CHAPTER 11

1853 Words
CHAPTER 11 Ethan's POV "GOOD morning hon," I heard Tanya's voice. Ibinaba ko naman ang hawak kong dyaryo saka s'ya binalingan. She's now getting herself a cup of coffee. Dang, she look so sexy with her large shirt and messy hair. Ang ganda talaga ng misis ko! "Good morning," sagot ko na lang. "Saan ka nga pala pupunta ngayon?" Kunot-noong lumapit naman s'ya sa akin while holding her cup of coffee. "Pupunta?" "I thought you have an appointment this morning?" Nagulat naman ako ng tumawa s'ya ng malakas. Wait a minute, did I miss something? "Hon, 'di mo talaga nahalata ang plano ko kagabi?" Natigilan naman ako. May duda na ako sa ginagawa n'ya kagabi. I mean, katulad na lang na niyaya n'ya si Jewel kumain sa labas at kasama pa si Roie. "Don't tell me you already planned everything, I mean you just met Jewel yesterday!" "Ikaw naman, hindi mo ba nakikita ang mga sulyap ni Roie kay Jewel?" May saltik na naman ang misis ko. Hindi ko pa din mapaniwalaan na nakapagplano kaagad s'ya ng ganoon kabilis. She purposely left Jewel with Roie! "Hindi ka man lang ba nag-alala sa safety ni Jewel," dinampot ko ulit ang dyaryo. "Lalaki pa din naman si Roie." "Sus, maarte at mayabang lang si Roie pero hindi iyon manyak." "Gaano ka nakakasiguro?" "It's because he is John Roie Fontabella-Lee. Parang hindi mo kilala ang taong iyon. At isa pa, I can feel na hindi basta-bastang babae si Jewel, kawawa lang s'ya kapag may binalak s'yang masama sa new friend ko." Napailing na lang ako. Sana nga lang ay tama ang iniisip ni Tanya. Kahit naman matagal na kaming magkakaibigan nina Roie ay hindi ko pa din maiwasang magulat sa pabago-bagong ugali ni Roie. That guy is unpredictable. "I need to go," I stood up and grab my coat. "See you later hon." "Okay, take care." I gave her a light kiss before leaving. Malapit lang naman sa bahay namin ang restaurant, kung hindi traffic ay makakarating ako doon within twenty minutes. Nang makasakay na ako sa kotse ay saka ko sinubukang tawagan si Roie. Ngunit sa voice mailbox lang ako napupunta. Tulog pa kaya ang lokong iyon? Minutes passed at nakarating na ako sa restaurant. May ilang empleyado na din doon na naghahanda na para sa pagbubukas ng restaurant. "Good morning sir Ethan," bati sa akin ng ilan sa naroon. "Good morning," inilibot ko ang paningin ko sa paligid. I'm expecting Jewel to be here but I can't see her. Nagkibit-balikat na lang ako, baka papunta na din dito iyon. Sabi nga n'ya, kahit madami pa s'yang mainom ay makakapasok pa din s'ya. Tumuloy na lang ako sa opisina at sinimulan na ang aking trabaho.                                                                                                                                                                                                                                          Jewel's POV NAGMULAT ako ng mga mata. Ang una kong naramdaman ay ang masakit kong ulo at nangangawit na katawan. Ano ba'ng nangyari? Nakatulog ba ako nang nakaupo? Inilibot ko sa paligid ang aking paningin. Madaming basyo ng bote sa lamesa, may mga pagkain din na naiwang nakatiwangwang. Nasa videoke bar pa ba ako? Doon ko lang din napansin ang matigas na bagay na kinahihiligan ko. I looked at my right side and saw a man sleeping. Holy s**t! Mabilis akong lumayo sa lalaking sinasandalan ko. Namimilog ang mga matang minasdan ko kung sino iyon, at halos panawan ako ng ulirat nang mapagtanto kung sino ang lalaking natutulog sa tabi ko. Mr. R?!                          Anong ginagawa n'ya dito? Bakit narito pa din s'ya? Bakit magkatabi kami? Bakit ako nakasandal sa kanya? Masisiraan ako ng ulo sa dami ng tanong na nagsusulputan sa aking utak. I immediately looked at my clothes. