CHAPTER 14
Roie's POV
"OKAY, call me when the plane is ready," I ended the call and look back to Jewel.
Kagaya kanina ay nakatulala lang s'ya sa kawalan. Her eyes are swollen after crying. Namumula din ang kanyang ilong at pisngi. Ibinalik ko na sa aking bulsa ang cellphone ko saka ako naglakad palapit sa kanya.
I sat beside her. "Any update from your mom?" tanong ko.
"Nakatanggap lang ako ng text message mula kay kuya," aniya sa mahinang boses. "Nasa ICU si Papa ngayon dahil hindi pa din stable ang kalagayan n'ya. He's still under monitoring."
I see.
Napasandal na lang ako. "We still need to wait for an hour. Sa Taiwan pa magmumula ang plane na gagamitin natin."
"Plane?" she looked at me.
"One of my private planes."
"H-hindi mo naman kailangan mag-abala. All I need is a plane ticket."
"You can do that," nagkibit-balikat pa ako. "The question is, do you have extra money to buy a plane ticket?"
"I-iyon nga—"
"Not to mention that the next flight will be tomorrow morning," putol ko. "Hindi naman tayo sumugod ng basta dito sa airport para sa wala lang."
Hindi naman s'ya umimik. She just looked down. Ilang sandali ang lumipas at nanatili lang kaming ganoon. Tanging ingay lang ng mga tao sa airport ang maririnig at ang minsang announcement para sa ibang pasahero.
"Anyway, what do you want? Nagugutom ka ba?" basag ko sa katahimikan n'ya.
"H-hindi."
"Then maybe a cup of coffee will do, this will be a long ride. At least drink coffee."
She didn't answer again.
I looked around and saw a coffee vending machine. "D'yan ka lang, I'll get a cup of coffee."
Hindi ko na hinintay na sumagot s'ya dahil siguradong tatanggi na naman s'ya. S'ya lang ang kilala ko na tumatanggi sa alok ko. Naiiling na naglakad ako palapit sa vending machine.
There's one thing I discovered about her. She may be look tough, but she's actually fragile. Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng babaeng umiiyak. The sight of her breaking down made me fell uneasy. Kaya siguro biglaan akong nakapag-alok ng tulong.
What the hell Roie? Hindi naman ako ganito. Wala akong pakialam sa tao sa paligid ko. Hindi ako nakikialam sa problema ng ibang tao, that's their f*****g problem not mine. But with her, I made a decision without thinking.
Napakamot na lang ako. Sana lang ay hindi ko ito pagsisihan.
Dala ang isang baso ng kape ay naglakad na ulit ako pabalik sa kinauupuan n'ya. Iniabot ko iyon sa kanya.
"Hindi ka magkakape?" tanong n'ya.
"I only drink Finca el Injerto," balewala kong saad. "Also I only drink coffee every Sunday."
I saw her eyes widened, then she shook her head. "You're weird."
Kumunot naman ang noo ko. "What's wierd with that?"
"May schedule ka sa pag-inom ng kape, at mukhang mamahalin din ang kape na gusto mo."
Bahagya naman akong natawa. "Of course. I only want the best. And the reason why I have schedule is because caffeine is not good for your body. I don't wanna end up being addicted to caffeine."
"Whatever."
I don't understand her. She look disgusted when I told her about it. Galit ba s'ya sa mayayaman? Is it our fault if we're working our ass hard to earn large amount of money? Is it our fault if we can buy the things we want from the money we earned?
Natanaw ko naman mula sa kalayuan ang aking assistant kasama ang ilan kong bodyguards. Tsk, kanina ko pa sila tinawagan pero ngayon lang sila dumating.
"What took you so long?" salubong ko. I didn't bother to hide my irritation.
"Sorry sir," bahagya pa s'yang yumuko. "Naipit kami sa traffic."
Napailing na lang ako. Lame excuse.
"By the way sir, Selena has arrived. I'll arrange everything so that we can take off as soon as today."
"Please."
Umalis naman s'ya. Ang mga bodyguards ko naman ay nakatayo lang doon at nagbabantay. I looked at Jewel again. She's now sipping her coffee.
"Sino'ng Selena?" maya-maya ay tanong n'ya.
Bahagya naman akong napangiti. Akala n'ya ba ay may babae akong isasama?
"Selena is my $367 million Boeing 747-8 VIP private plane."
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag-ismid n'ya. Bumulong pa s'ya na hindi umabot sa aking tainga.
What? May problema pa din ba s'ya sa sasakyan namin?
Sana ay sinabi n'ya para iyong Airbus ang naipadala ko. Kaya lang ay baka abutin pa kami ng ilang oras dito dahil nasa Russia si Emily, my $350 million Airbus A340-300 plane. Mas malaki iyon kumpara kay Selena.
Nagkibit-balikat na lang ako. S'ya pa ba ang mapili samantalang s'ya na ang tinutulungan ko. She will he flying with me inside an expensive plane with VIP treatment. I bet she'll never experience it with just a normal plane. Baka nga economy class pa ang kunin n'yang upuan.
Jewel's POV
"BOOK me a hotel," narinig kong utos ni Roie sa lalaking nakatayo sa harapan n'ya. Prente lang s'yang nakaupo habang may hawak na wine glass.
"I already have the lists of hotel where you can stay," nakita kong may hawak pa itong tablet. "First is Hotel Valderama—"
"How much per night?" putol ni Roie.
"That's eight thous—"
"Next."
Natigilan naman ako. Eight thousand? Ang mahal n'on ah!
"Ah, the next one is Villa Empress," kalmado pa din saad ng kanyang secretary. "It's twelve thousand per—"
"Next."
Ano'ng trip ng lalaking ito?
"The last one is Hotel De Garcia, it's fifteen thousand per night."
"Book it."
"Right away sir, for how many rooms?"
Lumingon naman sa akin si Roie. Nagtaka naman ako.
"B-bakit?"
"Sa hotel muna tayo pagdating natin ng probinsya n'yo—"
"Hindi," putol ko sa sasabihin n'ya. "My father needs me so I need to go straight to the hospital."
"Hindi ka man lang ba magpapahinga?"
Tinapik ko naman ang mamahaling leather couch na inuupuan ko. "Dito ako magpapahinga."
He just shrugged his shoulders and turn back to his secretary. "Book the entire floor. Hindi naman daw sasama sa hotel si Jewel."
Wait—what?!!
Ipagpapatuloy...