CHAPTER 09

1183 Words
CHAPTER 09 Grace's POV DINAMPOT ko ang remote control para ilipat sa ibang channel ang pinapanood ko nang may balitang umagaw ng aking pansin. Ibinaba ko ulit iyon saka kunot-noong itinutok ang aking mga mata sa screen. "Lahat ay nakikisaya sa paparating na kasalan ng kilalang ballerina at anak ng isang Filipino Chinese millionaire na si Trixie Sy sa kanyang long-time boyfriend na si Alexis Gomez na anak naman ng isang sikat na entrepreneur at gobernador. Natatandaan na noong isang buwan nang inanunsyo nila ang kanilang kasalan na talaga namang tinututukan ng publiko." Ang nakangiting mukha ni Trixie at Alex ang nakalagay ngayon sa TV screen. "Ang laki ng iginwapo ni Alex," kumento ko. "Siguradong mababaliw na naman si Jewel kapag nakita n'ya kung gaano kalaki ang pagbabago ng kanyang ex." "Ngunit kalalabas lang ng impormasyon mula mismo kay Mr. Alexis Gomez na magkakaroon ng delay sa kanilang kasal." Napaayos naman ako ng pagkakaupo. "What? Delayed ang kasal nila?!" "Walang sinabing dahilan si Mr. Gomez na dahilan ngunit ang haka-haka ng taga-suporta ni Trixie ay dahil iyon sa paparating na ballet contest na sinalihan ng dalaga. Gaganapin ito sa bansang Switzerland at piling ballerina lang ang pwedeng lumahok. Posible na gusto ng dalaga na muling lumaban bago ang kanyang kasal. Why not? She's a good ballerina at pwede n'yang ikonsidera na last dance na n'ya ito bago ang pagreretiro." Natawa naman ako saka pinatay ang TV. Napailing na lang ako sa balita. "Inuna mo ang pangarap mo kaysa sa kasal mo?" bulong ko habang ini-imagine na nasa harapan ko ang babaeng iyon. "Ano kayang mararamdaman ni Alex?" Bigla ko naman naalala si Jewel. Nasaan na nga pala ang babaeng iyon? Ilang oras na lang ay papasok na ako sa trabaho at hindi pa s'ya umuuwi. Tumayo ako saka nagtungo sa aking kwarto para kunin ang aking cellphone. Siguro naman ay walang masama kung ibalita ko sa kanya ang nangyayari kay Alex. I dialled her number and waited for her to answer it. Makalipas ang ilang segundo bago ko narinig ang kanyang boses. "Grace? Napatawag ka?" aniya sa kabilang linya. Nagsalubong din ang kilay ko nang marinig ko na may iba s'yang kasama. May mga tumatawa sa kanyang background. Saan naman nagsuot ang babaeng ito? "Nasaan ka?" tanong ko. "Nandito ako—tigilan mo nga ako! Lumayo ka sa akin. Shoo! Layo!" Mas lalo akong nagtaka. Is she with someone? "Inaano ba kita?" boses ng lalaki naman ang aking narinig. "Bakit ka ba dito nakaupo? Ang dami naman bakante?!" "Dahil nandito ang beer." Hold up! Nasa bar ba s'ya at may kasamang lalaki? Napangisi naman ako. "Busy ka yata?" putol ko sa pakikipag-away n'ya sa kasama. "Hindi—teka lang lalabas ako." I waited for another couple of minutes bago s'ya muling nagsalita. "Napatawag ka?" aniya. "Papasok ka na ba?" "Sino ang kasama mo?" I asked instead. "Ah iyon ba? Wala iyon, isang makapal na kalyo lang na napakayabang." "Do I know him?" "Oo! Si Mr. R!" Oh my! Magkasama sila ngayon? Hmm, akala ko ba ayaw na n'yang makita ang lalaking iyon? Bakit sila magkasama ngayon? Pinigilan kong matawa, kung makagalit kasi s'ya noong una ay parang isinusumpa na n'ya si Mr. R, 'tapos ngayon ay magkasama sila? "Ikaw ha," tudyo ko. "May pasabi-sabi ka pang ayaw mo nang makita si Mr. R 'tapos kasama mo ngayon?" Narinig ko naman ang malalim n'yang buntong hininga. Kung magkasama kami ngayon, siguradong masama na ang tingin n'ya sa akin. "Hindi kami magkasama dahil gusto ko." "Eh ano pala?" "Basta mahabang kwento, I'll tell you tomorrow." Sus, tanggi pa sis. "Okay, just try not to kill him. Para kasing may world war 