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang may damit naman ako. Sinulyapan ko ulit si Mr. R na nakapikit pa din. Parang ako ang nahihirapan sa kanyang posisyon. Nakahilig kasi ang kanyang ulo, sa tingin ko ay nakatulog s'ya sa ganoong posisyon. Dahan-dahan akong tumayo para kunin ang gamit ko na nasa kabilang couch. Kulang na lang ay pigilan ko ang paghinga para lang hindi ako makalikha ng ingay. Ano'ng katangahan na naman ang ginawa mo Jewel, hindi kayo close ng lalaking iyan! Nang nakuha ko na ang aking gamit ay saka ko ulit s'ya nilingon. Nakakaawa naman s'ya tingnan. Siguradong paggising n'ya ay sasakit ang kanyang katawan at leeg. Dumako ang mata ko sa kanang kamay n'ya. He's holding my phone! Pati gamit ko ay pinakialaman n'ya! Marahan ulit akong naglakad palapit sa kanya para kunin ang aking cellphone. Maluwag naman ang kanyang pagkakahawak kaya nakuha ko agad iyon. Now I need to leave. Kailangang makaalis na ako dito bago pa s'ya magising. Patiyad na naglakad ako patungo sa pintuan. Medyo nahihilo pa din ako, siguro ay sa dami ng aking nainom. Saka ko na poproblemahin ang nangyari, kailangang makaalis muna ako dito. Akmang hahawakan ko na ang seradura ng pinto nang isang malakas na ringtone ang aking narinig. s**t talaga! Mabilis kong kinuha ang aking cellphone pero laking gulat ko nang hindi naman pala sa akin ang natunog. Nakangiwing lumingon ako sa gawi ni Mr. R. I saw a phone laying on the table, iyon ang kanina pang nagri-ring. Nakita ko naman na kumilos si Mr. R, sinipa lang naman n'ya ang lamesa ng malakas na ikinalaglag ng cellphone sa sahig. "Who the f**k is calling me—aw," aniya habang hawak ang kaliwang balikat na sinandalan ko. Hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Ang plano kong umalis ay naglaho na parang bula nang makita kong nakangiwi s'ya habang hinihilot ang kaliwang balikat. Ayaw ko man ay nakaramdam ako ng kaunting guilt. "Saan ka pupunta?" baling n'ya sa akin. "H-ha? A-no—sa b-banyo?" bakit ba ako nauutal?! "Akala ko ay tatakasan mo ako," umayos s'ya ng pagkakaupo habang minamasahe pa din ang kanyang balikat. "s**t, ang sakit. Para akong nagbuhat ng isang sakong bigas." Ano daw? Ganoon ba ako kabigat? Gago ito ah! Bubungangaan ko sana s'ya nang sumulyap s'ya sa akin na tila kakaiba. Bakit parang ang amo ng mukha n'ya ngayon? Parang hindi s'ya ang Mr. R na nakilala ko na ubod ng yabang. Iyong tipong mukha pa lang ay maaalibadbaran ka na. "Okay ka lang ba?" surprisingly, his voice is also soft. "Ako?" I even pointed at myself. "Bakit mo naitanong?" "You were crying last night, baka may problema ka." Anak ng tinapa! Umiyak ako kagabi? At ang malala ay nakita pa n'ya! Ibig kong iuntog ang aking ulo sa pader, sobrang kahihiyan naman ang ginawa ko. Hindi! Bakit ako mahihiya?! Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "Hindi tayo close para magtanong ka sa akin ng ganyan." "We were." Kulang na lang siguro ay magkaroon ng malaking question mark sa noo ko. Ano'ng pinagsasasabi n'ya? "We were?" ulit ko. "We were close last night," ngumiti na naman s'ya ng sagad. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko na bumilis ang t***k ng aking puso. How can someone look so adorable with those dimples? Napailing ako, may mali yata sa utak ko. Side effect yata ito ng pagkalasing ko. "K-kagabi iyon," pinilit ko pa din magtaray para mapagtakpan ang kakaiba kong nararamdaman. "Lasing lang ako kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." "I see," tumayo naman s'ya ngunit bigla ulit s'yang napaupo. "Shit." Hindi ko alam kung bakit pero napatakbo ako sa kanya. Why do I feel so worried? "Ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko. I want to touch him but I stop myself. Baka bigyan pa n'ya iyon ng kahulugan. "Nothing." Wala daw? Kaya pala halos mamula ang kanyang mukha. Para s'yang kamatis sa pamumula. Siguradong masakit ang kanyang katawan, 'tapos binigla pa n'ya ang sarili sa pagtayo. Hay naku, ang mayaman nga naman. "Mauna na ako sa'yo," saad ko na lang. "Papasok pa ako sa trabaho." "Trabaho?" he looked at his wristwatch. "You're already two hours late." Two hours late. Two hours lang na—s**t! Late na ako! "Aalis na ako," natataranta kong saad. "Hahabol pa ako sa shift ko!" Akmang tatakbo na ako palayo nang maramdaman ko na may humawak sa aking kamay na parang pinipigilan ako. Paglingon ko ay nakita kong hawak n'ya ako. "B-bakit? Late na ako, k-kung may sasabihin ka—" "You're already late. No need to rush." "Mr. R, kailangan kong magmadali. Uuwi pa ako para maligo at magpalit ng damit. Aabot pa ako kahit half shift na lang." "I told you, don't rush. Hindi mo ikakatanggal ang late mo ngayon." Pumiksi ako. Napakadaling sabihin para sa kanya dahil hindi naman s'ya ang nanganganib ang trabaho. Siguro nga ay hindi ko kaagad ikakatanggal ito sa trabaho pero kukulangin ang sweldo ko! Ang malala pa ay baka makaapekto ito sa regularization ko. "Mayaman ka, madaming pera kaya nasasabi mo iyan. Hindi ko nga ikakatanggal ito pero manganganib pa din ang employment ko. Paano 'pag hindi ako na-regular?" Nakita ko naman na dinampot n'ya ang kanyang cellphone sa sahig saka tumayo. Napanganga ako nang hilahin n'ya ako palabas. "T-teka, saan mo ako dadalhin?!" pinilit ko ulit makawala sa pagkakahawak n'ya pero napakahigpit ng kanyang hawak sa akin. "Regularization? Iyon ba ang inaasahan mo sa restaurant na iyon?" malamig n'yang tanong habang sige pa din s'ya sa paghila sa akin palabas ng gusali. Hindi ko naman makita ang kanyang ekspresyon. But I can feel that he's offended. Pero bakit? "If you want, bibilhan pa kita ng sarili mong restaurant." Napairap naman ako. Nagsimula na naman s'ya. "Huwag mo akong umpisahan Mr. R—" "Call me Roie." Naiinis na talaga ako! Kanina pa n'ya ako kinakaladkad. Sumasakit na din ang aking pulso sa higpit ng kanyang pagkakahawak. "We're not friends, bakit kita tatawagin sa pangalan mo?" Nakahinga naman ako ng maluwag nang bitawan n'ya ang kamay ko. Ngayon ko lang din napansin na nakarating na kami sa parking lot. We are now standing in front of his car. "You told me last night that we're already friends." Eh? Sinabi ko iyon? Binuksan naman n'ya ang pinto ng kanyang sasakyan. "Sakay." Ano'ng akala n'ya sa akin, aso? Kung makautos wagas! "I already told you Mr. R—" "It's Roie." "Whatever," irap ko. "I already told you, uuwi pa ako. May trabaho ako at kailangan kong makapasok agad para magpaliwanag kay sir Ethan." Nagsisisi tuloy ako. Dapat ay hindi na lang ako sumama kay Tanya. Nakakahiya nga lang at parang napaka-friendly n'ya. "Si Ethan lang ba ang kinatatakutan mo?" I saw him get his phone at tila may kinalikot doon. "Watch Jewel Kim." Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang aking katawan na nanatili lang na nakatayo sa harapan n'ya. Ano'ng gagawin n'ya? Is he calling sir Ethan right now? "Ethan," narinig kong sabi n'ya habang nakadikit sa tainga ang kanyang cellphone. "We're still here." Pinanood ko lang s'ya. Tama nga ang iniisip ko. Tinawagan nga n'ya si sir Ethan! "Do I need to answer your question?" aniya na tila tinatarayan ang kausap sa kabilang linya. "I know you called earlier, ikaw lang naman ang naka-phone book sa cellphone ko." Halos malaglag ang aking panga sa sinabi n'ya. Ganoon ba talaga s'ya?! Napaurong naman ako nang sumulyap s'ya sa akin. "She's with me, and yes she will be late. It also depends on my mood kung papapasukin ko pa s'ya, so calm your balls and do your job." Ibinulsa na n'ya ang kanyang cellphone saka bumaling sa akin. "Happy?" "Galit ba sa akin si sir Ethan?" hindi ko mapigilang kabahan. To my surprise, he just smirked. "Dapat ay matakot ka kapag ako na ang nagalit. Now, hop in bago pa kita itulak sa loob ng kotse ko."                            Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD