CHAPTER 12
BAKIT ganito? Ilang araw mula nang ihatid ako ni Mr. R or Roie ay hindi na muli s'ya pumunta dito sa restaurant? Tuluyan na ba s'yang nainis sa akin? Sinulyapan ko naman ang lamesa na madalas n'yang tambayan kapag narito s'ya. Hindi ko alam ang dahilan pero tila hinahanap s'ya ng aking mata. Natigilan naman ako sa tumatakbo sa aking utak. Hinahanap ko ang mayabang na iyon? No way!
Hinawakan ko ang sarili kong noo. Wala naman akong lagnat. Tsk, baka nalilipasan na ako ng gutom. I looked at my wristwatch and saw that it's almost twelve in the afternoon. Tama, gutom lang ito.
"Jewel, kakain muna kami ng lunch," ani ng isa kong kasama. "Kayo na muna ni Eunice ang bahala sa mga guests."
Tumango naman ako. "Okay!"
Kakaunti lang naman ang kumakain ngayon kaya makakapagpahinga ako. Inilapag ko muna sa counter ang hawak kong tray saka nag-inat. Kanina pa pala akong nakatayo.
Napalingon naman ako nang tumunog ang bell ng pintuan senyales na may kapapasok lang. I was expecting to see Roie but to my disappointment he's not there. Bakit Roie na naman! Palihim kong sinampal ang aking sarili. Stop it Jewel, ano ba'ng nangyayari sa'yo?!
Mabilis kong inayos ang aking sarili saka lumapit sa kadarating na lalaki. May kasunod din s'yang babae, sa tingin ko ay magkasintahan sila.
"Good afternoon sir," nakangiti kong bati. "Table for two?"
He just looked at me in a cold way. Napalunok naman ako. Sayang, gwapo pa naman pero mukhang masungit.
"I have a reservation in one of your private dining office," maging ang boses n'ya ay malamig din. "Can you check it."
"Oh, okay po!" mabilis akong lumapit sa counter. "Karen, may reservation ba tayo sa second floor?"
"Wait, titingnan ko."
I waited for couple of minutes. Sinulyapan ko muli ang lalaki na ngayon ay kinakausap na ang babaeng kasama. Then Eunice ushered the girl towards a table.
"Mayroon nga," saad ni Karen. "It is for Mr. Grey Cui Yue and Mr. Roie Lee."
Natigilan naman ako. Si Roie? Iyong Roie na ubod ng yabang.
"I see," I smiled. "Sige, sasamahan ko na lang s'ya doon."
Bibihira ang gumagamit ng mga VIP dining areas namin. Kalimitan ay mga businessman na may luncheon meeting. Nilapitan ko naman ang gwapong lalaki.
"I already confirmed your reservation sir, ihahatid ko na—"
"No need," putol n'ya. "I know where it is." iyon lang at nilampasan na n'ya ako.
Lihim naman akong napasimangot. Ang sarap batuhin! Pasalamat s'ya at guest s'ya. Kaloka, may attitude si sir.
"Hayaan mo na s'ya," may biglang nagsalita sa likuran ko. Nang tingnan ko ay si Karen pala iyon. "Matagal nang customer dito si Mr. Cui Yue kaya pamilyar na s'ya sa lugar na ito."
Umingos naman ako. "May attitude."
Narinig ko naman ang pagtawa nya. "Ganoon talaga si Mr. Cui Yue. Kilala s'ya dito bilang cold at supladong guest. Pero sabi ni sir Ethan, he's one of our loyal customers."
Nagkibit-balikat na lang ako. Napansin ko naman na naglakakad na pabalik si Eunice.
"Ano," ani Karen. "Girlfriend ba ni Mr. Cui Yue?"
"Sa tingin ko ay girlfriend nga n'ya," bulong naman ni Eunice. "Sayang, taken na pala si Mr. Cui Yue. Ang yummy pa naman n'ya."
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa. Ano'ng meron? Bakit nila pinag-uusapan ang aming guests?
Sumingit naman ako sa kanila. "Bakit interesado kayo sa kanila?"
Nagkatinginan naman sila sabay tumawa. "Oo nga pala, bago ka pa lang dito."
"Kasi," pabulong na sabi ni Eunice. "Iyong gwapong lalaki ay kilala dito sa restaurant. Halos lahat kami dito ay may crush sa kanya. Kaya sa tuwing nagpapa-reserve s'ya dito ay inaabangan namin s'ya."
"At eto pa," ani Karen. "Ito ang unang beses na may kasama s'yang babae kaya naman hindi namin mapigilan na pag-usapan sila."
"Siguradong mabo-broken hearted si Camille, may jowa na ang crush n'ya!"