3 kanina," natatawa kong saad. "Thanks for the advice. Hayaan mo, sasaktan ko lang s'ya pero hindi n'ya ikamamatay." Gusto kong sabihin sa kanya na baka kainin din n'ya ang mga sinabi n'ya pero iba nga pala ang dahilan ng pagtawag ko. "I almost forgot the reason why I called." "Oo nga, may nangyari ba? War na naman ba kayo ng jowa mo? Ano, sapakin ko na ba?" I rolled my eyes. "Not that! We're fine." "Eh bakit ka napatawag?" I sighed. "It's about Alex."                                                                                                                                                                                                                                                                                                               Roie's POV NAPASULYAP ako kay Jewel nang pumasok ulit s'ya. She look different. Kanina lang ay nakangiti s'ya pero ngayon ay nakatulala na s'ya. Nagkatinginan kami ni Tanya dahil mukhang napansin din n'ya ang pananahimik ng babae. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan saka lumipat sa tabi n'ya habang hawak ang dalawang bote ng beer. I offered her the other bottler. Tiningnan lang naman n'ya iyon saka sumulyap sa akin. "Beer?" nakangiti kong alok. She didn't answer. Nanatiling nakatingin lang s'ya sa akin na hindi man lang nag-abala na kunin ang bote mula sa aking kamay. "May problema ba Jewel?" tanong ni Tanya. "May tumawag sa'yo, did you receive a bad news?" I saw her smile before shaking her head. But for me, that's the fakest smile I saw. Sadness is evident in her eyes. "W-wala Tanya," aniya sa mababang boses. "Napikon ka ba dito kay Roie?" "Bakit naman ako?" maang kong tanong. "Hindi," saad naman ni Jewel. "May iniisip lang ako." She then grabbed the bottle of beer from my hand and drank it. Namilog ang mga mata ko nang maubos n'ya iyon na tila hindi man lang huminga. "Meron pa ba?" aniya saka pabagsak na ibinaba sa mesa ang bote na wala nang laman. "Ah," I can't find a word to say. I'm still surprised on what she did. Nagulat naman ako nang agawin n'ya ang isa pang beer na nasa kamay ko. Kagaya kanina ay tinungga lang n'ya iyon na tila tubig. "Jewel," nag-aalalang tumingin sa akin si Tanya. "Are you sure you're okay?" "Oo naman Tanya. I'm okay!" Sinenyasan ko naman si Ethan na pigilan ang babaeng ito at baka malasing lang. We're here to unwind, not to get drunk. "Jewel, may pasok ka pa bukas," ani Ethan. "Can you handle the alcohol you're taking in?" "Of course Sir Ethan! Kahit isang case pa ang inumin ko, kaya ko pong pumasok." Ethan looked at me again as if saying that he can no longer stop Jewel. Heto nga at kumukuha na naman ng beer mula sa ibabaw ng mesa. "Hon," ani Tanya kay Ethan. "I think we should go." Nagsalubong naman ang kilay ko. "Maaga pa Tanya," pigil ko. "I just remembered that I have appointment for tomorrow. I'm sorry but we need to leave early." Sinulyapan ko muli si Ethan para pigilan naman ang asawa n'ya pero nagkibit balikat lang s'ya. Psh, nakalimutan kong under nga pala s'ya kay Tanya. Tanya stood up carrying her purse, ganoon din ang ginawa ni Ethan. Are they going to leave me here with this drunk lunatic?! "Bro, ikaw na ang bahala kay Jewel," ani Ethan. "But—" "We'll take our leave," ani Tanya saka binalingan si Jewel. "Will you be okay?" "Iiwanan n'yo ako sa hambog na iyan?" itinuro pa n'ya ako. "Don't worry, he's harmless." Aangal pa sana ako pero mabilis na hinila ni Tanya si Ethan palabas. Napailing na lang ako. Bakit pakiramdam ko at dapat akong kabahan?                            Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD