CHAPTER 08

1520 Words
CHAPTER 08 NAPASIMANGOT ako nang pagbuksan ako ni Mr. R ng pinto ng kotse. Bakit ba s'ya nandito? Saka kung umasta s'ya ay parang close kami. "Get in," aniya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" mataray kong tanong, hindi din ako nag-abala na sumakay sa sasakyan. "Bawal ba ako sa lugar na ito?" "Oo." Lalo akong nakaramdam ng inis nang ngumiti lang s'ya saka marahang nagkamot sa sentido. Manhid ba s'ya? Hindi ba n'ya nararamdaman na hindi ko gusto ang presensya n'ya? Kung hindi lang ako nahihiya sa asawa ni Sir Ethan ay hindi ako sasama. Mukha kasing mabait si Tanya, magaan kaagad ang loob ko sa kanya. "Magtititigan na lang ba tayo dito?" narinig kong sabi n'ya. "Ano?" naguguluhan kong tanong. Mas lumapad naman ang ngiti n'ya. Wala sa loob na napalunok ako nang lumantad na naman ang malalim n'yang dimples. Kumalma ka Jewel! Huwag kang magpapa-akit sa lalaking iyan! I tried my best to maintain my poker face kahit deep inside ay nagkakagulo na ang bituka ko. I don't know the reason, siguro ay dahil gwapo ang kaharap ko. Hindi naman ako ipokrita, kung panlabas na anyo ang pag-uusapan ay may laban s'ya. "You know what," bulong n'ya saka bahagyang humakbang palapit na ikinaurong ko. "I'm always wondering..." May parte sa akin na gustong tumakbo palayo sa kanya! But I stood on my ground, nakipagtagisan ako ng titig sa kanya kahit ang lakas ng epekto ng kanyang pagbulong. Sexy voice! "What?" "Ano'ng iniisip mo ngayon, ano'ng iniisip mo sa akin." I scoffed. Seryoso ba s'yang gusto n'yang malaman ang iniisip ko sa kanya? Baka laiitin ko lang s'ya from head to toes! "Don't you find me attractive?" bulong ulit n'ya. At kagaya kanina ay humakbang na naman s'ya palapit. Napalunok naman ako. Inaakit ba ako ng lalaking ito? "No," mataray kong sagot saka sumakay sa magara n'yang sasakyan. Narinig ko pa ang mahina n'yang tawa habang nakatalikod sa akin. He's still standing on where I left him. "Hindi pa ba tayo aalis? Baka hinihintay na tayo nina Tanya." Bilang sagot ay marahan n'yang isinara ang pinto ng kotse saka lumigid papunta sa kabilang pinto. Pasimple din akong umusog sa gilid ng bintana nang sumakay s'ya. Bakit ba ako pumayag? Pwede naman akong umuwi na lang. On my peripheral sight, I can see him staring at me before starting the engine of the car. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong naiilang sa kanya. Ilang taon akong umiwas sa lalaki, at ito ulit ang pagkakataon na may nakasama akong lalaki after Alex. Napailing ako. Bakit ko ba naisip si Alex? He's now happy! "Napailing ka," narinig kong saad ng aking katabi. "May problema ba?" Napansin n'ya iyon?! Wala sa loob na huminga ako ng malalim. "Ang lalim ah," puna na naman n'ya. "Mukhang may problema ka talaga." Palihim naman akong napairap. Hindi lang pala s'ya mayabang, may pagkatsismoso din pala s'ya. "Gusto mong malaman?" I asked in a cold voice. Sumulyap naman s'ya sa akin. "Why not." "Ikaw." "Ako?" "Oo ikaw! Ikaw ang problema ko!" Lalo akong nainis nang tumawa s'ya ng malakas. Umalog-alog pa ang kanyang balikat na tila joke ang sinabi ko. Nagtataka na tinitigan ko s'ya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? He should be offended or embarrassed. "Sorry," maya-maya ay sabi n'ya. "I'm just happy." "Happy? Na may issue ako sa'yo?" "Yes." Hindi makapaniwala na napatawa ako. Kakaiba talaga ang lalaking ito, wala akong masabi. "Do you know why it makes me happy?" Muli ay napairap ako. "Not interested." "It's because I have some effect on you," pagpapatuloy nya. "Kasi kung wala lang ako sa'yo, hindi ka magre-react ng ganyan. Hindi ka magagalit at mamomroblema sa akin." Naiinis na humarap ako sa gawi n'ya. Gusto ko din hubarin ang suot kong sapatos para ihampas sa makapal n'yang mukha. "It's because I hate you, masaya ka pa ng lagay na iyan?" mataray kong saad. "Yes," mabilis s'yang sumulyap sa akin. "At alam mo ang plano ko? I will turn that anger into something." Literal na napanganga ako sa sinabi n'ya. Ganoon kataas ang tingin n'ya sa sarili? Taas na ang dalawang kamay ko sa kakapalan n'ya! "Excuse me," itinaas ko pa ang isa kong kilay. "Hinding-hindi ako magkakaroon ng interes sa'yo." "Wala naman akong sinasabi." Anak ng patola! Nagsisimula na akong mapikon sa lalaking ito! "You'll regret it if you will like me, because I won't be able to like you back," aniya. It's now my turn to laugh. Tumawa ako ng malakas, kulang na nga lang ay lumuwa ang aking lalamunan sa pagtawa. Seriously? Iyon pala ang iniisip n'ya sa akin. "Sorry ha," nakangisi kong sabi. "Wala akong balak magkagusto sa'yo. Kahit ikaw pa ang pinakahuling lalaki sa buong planeta!" "That's good to hear." "Kapal mo!" Nagulat ako nang bigla s'yang nagpreno. Kamuntikan din akong humampas sa windshield, hindi pa naman ako naka-seatbelt! "May balak ka ba'ng bangasan ako?!" sigaw ko. "Nandito na tayo," he even pointed outside the window. Sumulyap ako sa labas. Nasa tapat kami ngayon ng isang three storey building na may patay sinding ilaw. "Ano ito?" Hindi naman n'ya ako sinagot, bagkus ay bumaba s'ya ng sasakyan nang wala man lang pasabi. Napasimangot naman ako sa kabastusan n'ya. I immediately grabbed my bag and climbed out of his car. Nakatayo lang naman s'ya sa labas na tila hinihintay ako. "Ano'ng lugar ito?" tanong ko ulit. "Obviously, dito ang sinasabi nila na sisig house." Hindi makapaniwala na sumulyap ulit ako sa building. Ito, sisig house? Ang layo ng hitsura sa inaasahan ko! "I guess you're expecting a cheap looking place with lots of commoners." Heto na naman s'ya, umaatake na naman ang masamang ugali. May parang bumbilya naman na umilaw sa ulo ko. Ano kaya kung sakyan ko ang trip ng lokong ito? Nakangiting bumaling ako sa kanya na mukhang ipinagtaka n'ya. "Hindi ko naman kasi alam na may sisig house pala na pangmayaman!" saad ko. Nanatili lang naman s'yang nakatitig sa akin. "Grabe," pagpapatuloy ko. "Ngayon lang ako makakakain sa pangmayaman na sisig house. Ano kayang pinagkaiba ng pangmahirap na sisig sa binebenta d'yan?" Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil mukhang hindi n'ya nagugustuhan ang mga sinasabi ko. It's pure sarcasm baby! "Pasalamat ka at makakatikim ka ng pangmayaman na sisig." naglakad na s'ya papunta sa naturang building. Napanganga naman ako sa sinabi n'ya. Did he just said that?!                                                                                                                                                                       Tanya's POV EXCITED na hinila ko si Ethan papasok ng isang kwarto kung saan ako nagpa-reserve. It's like a private dining area for VIP people like us. Sumalubong naman sa akin ang mabangong halimuyak ng mga pagkain na ipinahanda ko. Sa laki ng lamesa ay halos mapuno iyon ng pagkain na iniluto pa ng mga kilalang chef dito. At syempre, hindi mawawala ang best seller nilang sisig na nakalagay sa isang malaking plato at mayabang na naka-display sa gitna ng lamesa. "Oh my," nakangiting naupo ako. "This brings a lot of memories." Nakita ko naman na ngumiti din si Ethan saka naupo sa tabi ko. "Oo nga hon," aniya. "Dito mo ako sinagot." Natatawang binalingan ko naman s'ya. Tama s'ya, dito ko s'ya sinagot noong nanliligaw pa lang s'ya sa akin. Madalas din kaming kumain dito kasama sina Roie noong nasa college pa kami. "Nasaan na kaya sila?" tanong ko. "I'll call Roie—" "Don't." Nabitin sa ere ang kanyang cellphone habang nakatingin s'ya sa akin na may halong pagtataka. "Don't spoil their moment hon," pagliwanag ko. Imagine, may kasama si Roie na babae. At hindi lang iyon, napasakay n'ya sa kotse si Jewel! Kilala ko kasi s'ya, never pa s'yang nagpasakay ng kahit sinuman sa mga sasakyan n'ya. Bukod kasi sa hindi n'ya feel na may kasama syang iba sa kotse ay saksakan din s'ya ng arte. Ayaw daw madumihan ang loob ng sasakyan n'ya ng pangmahirap na alikabok? The hell is that? Sira ulo talaga ang isang iyon. "Hon, I'm just worried about him." "Bakit naman?" "Baka nagpapatayan na sila ni Jewel." "You're thinking too much hon," I grabbed one of the beers in front of me and gave it to him. "They will not kill each other, trust me." "Alam mo, kinakabahan ako sa ginagawa mo eh." "Bakit naman?" "Because you're trying to match them!" "Oh?" napahawak pa ako sa aking labi. "Ganoon ba ako ka-obvious?" "Hon naman." "Ano ka ba, I'm just thrilled to see that the mighty Roie got interested to Jewel." "What made you say that? Baka bored lang si Roie at si Jewel ang pampalipas oras n'ya." I don't think so. That's not Roie. Coz if he's bored, pupunta s'ya sa ibang bansa para magwaldas ng pera. It's his hobby whenever he's bored. He'll buy what he wants kahit hindi naman n'ya kailangan. And this is the first time I saw him look at a girl like that. Iyong tila nahuhulog s'ya ng hindi n'ya namamalayan. All along, he thought that he and his heart is untouchable. But now? He even let Jewel rode his precious expensive car. "Akala ko ba ay kilala mo si Roie," tanong ko. "I thought I knew him," aniya saka uminom ng beer. "What do you mean?" "Well, you see—" "Nakakadiri ka!" isang malakas na sigaw ang pumutol sa sasabihin ni Ethan. Sabay pa kaming napalingon sa mga kadarating lang. Jewel looked furious while Roie is smirking. "What? Ano'ng nakakadiri doon?" ani Roie. "Ewan sa'yo! Huwag mo akong kausapin." "Are you jealous?" "Mukha mo!" Parang sila lang ang narito kung magbangayan. Natatawang binalingan ko naman si Ethan na bahagya pang nakanganga. "See what I mean?" I whispered. "Thank God, they're still alive." Natawa na lang ako sa tinuran n'ya. My husband is really cute when it comes to Roie. He's still the same, protective and cautious about our dear friend.                            Ipagpapatuloy... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD