CHAPTER 10
Roie's POV
HINDI ako makapaniwala. All I can do is watch Jewel getting drunk and sang her heart out. Kanina pa n'ya ako sinusungitan na humanap daw kami ng videoke bar kung saan makakapag-unwind daw s'ya. And here we are, inside a private videoke bar.
"I will survive yeah!" sigaw n'ya sa mikropono.
Tinakpan ko naman ang aking tainga. This lady is killing me. Hindi na nga maganda, wala pang talent sa pagkanta! Hindi pa din ako makapaniwala na ang babaeng tinatarayan ako at ang babaeng mukhang tanga ngayon ay iisa.
"Hey!" awat ko nang kumuha na naman s'ya ng beer. "Nagpapakalasing ka ba?!"
"Bitawan mo nga!" hinablot n'ya ang beer sa aking kamay.
Aish! It's her sixth bottle! Bakit ba dinala ko pa s'ya dito?! Kasalanan ito ni Tanya at Ethan, iniwan nila sa akin ang sira ulong ito. Now I'm really stuck with this crazy drunk lunatic! Inagaw ko na lang ang mikropono mula sa kanyang kamay na ikinagalit n'ya agad. Hindi naman ako lasing, but why do I find her cute whenever she's angry?
"Bakit mo ba inagaw ang mic?! Kakanta pa ako!" angil n'ya.
"Tigilan mo na! Maawa ka nga sa eardrums ko!" inis kong ibinato sa kung saan ang mikropono na ikinanganga n'ya.
"Hala! Baka masira mo iyong mic!"
"Kaya kong bayaran ang mic na iyon! Kahit ang buong lugar pa na ito ay kaya kong bilhin."
Inirapan naman n'ya ako sabay tungga ulit ng beer. Bakit bigla s'yang nagkaganito? May problema ba s'ya?
"Mr. R," she sat beside me na ikinagulat ko. "Bakit hindi mo ako sinasabayan?"
Umusog naman ako palayo. She stinks! "Magmamaneho pa ako."
Tumawa naman s'ya ng malakas sabay tampal sa aking balikat. "Come on, sabayan mo naman ako. Ang boring naman kung ako lang mag-isa ang umiinom."
"Don't touch me!"
Nanulis naman ang kanyang nguso. "Ang arte mo naman!"
"I'm not," napipikon kong sagot. "Ang baho mo kasi."
"Mabaho?" inamoy pa n'ya ang sarili. "Hindi naman ah!"
"What I mean is, amoy alak ka at ang baho mo!"
Kung iwanan ko na lang kaya s'ya dito?
Napailing naman ako. Nah! Ilang araw din ako ginulo ng babaeng ito, and this is the right time to look for something na ikaka-turn off ko. Maybe that's my way to get her out of my mind, or else I may really need to see a doctor.
I sigh before grabbing a bottle of beer. "I'll let you get drunk, but stop singing."
Nalukot lalo ang kanyang mukha. "Bakit? Pangit ba ang boses ko?"
"Oo." ano'ng magagawa ko eh para s'yang pusa na napisa kung kumanta!
"Alam mo, nakakainis iyang pagiging prangka mo!"
I smirked. Matagal ko nang alam ang bagay na iyon. Pero ano'ng magagawa ko? I'm not a person who lie.
"Okay fine," pagsuko ko. "You got a beautiful voice that can damage someone's eardrums."
"Gago!"
Natawa naman ako. "See, don't ask me to lie. I'm not good at it."
Umusod na naman s'ya papalapit sa akin. Darn, why is she making this hard for me. Wala sa loob na napainom ako ng beer.
"Alam mo," nakangiti nyang saad. "Mukha ka namang mabait eh."
Tumaas naman ang isa kong kilay. "Kaya ba lagi mo akong tinatarayan?"
"Hindi naman. Kaya lang, nakakairita ang pagiging conceited mo. Malaki din ang tingin mo sa sarili mo na parang sa'yo lang umiikot ang mundo."
"Then maybe you prefer fake people around you."
Tila naman nalito s'ya. "Fake?"
"Yeah, iyon ba ang gusto mo? Mas gusto mo ba na peke at mapagpanggap ang mga taong makakasalamuha mo?"
"Ah," inirapan na naman nya ako. "Wala akong pekeng kaibigan. Hindi sila kagaya mo na masyadong mayabang."
"Well, accept it or not, hindi lahat ng tao sa mundo ay kagaya ng mga kakilala mo."
