CHAPTER 07

1941 Words
CHAPTER 07 Ethan's POV KANINA ko pa sinisilip mula sa aking opisina si Roie. Actually, hindi ko inaasahan na babalik s'ya dito sa restaurant, lalo na at kagagaling lang n'ya dito kahapon. Wala naman s'yang ginagawa, nakaupo lang s'ya sa isang sulok habang pinagmamasdan ang paligid. Ano na naman kaya ang trip ng lokong ito? S'ya kasi iyong tipo ng tao na hindi mo mapapalabas ng lungga lalo na kung wala naman s'yang importanteng pupuntahan. Ni pagpasok nga sa opisina ay kinatatamaran n'ya. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit nandito s'ya. Ang mas pinagtataka ko ay paano n'ya nakilala si Jewel? Ang tauhan ko ba ang dahilan ng pagdalaw n'ya dito? "Hon," narinig kong may nagsalita. "Sino ang sinisilip mo d'yan sa bintana?" "Hon! Bakit hindi ka nagpasabi na pupunta ka dito? Sana ay naipasundo kita." She smiled before kissing me in my lips. "It's fine. I can drive. Ikaw, anong sinisilip mo d'yan?" Hinila ko naman s'ya saka ko muling hinawi ang kurtina. "Nakikita mo ba ang lokong iyon?" She looked outside. "Ano'ng ginagawa dito ni Roie?" See? Maging ang misis ko ay kilala si Roie. "I don't know." "Ngayon ko lang ulit nakita si Roie na tumambay dito, wala ba s'yang trabaho?" Isinara ko na lang ang kurtina saka hinila si Tanya sa couch na naroon. "Kilala mo naman ang lalaking iyon, papasok lang sa opisina kung kailan n'ya magustuhan." "Nakausap mo na ba s'ya? Ano'ng dahilan n'ya at naisipan n'yang tumambay dito?" Napakamot ako sa aking sentido. "Iyon nga din ang iniisip ko, sa tingin ko ay may koneksyon iyon sa bago nating employee." Mukha namang nagulat si Tanya sa aking sinabi. "Employee? Who?" "Si Jewel, kakasimula lang n'ya last week." Hindi naman nakaligtas sa akin ang nakakalokong ngiti n'ya. "Baka interesado sa babaeng iyon, maganda ba?" Napakamot muli ako. Hindi ko masabi kung maganda talaga si Jewel, para kasi sa akin ay napaka-plain n'ya at napakalayo sa hitsura ng mga babaeng naka-date ni Roie. She's kinda cute but that's all. Nothing more. "She's fine, I think," I answered. "Pero malayo sa mga tipo ni Roie." "Hmm, now I'm interested to meet this girl. I'm sure that there is something special on her para sundan s'ya dito ni Roie." Akmang sasagot ako nang may marinig akong sigaw mula sa labas. Mabilis na lumabas ako ng opisina, maging si Tanya ay sumunod din sa akin. Ngunit sa pintuan pa lang ay napahinto na kami nang makita namin ang pinanggagalingan ng komosyon. "Ano?" mataray na bulyaw ni Jewel kay Roie. "O-order ka na naman? Iyon ngang in-order mo kahapon ay halos hindi mo nagalaw!" "May pera akong pambayad, ano bang inirereklamo mo? I'm a customer here," sagot naman ng aking kaibigan na tila hindi man lang natinag sa pagtataray ni Jewel. "That's not my point sir! Maraming nagugutom sa panahon ngayon and you're just wasting foods!" "Wala akong pakialam, hindi ko kasalanan na nagugutom sila." Hindi nakaligtas sa akin ang masamang pukol ni Jewel kay Roie saka naglakad palayo na bumubulong. I can say that she's pissed. Samantalang si Roie naman ay bahagyang umayos ng upo habang nakamasid sa babaeng palayo. He even smiled while shaking his head. "I think I know the reason," bulong ng aking katabi. "What?" Naramdaman ko naman na hinila n'ya ako pabalik sa loob ng opisina saka marahang isinara ang pinto. "Mukhang nakuha ng emplyadong iyon ang atensyon ni Roie," nakangiting sagot ni Tanya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "How come? Jewel is different from the girls he dated." "Exactly!" Hindi ko ma-gets ang pinaparating ng aking asawa. "Hindi mo ba nakita hon? Si Jewel lang ang nagtaray sa kanya ng ganyan. It looks like this girl doesn't care about his looks and money," dugtong n'ya. Napaisip naman ako. Come to think of it, kahapon nga ay naabutan ko pa kung paano bulyawan ni Jewel si Roie. Sinabihan pa nga n'ya na mabilaukan sana ang aking kaibigan. "Could it be that he likes Jewel?" tanong ko. Mas lumawak ang pagkakangiti n'ya. "Maybe." Hindi makapaniwalang natawa ako. "Come on hon, Roie is