaho?" tanong ko saka naupo.
Hindi naman s'ya sumagot. Mula sa bulsa ay dinukot n'ya ang isang maliit na notebook at ballpen na sa tingin ko ay listahan ng mga orders na kinukuha n'ya.
"Ano'ng order mo?" she said without looking at me.
"Kailan ka pa dito?"
Kung alam ko lang na dito s'ya nagtratrabaho, sana ay matagal na akong nagpunta dito.
"Ano pong order n'yo sir?" she said again, highlighting the word 'sir.'
"Come on, sagutin mo naman ang tanong ko."
She then threw me a deadly glare. "Hindi tayo close Mr. R kaya huwag mo akong tanungin ng bagay na hindi related sa trabaho ko."
Damn this girl. Ni hindi man lang ba s'ya naa-attract sa akin? Sabi nga ni Agatha, I'm handsome, young and successful. Bulag ba itong kaharap ko?
Sumandal naman ako saka tinitigan s'ya mula ulo hanggang paa. Despite wearing an expensive uniform, she still look plain. Wala din akong makita ni isang alahas sa kanya. Ganoon ba s'ya kahirap?
"Ano ba ang order mo?" bakas na sa boses n'ya ang pagkainip.
Masyado naman s'yang high blood, hindi pa nga ako nag-e-enjoy.
Tinatamad na sinulyapan ko ang menu na nakapatong sa lamesa. "Lahat ng nasa menu n'yo."
Isinulat naman n'ya iyon sa maliit na notebook. "And your drinks?"
"Just water."
"Mineral water sir?"
Ngumisi naman ako. "Hindi ako umiinom ng mumurahing tubig. I want Fillico."
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamimilog ng kanyang mga mata.
"That's ten thousand—"
"I have money. Kaya kong bayaran ang tubig na gusto ko. Now go and get my order miss."
Hindi ko mapigilang mapangisi nang tingnan n'ya ako ng masama. I even saw her mouthed something saka padabog na umalis sa harapan ko.
I shook my head. That girl is really something. Nakakatuwang asarin, parang papatay ng tao.
"Kanina ka pa ba?" I heard Ethan's voice.
Mabilis kong dinampot ang menu sa lamesa saka iyon ibinato sa kanya. Tumama naman iyon sa kanyang dibdib.
"Para saan naman iyon?!"
"Para sa katangahan mo."
"Malapit na kitang masakal Roie! Hindi ko na kasalanan na wala kang napili sa mga pinadala ko sa'yo!"
"Sana naman ay nag-background check ka muna sa mga babaeng iyon saka mo ipinadala sa akin."
"Si Tanya ang naghanap—"
"It's your job," putol ko sa kanya. "Not hers."
Talagang idinamay pa n'ya si Tanya sa ipinapagawa ko. Tsk.
"But I'm willing to forgive you," I fished out my phone from my pocket and showed him Jewel's picture. "Tauhan mo pala ito?"
"P-paano mo nakilala si Jewel?" shock was written all over his face.
"Long story," tinatamad na ibinato ko sa ibabaw ng mesa ang aparato. "She's your employee, since when?"
"Mag-iisang linggo na din s'ya dito. Bakit mo naitanong?"
I saw Jewel from afar while pushing a gold cart with foods on top. "May lahi ba'ng mangkukulam ang babaeng iyan?"
"Si Jewel?"
"Stupid, sino pa ba?"
Namewang naman s'ya sa harapan ko, blocking my view. "Namumuro ka na ha, gusto mong sipain kita palabas?"
Natawa naman ako. "Sipain ako palabas? Sa sarili kong restaurant?"
Mukha namang mas nainis si Ethan sa sinabi ko. Ramdam ko din na nagpipigil s'ya na mas masagot ako. Tsk, hindi pa din s'ya sanay sa akin.
"Ito na ang order mo!" padabog na inilapag ni Jewel ang isang malaking plato sa lamesa. "Lumamon ka, mabulunan ka sana!"
I smirked at her then look at Ethan. I saw her covered her mouth when he saw Ethan standing beside her.
"S-sir Ethan," she looked nervous. "K-kanina pa po ba kayo d'yan?"
"Kanina pa."
"Narinig n'yo ang sinabi ko?"
"Iyong sana mabulunan si Roie? Oo, narinig ko."
Gusto kong matawa nang magpalipat-lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Ethan.
"It's fine Jewel, sana nga ay mabulunan ang lalaking iyan."
Fucking asshole.
"M-magkakilala kayo ni Mr. R?"
"Oo, s'ya lang naman ang—"
"Kaibigan ako ni Ethan," putol ko sa sasabihin ni Ethan.
I don't want her to know that I'm the owner of this restaurant, baka mag-resign lang s'ya. Lumingon naman sa akin si Ethan na tila nagtatanong.
"Sabayan mo ako kumain Jewel," alok ko na mas ipinagtaka ni Ethan.
"What are you doing?" Ethan mouthed.
Hindi ko na lang s'ya pinansin. Kapag sinabi ko sa kanya ang mga araw at gabi na iniisip ko ang babaeng ito, baka bigyan lang n'ya iyon ng ibang kahulugan. Plus the fact that he won't stop asking me how we met. May angking kakulitan pa naman s'ya.
"Babalik na ako sa opisina," singit ni Ethan. "Asikasuhin mo ang ating guest Jewel, okay?"
Magalang naman na tumango si Jewel. Nang makaalis si Ethan ay saka lang s'ya bumaling sa akin habang nanlilisik ang mga mata.
"Join me," alok ko ulit.
"Kumain ka mag-isa. Hindi na ulit ako sasabay kumain sa'yo!" angil n'ya.
I can't help myself but to smile. Kahit nalaman n'ya na magkaibigan kami ng boss n'ya ay hindi man lang s'ya bumait.
Padabog na ibinaba naman n'ya ang tubig na inorder ko. "Heto ang tubig mo sir, kapag nabulunan ka, ipaligo mo para bago ka mamatay ay malinis ang kaluluwa mo!"
Iyon lang at nagmartsa na s'ya palayo. Hindi naman mabura sa aking labi ang ngiti. She's really something, ngayon lang talaga ako nakakilala ng babaeng kagaya n'ya.
Plain but interesting.
Ipagpapatuloy...