Muli ay hinampas na naman n'ya ako. Seriously? Mapanakit ba talaga ang mga babae? Umusod ulit ako palayo sa kanya, mahirap na at baka bote na ang ihampas n'ya sa akin mamaya.
Pinagmasdan ko ulit s'ya. She's now staring at the table filled with bottles of beer. Mukhang malalim ang kanyang iniisip ni Jewel. She's really weird, kanina lang ay ang ingay n'ya. Ang bilis n'ya magbago ng mood.
"Hoy," sinundot ko s'ya sa pisngi. "Ang lalim yata ng iniisip mo?"
Pagak naman s'yang tumawa. "Sa palagay ko, may point ka."
Kumunot naman ang noo ko. Ano na naman itong sasabihin n'ya? With a red face, she looked at me and smile. But her smile didn't reach her eyes.
"May problema ka ba?" hindi ko napigilang itanong.
"Bakit?" lumapit na naman s'ya sa akin. "Ang mga may problema lang ba ang nagpapakalasing ng ganito?"
"Oo."
"Ganito ka din ba kapag may problema ka?"
I just shrugged. Nagulat ako nang hilahin n'ya ang aking balikat ng paulit-ulit.
"What the?!" lumayo ulit ako sa kanya hanggang nasa dulo na ako ng couch. "You'll dislocate my shoulder!"
"Hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko!"
"Bakit ba gusto mong malaman ang ginagawa ko kapag may problema ako?"
S'ya naman ang nagkibit balikat. Aish, napahilot naman ako sa aking sentido. I'm already regretting this.
"Fine," saad ko. "Whenever I'm problematic or stressed, whatever you call it, I just buy anything I want."
"For short, nagwawaldas ka ng pera?"
"Oo, may masama ba doon?"
Umiling naman s'ya. "Ganoon ka talaga kayaman?"
"Duda ka pa ba?"
"Ayoko nang pag-usapan iyan!"
Naguguluhang sinulyapan ko ulit s'ya. Kumukuha na naman s'ya ng panibagong bote ng beer. May plano ba talaga s'yang magpakalasing? She already look wasted!
"Tama ka Mr. R," maya-maya ay sabi n'ya. "May problema nga ako."
"Just like what I thought."
Umusod na naman s'ya palapit sa akin. Akmang tatayo ako para umalis nang bigla n'yang hawakan ang aking kamay. Wala sa loob na napatitig ako sa kamay n'ya kasabay ng mariing pagpintig ng aking puso. What the hell?!
"Subukan mong umalis d'yan, babalian kita ng buto," she said while looking directly at me. "Let's act as friends then forget everything tomorrow, pwede ba iyon?"
Napalunok naman ako habang nakatitig pa din sa kanyang kamay na nakahawak pa din sa akin. I sigh before seating down again.
"Sana lang ay hindi ka magsisi sa sinabi mo," sabi ko na lang. Napainom ulit ako ng alak dahil sa kakaiba kong nararamdaman.
"Hindi mo ba tatanungin kung ano'ng problema ko?"
Shit, she's really drunk. Kung nasa matinong pag-iisip s'ya, hindi s'ya kikilos ng ganito. Baka sipain pa n'ya ako palayo. Maybe I need to send her home.
"You're drunk Jewel, tell me your address at ipapahatid kita."
"Ang KJ mo naman!"
"KJ?" kunot noong ulit ko? Ano'ng salita iyon?
"Kill joy," natatawa n'yang sagot. "Basag trip, panira ng moment!"
May ganoon palang salita? Tsk, this woman is really different. Hindi ko maririnig ang mga ganitong salita sa mga babaeng naka-date ko.
"Kaya ako nagpapakalasing ngayon dahil nagluluksa ako."
"Did someone died?" is this the proper way of mourning?
Itinuro naman n'ya ang kanyang dibdib. "Namatay ang puso ko."
I think I understand what she's trying to say.
Napailing na lang ako, I never imagined that I'll encounter this kind of s**t. Hindi ako iyong tipo ng tao na sumasama sa iba lalo na kapag broken hearted sila. I never did this with Ethan that day he and Tanya had an argument and almost broke up. I feel pathetic right now.
"Someone broke your precious heart, I get it," bored kong kumento.
"Hindi mo pa ba talaga nararanasan ang ma-inlove? Kung makapagsalita ka ay parang wala lang ang sinabi ko."
"I already told you the first day we met. I don't do and believe love."