not capable of liking or loving someone." kahit yata pumuti ang uwak ay hindi iyon mangyayari. Manhid ang isang iyon eh! Mahina naman n'ya akong tinampal sa balikat. "Why? Dahil may Alexithymia s'ya? Just in case you didn't know, that personality disorder can be cured." Umiling ako. "May sakit man o wala, iyon ang mindset ng lokong iyon." She sighed. "Well, it looks like it's the total opposite of what we saw. He's starting to feel it nang hindi n'ya napapansin." Posible ba iyon? Paano kung hindi? Paano pala kung wala lang magawa si Roie at nagkataon na pantanggal lang nya ng boredom si Jewel? Like what my wife said, it's his first time to encounter a woman like Jewel. Hindi ito kagaya ng iba na halos sambahin na si Roie dahil sa yaman at hitsura n'ya. "I want to meet Jewel," bakas sa boses ni Tanya ang excitement. "Ano'ng oras ang end ng shift n'ya?" Marahan ko naman syang hinila palapit. "Come on hon, don't tell me interesado ka na din sa babaeng iyon?" "Yes! I can already say that she's kind and humble person. Magkakasundo kami! Saka malay mo, matulungan ko pa iyang kaibigan mo na mas mapalapit kay Jewel!" "Talagang naniniwala ka na type ni Roie si Jewel?" Sunod-sunod na tango naman ang kanyang ginawa. Gusto kong tumutol, but I know my wife than anyone else. Once she made a decision, no one can stop her. "Hindi ba masyadong maaga pa para paglapitin ang dalawa? Hindi ako tutol sa plano mo pero hindi pa naman natin sigurado kung gusto nga ni Roie si Jewel," saad ko. "Didn't you see the way he looked at her?" Wala naman akong napansin sa sulyap ni Roie kay Jewel. Hindi ko naman masasabi na gusto n'ya ang babae, the way he look at her is more like an amusement. "Help me hon," hinila pa ni Tanya ang manggas ng shirt ko. "Introduce me to her!" "Hon naman, you know I'm not good at that!" Nanlisik naman ang mga mata n'ya na ikinakaba ko. Patay.                                                                                                                                                                                                                                                                                       "JEWEL, meet my wife Tanya," saad ko nang nakarating na si Jewel sa opisina ko. Bakas naman sa mukha n'ya ang pagtataka. Nagpalipat-lipat din ang tingin n'ya sa amin ni Tanya. "Hi Jewel!" jolly na sabi ni Tanya. "My name is Tanya, it's so nice to meet you." "M-may kasalanan po ba ako? Bakit n'yo ako ipinatawag?" I look at my wife na kumindat lang sa akin. Bahala s'ya magpalusot. Binalingan ko na lang ang ilang papeles sa table ko para iayos. "I know you're confused," narinig kong sabi ng aking asawa. "You caught my attention earlier." "Bakit naman po?" "Huwag mo naman akong i-po, bata pa naman ako. Saka kaya gusto kitang makilala ay dahil sa isa naming kaibigan." "Kaibigan?" "Yes! I bet you know Roie." "Sino'ng Roie?" Seriously? Binubulyawan na n'ya si Roie 'tapos hindi man lang n'ya alam ang pangalan nito? She's really something. "Iyong mayabang na lalaki sa labas," sagot naman ni Tanya. Sumulyap naman ako sa dalawa. I even saw Jewel's eyes widened. "Roie pala ang pangalan ng mayabang na iyon?" Kamuntikan na akong matawa sa sinagot ni Jewel. Ito ba ang dahilan kaya s'ya ngayon ang kinukulit ng aking kaibigan? Mukhang tama nga si Tanya sa kanyang mga sinabi. "Oh my, hindi mo alam ang pangalan ni Roie?" ani Tanya. "Hindi, ang pagkakakilala ko sa kanya ay Mr. R. Iyon din ang pakilala n'ya sa akin noong una." Napangiti naman ako habang inaayos ang aking lamesa. Mr. R? Saan naman nakuha iyon ni Roie? "Anyway, naisipan kong makipagkilala sa'yo dahil ngayon lang ko lang nalaman na may iba pa palang kaibigan si Roie." "Hindi ko kaibigan ang lalaking iyon." Nakita ko naman na lihim na natawa si Tanya saka pasimple akong sinenyasan na lumabas. Aish, kapag naman ganitong may pinaplano ang asawa ko, nagiging sunud-sunuran na naman ako. Kinuha ko na lang ang aking bag saka humakbang palabas. Nang nakalabas ay saka ako lumapit sa gawi ni Roie na naroon pa