Nagtawanan naman sila saka nag-apir. Napailing na lang ako. Parehas naman silang tumigil nang muling magbukas ang pintuan ng restaurant. Mabilis na bumalik sa counter si Karen habang si Eunice naman ay nagkunwaring nagpupunas ng lamesa.
Tiningnan ko naman kung sino ang kadarating lang. I saw Roie. Sa hindi malamang dahilan ay kumabog na naman ang aking dibdib. He looked devilishly handsome! Ngayon ko lang s'ya nakita na nakasuot ng office attire. Ang buhok naman n'ya ay malinis na naka-gel. Mukha s'yang kagalang-galang.
Hindi naman ako kumilos sa kinatatayuan ko. Hinintay ko na dumaan s'ya sa tapat ko. I was expecting that he'll look at me but he didn't. Diretso lang ang lakad n'ya patungo sa second floor. Napansin ko din na masyadong seryoso ang kanyang mukha which is weird. Nasanay yata ako na lagi s'yang nakangiti habang nagyayabang.
Napasunod na lang ang mga mata ko sa dinaanan n'ya hanggang mawala s'ya sa paningin ko. Did he just ignored me?! Hindi ako makapaniwala, parang hangin lang ako na dinaanan n'ya! Nakaramdam ako ng ngitngit. Ang yabang talaga! Porke naka-coat and tie ay akala mo na kung sino!
"Aherm!"
Nagulat naman ako nang may tumikhim sa gilid ko. I saw Eunice standing there while grinning at me. Nagsalubong naman ang kilay ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang lagkit ng tingin mo kay Sir ah."
"Ako?" bahagya pa akong natawa. "Hindi ah!"
"Sus!" marahan pa n'ya akong itinulak. "Disappointed ka ba at hindi ka n'ya pinansin?"
Ano'ng pinagsasasabi ng babaeng ito? Ako? Ma-disappoint? Nagpapatawa ba s'ya?!
"Hindi 'no!" tanggi ko. "H-hindi ko lang inaasahan na pupunta s'ya dito."
"Palusot pa! Huwag ka nang malungkot, ganoon lang talaga si sir Roie kapag may business meeting."
Naglakad naman ako palayo sa kanya saka nagkunwaring inaayos ang mga kubyertos sa ibabaw ng isang mesa. Bakit ako malulungkot? Hindi naman kami close ni Roie! Ang lakas ng imagination ni Eunice.
Kamuntikan naman akong mapatalon nang biglang sumulpot na naman si Eunice sa harapan ko. Kagaya kanina ay nakangisi pa din s'ya. Aish! Hindi pa ba s'ya tapos mang-intriga?!
"What?" bored kong tanong.
"Bet mo si sir Roie ano?"
Literal na napanganga ako sa sinabi n'ya. Saan naman n'ya nakuha iyon? Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Napansin lang namin," pagpapatuloy n'ya. "Ilang beses ka din dinalaw dito ni sir Roie, nanliligaw ba s'ya sa'yo?"
Bigla naman akong nasamid sa sinabi n'ya. "H-hindi ah!" tanggi ko. Kinikilabutan ako!
Napatango naman s'ya pero halatang hindi naman s'ya naniniwala sa akin. Namewang na lang ako.
"Ano ba'ng meron?" hindi ko napigilang itanong. "Bakit mo naisip na nililigawan ako ni Roie?"
"Actually, hindi lang ako ang nag-iisip n'on. Lahat kami!"
"I already told you, hindi n'ya ako nililigawan."
Nagkibit-balikat naman s'ya. "Ganoon ba, pasensya ka na. First time kasi namin na may kinulit na babae si sir Roie eh."
Bahagya naman akong natawa. "Kung makapagsalita ka ay parang matagal mo nang kilala si Roie."
"Technically, yes."
"Bakit? Artista ba s'ya?"
Umiling naman s'ya saka kinawayan si Karen. Lumapit naman sa amin si Karen na nagtataka.
"Bakit?" tanong ni Karen nang makalapit.
Itinuro naman ako ni Eunice. "Sabihin mo nga kung bakit kilala natin si sir Roie."
"Ah!" ngumiti naman si Karen. "Kabilang kasi s'ya sa grupo ng mga sikat at mayayamang bachelors sa Asya."
Mas lalong nangunot naman ang aking noo. "Hindi kita ma-gets."
"Ganito kasi iyan," hinila nila ako paupo. Mabilis naman akong tumingin sa paligid, baka makita kami ni sir Ethan!
"Chill ka lang Jewel," natatawang saad ni Eunice. "It's our break time. Saka iilan lang naman ang guests natin kaya kumalma ka."
"Okay."
Naupo kaming tatlo. Para kaming may mahalagang pag-uusapan kung kumilos silang dalawa. Ano ito, top secret? Nakakaloka sila.
"Ang lalaki kanina ay si Mr. Cui Yue," umpisa ni Karen. "He's the founder of White Phoenix Bachelor's Society."
"May ganoon?" tanong ko. "Hindi ko narinig ang bagay na iyan."
"Saan ka ba nakatira? Hello, kilala sila sa business world. Madami din celebrities ang nali-link sa member ng WPBS, bakit hindi mo alam?"
Nagkibit-balikat naman ako. Walang ganoong balita sa probinsya namin. Isama pa na hindi naman ako mahilig sa mga ganoong usapan. Siguro ay dahil mas naka-focus ako sa pag-aaral dati, at ngayon ay ang paghahanap ng pera. Wala akong pahanon sa mga ganoong bagay.
"Okay, like what I'm saying, si Mr. Cui Yue ang founder ng grupong iyon. May limang myembro ang WPBS. Pangalawa na doon ay si sir Roie Lee."
"At para saan naman ang samahan nilang iyon?" tanong ko habang nakataas pa ang isa kong kilay.
"Samahan lang naman iyon ng mga batang businessman na sa murang edad ay nakapag-establish na ng pangalan sa business world. Kung hindi mo alam, si Mr. Cui Yue ay kilala bilang one of the youngest businessman at single pa din s'ya hanggang ngayon," ani Eunice.
"Next on the list ay si sir Roie Lee," saad naman ni Karen. "May pagkakatulad sila ni Mr. Cui Yue. He earned his first millions at the age of seventeen."
"Seventeen?!" bulalas ko. He's that young when he became successful?
Noong seventeen yata ako ay busy pa ako sa pag-akyat sa puno ng mangga at paghuli ng salagubang. Samantalang si Roie ay nagpaparami na ng pera? The hell!
"Ang sunod na myembro ay si Frost Do-Yun. S'ya ang pinakabunso sa kanilang lima. He's just around twenty one, at sikat s'ya sa pagiging cold sa lahat."
"Cold?" uso ba talaga sa mayayaman ang ganoo? "Mas cold pa sa Mr. Cui Yue na iyon?"
"Yep!" natatawang sagot ni Karen.
Hindi naman ako makapaniwala na madami silang alam sa lalaking iyon.
"Ang pang-apat na myembro naman ay si Andrei Hyun," ani Karen na parang kinikiliti pa sa singit. "Para sa akin s'ya ang pinakgwapo sa lahat!"
"Ang landi!" tinampal pa s'ya ni Eunice.
"Ano ka ba, bet na bet ko iyong mala-bad boy look n'ya. Kahit yata sa opisina ay naka-rugged attire s'ya."
"Madalas ba s'ya dito?" singit ko. "Kung magsalita ka ay parang kilalang-kilala mo na s'ya."
Bigla namang sumimangot si Karen. "Oo, kilala ko ang gagong iyon."
Nagtataka na binalingan ko naman si Eunice. Nagkibit-balikat lang naman s'ya.
Tumikhim naman si Karen. "Anyway, ang pinakahuling myembro naman ay si Max. Ang ikalawang demonyo sa samahan nila."
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Demonyo talaga?"
"Yes," si Eunice naman ang sumagot. "Yumaman s'ya sa pagiging assasin."
Para namang masasamid na naman ako sa aking narinig. "A-assasin?"
"Oo, pero sa past life n'ya lang iyon," kibit balikat na saad ni Karen. "Nakulong s'ya at the age of nineteen for killing someone powerful. Doon s'ya nakilala ni Mr. Cui Yue, at madaming usap-usapan na si Mr. Cui Yue ang tumulong sa kanya na makalaya."
"Teka lang," awat ko. "Hindi ba at may batas tayo?!"
"Batas? Para lang iyon sa walang maraming pera. Malaki ang pakinabang ng gobyerno sa samahan nila. They are one of the top money maker of this country."
May ganoon pala? Hindi ko inaasahan na may ganoong kalakaran sa gobyerno. May baho din palang nagaganap.
"Paano n'yo naman nalaman ang mga bagay na iyon?" usisa ko. "Sa tingin ko ay hindi naman sa kanila nagmula ang impormasyon na iyon. Paano kung tsismis lang pala lahat?"
Sa gulat ko ay nagtawanan na naman sila saka tumayo para iwan ako. Ganoon lang?! Binitin nila ako sa kwento?
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko akalain na ganoon kaimpluwensya si Roie. Hindi nga s'ya nagbibiro sa bagay na ubod nga s'ya ng yaman.
Ipagpapatuloy...