I heard her snort. "Masarap kayang magmahal. You should try it."
"No thanks."
"At bakit naman?"
Seryoso ko naman s'yang binalingan. "Because I don't wanna be miserable like what's happening to you right now."
Sa pagtataka ko ay tumawa lang s'ya. Iyong tawa na parang isang malaking joke ang sinabi ko. She even slap her thigh while laughing hard. What's funny? Nababaliw na ba s'ya?
"You know what Mr. R," aniya sa gitna ng pagtawa. "I think I know why you don't do love."
"Psychology graduate ka ba?"
Umiling naman sya. "Hindi ko naman kailangan ng degree para masabi ang nangyayari sa'yo."
"Okay," I crossed my arms. "Then what's your analysis Miss Smarty?"
"You're a coward."
"Cowa—what?!" bulalas ko. "Sino'ng duwag?"
"Ikaw!" natatawa n'yang sagot. "Takot kang maging miserable kaya hindi ka nagmamahal."
"Hindi ako duwag!"
"Duwag ka, iyon ang totoo."
Naiinis na sumandal na lang ako. There's no point on arguing with this drunk lunatic. Hindi din naman n'ya maiintindihan. Tsk.
"Uy," sinundot n'ya ako bigla. "Galit ka ba?"
"No."
"Eh bakit nakasimangot ka?"
"Lasing ka lang."
"Hindi ako lasing," naramdaman ko na may mabigat na bagay ang pumatong sa aking balikat. "I'm just tired, tired of everything."
Lumingon ako sa kanya. She's now leaning on me. Napansin ko din na lumuluwag na ang kanyang pagkakahawak sa bote. I immediately took it from her hand.
"You want to go home?" bulong ko. Umiling lang naman s'ya saka pumikit.
Balak n'ya ba'ng matulog dito? At sa balikat ko pa?!
"Hey," I tried to push her but to my surprise, ipinulupot pa n'ya ang isa n'yang kamay sa braso ko. "Jewel, let's go home."
"Ayoko."
Natigilan ako nang mas humigpit pa lalo ang kanyang pagkakayakap sa aking braso. Para din nanigas ang buo kong katawan sa kakaibang sensasyon na dulot n'ya. What's happening to me? This is not the first time a girl hugged me, why do I feel different?
Muli ay sinubukan kong itulak s'ya ngunit hindi ko naituloy nang maramdaman ko ang malalim n'yang paghinga. She's already sleeping! Wala sa loob na napatitig ako sa kanyang mukha na natatabingan pa ng ilang hibla ng buhok. Without thinking, I fixed her hair and stare at her face.
"You're really something," bulong ko. "Paano mo nagawang magtiwala sa akin ng ganoon kabilis?"
Sinulyapan ko ang kanyang labi na bahagya pang nakabuka. She may not be that pretty but she got the most seductive lips I've ever seen in my life. Natural at walang bahid ng kahit anong lipstick. I don't even think that she's wearing any make up. Psh, wala din ba s'yang pambili ng make up?
Bigla naman nag-ring ang kanyang cellphone na nasa tabihan lang n'ya. I was actually hoping she'll wake up pero para s'yang mantika na natutulog pa din. Aish! Medyo nangangawit na din ang balikat ko. I can easily shove her off and leave but half of me want to stay here with her.
Wala pa din tigil ang pagtunog ng kanyang cellphone, I decided to get it using my other hand. Numero lang ang nakarehistro sa screen.
"Pati cellphone ay luma na," bulong ko. Sinagot ko na lang ang tawag.
"Jewel?" boses lalaki ang nasa kabilang linya. "Busy ka ba?"
Kumunot ang aking noo saka muling sinulyapan ang natutulog na si Jewel.
"Jewel?" ulit ng nasa kabilang linya. "Pasensya ka na at bigla akong napatawag, I just want to talk to you. Nakuha ko din kay Grace ang cellphone number mo, I hope you don't mind."
"Who's this?" 'di ko napigilang itanong.
"Sino ka?" balik tanong n'ya. "Bakit hawak mo ang cellphone ni Jewel? Nasaan s'ya?"
I looked at her again. "She's sleeping."
"Where?"
"Beside me," kaswal kong sagot.
"WHAT?!"
Nailayo ko naman sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng sigaw ng kung sino mang pontio pilato sa kabilang linya. The hell? Totoo naman natutulog sa tabi ko si Jewel, bakit parang nagulat pa s'ya?
Ipagpapatuloy...