din sa table na kanina pa nya inookupa. Mayroon din pagkain sa harapan n'ya na bahagya na namang nagalaw. "Nasaan ang babaeng iyon?" bungad n'ya sa akin. Sa akin pa talaga hinanap ah? "Bakit mo naman hinahanap si Jewel?" "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo?" Ngali-ngaling batukan ko ang lalaking ito! Ganito ba talaga s'ya mula pagkabata? "Nasa office ko," kaswal na naupo ako sa harapan n'ya. Nagulat naman ako nang malakas n'yang hampasin ang lamesa. Lumikha din iyon ng ingay, mabuti na lang at sarado na kami. Kung hindi ay nakakahiya sa mga guests. "Ano'ng ginagawa n'ya doon?!" Gusto kong itaas ang kilay ko sa kinikilos n'ya. Bakit parang galit s'ya? "She's with Tanya," pagsagot ko na lang. Baka dito pa maghuramentado ang sira-ulong ito. "Nandito si Tanya?" Narinig mo naman 'di ba? "Yes, she came here. Nagulat nga ako nang sabihin n'yang gusto n'yang makilala si Jewel." "Ano'ng pinag-uusapan nila? Bakit nandoon pa din sila?" Hindi makapaniwalang sinulyapan ko s'ya. "Interesado ka ba sa babaeng iyon?" Natigilan naman s'ya. It seems like he's not expecting my question. "What the hell are you talking about?" natatawa n'yang saad. "Ako? Interesado sa mahirap na iyon? Pigs will fly but it's not gonna happen." Nagsalin din s'ya ng Fillico sa isang baso saka uminom. He's acting wierd. "May issue ka pa din ba sa mahihirap?" hindi ko mapigilang itanong. "Do you still hate your mother?" I saw his hand clenched. Maging ang pagkakahawak n'ya sa baso ay humigpit. "Don't mention that gold digger b***h," malamig n'yang saad. "She's not my mom." Mukhang tama nga ang hinala ko. He's still dwelling from his past, and he still hates his mother. Well, I can't blame him. Kung sa akin mangyayari ang nangyari sa kanya, baka magalit din ako sa sarili kong ina. Napalingon ako nang marinig ko ang malakas na tawanan sa 'di kalayuan. I saw Tanya laughing with Jewel na para ba'ng matagal na silang magkaibigan. Napailing naman ako, my wife is really good in making friends. Pasimple naman akong sumulyap kay Roie. He no longer looks upset. He's now looking at Jewel. What's with this guy? "Hon, I invited Jewel for dinner," nakangiting sabi ni Tanya nang makalapit sila. "Really?" hindi ako makapaniwala. Napapayag n'ya si Jewel kahit kakakilala lang nila? My wife is really something. Bumaling naman si Tanya kay Roie. "Long time no see Roie, how are you? May nakita ka na ba'ng suitable wife para sa'yo?" Gusto kong matawa. Sa aming tatlo, si Tanya lang ang hindi takot gisahin si Roie. She's not even afraid kahit magtaas ng boses si Roie. "Wala pa," sagot ni Roie. "Lahat ng ipinadala mo ay sablay." "Is that so? Gaano ba kayaman ang gusto mo? Madami akong kakilala na mula sa kilalang pamilya, however, they're from overseas." Sinulyapan ko naman si Jewel, I even caught her roll her eyes. "Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang personal life ko," tumayo na si Roie. "Why don't you invite me too? Kakain kayo 'di ba?" "Hindi ka ba busy?" singit ni Jewel. "Baka may pupuntahan ka pa, huwag ka nang mag-abala na sumama sa amin." I saw Tanya smiled while looking at them. Maging ako ay natatawa na din. Nakaka-entertain din pala panoodin ang dalawang ito. "Marami akong oras," sagot naman ni Roie. "Tara na?" Lantaran naman na inirapan ni Jewel ang aking kaibigan. Looks like Tanya was right, this girl is different from other. "Wala akong makitang mali sa pagsama sa atin ni Roie," ani Tanya saka lumapit sa akin. Humawak din s'ya sa braso ko. "The more, the merrier!" Hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi ni Roie kay Jewel habang inirapan ulit s'ya ng huli. Wife, you're creating a disaster. "Let's go hon," hila sa akin ni Tanya. "Sa sasakyan mo na lang ako sasakay. And you Roie, isakay mo na si Jewel sa car mo. Doon ulit tayo sa favorite sisig house natin." Lihim akong natawa nang mapagtanto ko ang plano ng aking asawa. Seryoso pala talaga s'ya na paglapitin ang dalawa.                            Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD