CHAPTER 13
NAPASIMANGOT ako nang tila mas lumakas ang buhos ng ulan. Nababasa na din ako mula sa ampiyas. Ang ganda naman ng panahon kanina! Naiinis na pinagpag ko ang aking damit. Wala pa naman akong dala na payong!
"Jewel!" narinig ko ang boses ni Eunice. "Wala ka ba'ng dala na payong?"
Kimi naman akong ngumiti. "Wala eh, hindi ko naman ine-expect na uulan."
"Gusto mong sumabay sa amin?"
Napasulyap naman ako sa kasama n'ya. Sa tingin ko ay boyfriend n'ya iyon. May sasakyan din na nakatigil sa tapat namin. S'ya na ang may sundo.
Umiling na lang ako. "Okay lang, hindi na. May dadaanan pa din kasi ako. Hihintayin ko na lang na tumila ang ulan."
"Okay, see you tomorrow!"
Kinawayan ko na lang s'ya. Pinanood ko na lang kung paano s'ya payungan ng nobyo pasakay sa kotse. Swerte naman n'ya.
Tiningala ko ang langit. Tila mas dumilim iyon. Kapag hindi pa din tumigil ang ulan ay mapipilitan akong magpakabasa na lang. Medyo malayo pa naman dito ang sakayan ng bus. Nagulat naman ako nang may humaharurot na sasakyan ang dumaan sa tapat ko kasabay nang pagtalsik sa akin ng tubig baha. Napanganga ako dahil pakiramdam ko ay nabasa na ako ng bongga.
Gago iyon ah! Hindi ba nakita ng driver na may taong nakatayo dito? Kung makapagmaneho ay akala mo sarili ang kalsada!
Chill Jewel, makakarma din ang taong iyon!
Inayos ko na lang ang buhok ko na nabasa na din. Napangiwi din ako nang makitang halos mangitim ang suot ko dahil sa tubig. Tubig kanal pa yata ang sumaboy sa akin!
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi man lang humina ang ulan. Mas lalo pa iyon lumakas. Tumataas na din ang tubig sa kalsada. Tiningnan ko naman ang aking relo, malapit nang gumabi. Isang pulang kotse ang napansin ko na huminto sa aking tapat. Nakita ko din na bumaba ang salamin sa shotgun seat at may taong bahagyang dumungaw doon.
"Hey!"
Kumunot naman ang aking noo nang makilala ko kung sino ang driver ng naturang sasakyan. It was Roie! Hindi ko naman kasi nakilala ang sasakyan n'ya dahil iba naman itong gamit n'ya ngayon.
"Sakay na," sigaw n'ya ulit.
"Ayoko," irap ko. Kanina lang ay halos hindi n:ya ako sulyapan 'tapos bigla n'ya akong kakausapin ngayon?
"Mukhang hindi titigil ang ulan, mahihirapan ka din sumakay n'yan."
Sinulyapan ko ulit s'ya. He's smiling at me again. Bipolar yata ang isang ito.
"Ano na?"
Bumuntong hininga naman ako saka muling sumulyap sa kalangitan. Madilim pa din iyon, mukhang hindi pa titigil ang ulan. Ugh! Mukhang wala akong choice.
"Sasakay ka ba o iiwanan kita dito?" saad ulit ni Roie.
"Sasakay na!" naiinis kong sagot saka tumakbo palapit sa sasakyan n'ya.
Mabilis ko naman binuksan ang pinto saka sumakay. Sumalubong naman sa akin ang malamig na buga ng aircon ng sasakyan.
"Basang-basa ka," aniya saka pinaharurot ang sasakyan. "Hindi ka ba nagdala ng payong?"
"Mukha ba'ng may dala ako?" pagtataray ko. "Kung may payong ako, hindi mo ako makikita doon!"
"Ang taray naman."
Inirapan ko na lang s'ya. Labag sa loob ko na makasama sya sa loob ng iisang sasakyan. Kung may choice lang ako, hinding-hindi ako sasakay dito.
Bahagya naman akong nanginig sa lamig. Nayakap ko din ang aking sarili. Ang lamig!
"Nilalamig ka?" narinig kong tanong n'ya.
"Hindi ba halata? Bakit kailangang itanong ang mga bagay na obvious naman?"
Bahagya naman s'yang natawa. "It's because I'm used to you answering the opposite one."
Muli ay umirap ako. Binalingan ko na lang ang bag ko na nabasa din. Kaagad ko namang tiningnan ang gamit ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi gaanong nabasa ang mga gamit doon.
"Use this."
Napalingon naman ako sa kanya. Kasalukuyan pala n'yang hinuhubad ang suot na coat sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Nang mahubad ay iniabot n'ya iyon sa akin gamit ang isang kamay.
"Ano'ng gagawin ko d'yan?" tanong ko.
"Isuot mo para mabawasan ang panlalamig mo."
"Ayoko nga!"
"Ang arte mo," bigla n'yang ibinato iyon sa akin na ikinalaglag ng aking panga. "Ang baho mo para mag-inarte."
"E-excuse me?"
"Amoy kanal ka."
Hindi makapaniwalang natawa ako. "Bakit ka nagrereklamo? Ikaw ang nag-offer na pasakayin ako 'tapos magrereklamo ka?"
Mabilis naman n'ya akong sinulyapan. "Para ka kasing basang sisiw kanina. Nakakaawa kang tingnan."
So utang na loob ko pa?!
"Isuot mo na iyan," aniya.
"Ayoko. Baka bumaho din itong coat mo."
"Huwag kang makulit Jewel, kapag hindi mo isinuot iyan ay ako mismo ang magsusuot n'yan sa'yo!"
No way! Mabilis na isinuot ko na lang ang kanyang coat. Nakaramdam naman ako ng ginhawa, bahagya kasing nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Lumipas ang ilang sandali at walang salita ang namagitan sa amin. Kasalukuyan kaming ipit sa traffic. Pasimple ko naman s'yang sinulyapan. Seryoso s'yang nakatitig sa harapan habang nakakunot ang noo. He look different.
"Bakit mo ginagawa ito?" hindi ko mapigilang itanong.
Bumaling naman s'ya sa akin. "Ang alin?"
Na-realize ko naman ang sinabi ko. Aish, bakit ko ba naitanong iyon?!
Nagkibit-balikat na lang ako. "Wala."
"Okay ka na ba?"
Nagsalubong naman ang kilay ko. Ano na namang tanong iyon?
"What I mean is, nilalamig ka pa ba?"
"Medyo," sagot ko.
Narinig ko naman ang malalim n'yang pagbuntong hininga. Natigilan naman ako nang tanggalin n'ya ang pagkakabutones ng kanyang polo. May tatlong butones ang kanyang binuksan na ipinagtaka ko. He also rolled his sleeves up to his elbows.
"T-teka," nauutal kong saad nang bahagya s'yang lumapit sa akin. "A-ano'ng ginagawa mo?"
He didn't answer. He just smirked at me. Mas lumapit naman s'ya sa akin. Kulang na lang ay sumiksik ako sa aking kinauupuan. May balak ba s'yang masama sa akin?!
"Relax," nakangiti n'yang bulong. "I won't do anything."
Napansin ko na dumako ang kamay n'ya sa may bandang harapan ng sasakyan na parang may inayos doon saka umayos ng pagkakaupo. Doon ko din naramdaman ang mainit na hangin.
"I turned on the heater, kawawa ka naman kasi," natatawa n'yang saad.
Nakaramdam naman ako ng pagkahiya. "A-ano'ng nakakatawa?!"
"Ikaw."
Namilog naman ang mga mata ko. Ramdam ko din na nag-init ang magkabila kong pisngi.
"Why?" aniya habang abot sa magkabilang tainga ang ngiti. "You thought I'm going to kiss you? Or give you body heat?"
"K-kapal mo!"
"Then why are you blushing and stuttering?"
I gritted my teeth. Kaunti na lang at sasampalin ko na s'ya!
"Hey," he said while chuckling. "I was just kidding. Although if you want a kiss, I'll be more than willing to give you one."
Literal na napanganga ako. Kinuha ko ang aking suot na sapatos para ihampas sa kanya pero biglang tumunog naman ang aking cellphone.
Binigyan ko naman s'ya ng masamang tingin. "Mamaya ka sa akin."
I heard him chuckled again. Kinuha ko na lang ang aking cellphone at nakita kong si Mama pala ang tumatawag.
"Mama!" masaya kong bungad. "Napatawag ka?"
"Jewel," bakas sa boses n'ya ang pag-iyak.
Bigla ang pagkabog ng aking dibdib. "Umiiyak ka ba Mama?!"
Humagulgol naman s'ya ng malakas. Napadiretso naman ako ng pagkakaupo. May nangyari ba'ng masama? Napasulyap din ako kay Roie na noo'y nakatingin na pala sa akin. Maging ang kanyang noo ay nakakunot din.
"Ang papa mo," humahagulgol na saad ni Mama.
"A-ano'ng nangyari kay Papa?!"
"Inatake sa puso!" at muli ay umiyak s'ya ng ubod ng lakas.
Para naman akong sinabugan ng kanyon sa aking narinig. Wala sa loob na ibinaba ko ang cellphone mula sa aking tainga. Si Papa?!
"Jewel, what's going on?"
Hindi ko alam ang gagawin. Paano nangyari iyon?! Healthy si Papa, at kailanman ay hindi namin s'ya kinakitaan ng sakit. Bakit bigla s'yang inatake sa puso?!
"Jewel!" isang malakas na pag-alog ang aking naramdaman.
Marahan akong humarap sa aking katabi. Roie is looking at me with confusion. Doon ko lang din napansin na nakatigil na ang aming sinasakyan.
"WHY THE HELL YOU'RE CRYING?!"
Ha? Napahawak ako sa aking pisngi. Basa na pala ng luha ang aking mukha.
"K-kailangan ko nang u-umuwi—" I tried to open the door but I heard it lock. Mabilis na nilingon ko si Roie. "Ano ba?! Kailangan kong umuwi! Hindi ngayon ang tamang oras para biruin mo ako!"
"Sino'ng nagbibiro?" sagot n'ya. "Hindi ako tanga para pababain ka sa gitna ng highway, sa gitna ng malakas na ulan nang ganyan ang hitsura!"
Napahagulgol na lang ako. I tried to open the car's door but it won't open. My father needs me! Kailangan kong umuwi sa probinsya!
"Calm the f**k down Jewel!" sigaw n'ya. "Tell me what's going on!"
I looked helplessly at him. "A-ang Papa ko..." then I burst into crying again.
Using both of my hands, I covered my face. Ayokong makita n'ya ako sa ganitong sitwasyon. Naramdaman ko naman na kinabig n'ya ako.
"Ssshhh," kasunod ay ang dalawa n'yang braso na yumakap sa akin. "Tell me so I can help you," marahan n'yang bulong.
Ipagpapatuloy...