bc

BEHIND THE BLINDFOLD

book_age18+
334
FOLLOW
5.8K
READ
HE
single mother
heir/heiress
drama
mystery
bold
loser
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kanyang inang nasa ICU, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili kahit labag sa kanyang kalooban. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naangkin siya ng isang misteryosong lalaki na nagpakilala bilang "Z." Subalit sa halip na mapoot sa lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen, namalayan na lang ni Calley na nahulog ang loob niya rito. Minahal niya ang hindi nakikitang lalaki at umasa pangakong babalikan siya nito at magpapakilala. Sa paglipas ng panahon, kahibangan mang maituturing, ngunit pinaghawakan ni Calley ang pangakong iyon ni Z. Lalo pa't ang isang gabing namagitan sa kanila nito ay nagbunga.

Hanggang sa napadpad si Calley sa Coron at doon nakilala niya ang magkapatid na Zack at Zayne. Naging malapit ang dalawang lalaki sa kaniya, lalo na sa kaniyang anak, dahilan upang paghinalaan niyang isa sa mga ito si Z na ama ng kanyang anak.

Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita? Ang lalaking minahal niya sa kabila ng nakapiring niyang mga mata? Or will she open her heart again for a new love?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PUNO man ng takot at pangamba ang dibdib ni Calley, wala na siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang trabahong ibinigay sa kan'ya ni Lynette. Ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera. Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang pagpipilian. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang Nanay na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit. May brain tumor ito at kailangan ng agarang operasyon. Ulila na siya sa ama at wala rin siyang kapatid. Kaya't kung mawawala pa ang kanyang ina, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng paglagatik ng pinto, senyales na bumukas iyon. Sumunod ay ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya. Tumahip ang dibdib ni Calley habang pinakikiramdaman ang paligid. At dahil tanging karimlan lang ang nakikita n'ya sanhi ng piring sa kanyang mga mata, hinintay na lang niya ang susunod na mangyayari. "There you are woman..." saad ng tinig na sa tantiya n'ya ay nanggagaling sa kanyang harapan. Hindi malaman ni Calley kung bakit kakaiba ang dating sa kan'ya ng tinig nito. Namamaos iyon at walang kasigla-sigla. Naging malungkot tuloy iyon sa kanyang pandinig. Hindi ba dapat ay masaya ang tinig nito? Dahil heto siya sa harapan ng lalaki na tanging mata lang ang nababalutan ng tela. Bukod doon ay wala na. Mayamaya'y napakislot si Calley nang maramdamang lumundo ang kama kung saan siya nakaupo. Matapos niyon ay isang mainit at malambot na palad ang humaplos sa kanyang pisngi. "What's your name, woman?" tanong nito sa pareho pa ring tono-malungkot. "C-Camille." Sinadya niyang baguhin ang kanyang pangalan. Ayaw niya kasing makilala pa siya ng estrangherong kasama niya ngayon. Mahirap na, baka makarating pa iyon sa mga nakakakilala sa kaniya. "Camille..." pag-uulit nito sa sinabi niya, "How would you feel if the person you loved more than your life, betrayed you?" Iyon na yata ang pinakamalungkot na tinig na narinig ni Calley sa tanang buhay niya. Hindi niya mawari kung bakit, pero ang kaba, takot, at pag-aalala na kanina lang ay bumabalot sa kan'ya ay biglang naglaho. Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng hindi nakikitang lalaki. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nararamdaman din niya ang lungkot na pinagdaraanan nito. Nang hindi siya tumugon, narinig niyang bumuntong-hininga ang lalaki. Kasunod niyon ay ang mahinang paghikbi at pagsinghot-singhot. Umiiyak ba siya? Calley doesn't know why pero tila may sariling isip ang kanyang mga kamay na basta na lang kumilos. At bagaman nakapiring ang kanyang mga mata, sinikap niyang mahawakan ang mukha nito upang alamin kung umiiyak nga ito. At nang magtagumpay na haplusin ang pisngi nitong basa na sa mga luha, bigla itong yumapos sa kan'ya at humagulhol sa kanyang dibdib. Tila naman dinudurog ang puso ni Calley dahil doon. Nakaramdam siya ng awa at simpatya para sa lalaking hindi niya nakikita. Hinayaan lang ni Calley na umiyak ang estrangherong lalaki sa kanyang kandungan. Para kahit man lang sa paraang 'yon ay matulungan niya ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit lubos siyang naapektuhan sa paghagulhol nito. Pakiramdam niya, may kung ano sa loob niya ang nagnanais na pawiin ang sakit na nararamdaman nito... Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para sa lalaking kasama niya ngayon... Pakiramdam niya, may binuhay itong damdamin sa kanyang puso. "Is it possible to love someone whom you had been with for a single night?" piping tanong ni Calley sa kanyang sarili. Posible nga kayang makaramdam siya ng ganoon sa isang lalaking tanging boses lang ang naririnig niya? Posibleng kayang magmahal sa isang taong nakasama lang ng isang gabi? Posible kaya? Hanggang mayamaya ay tumigil ito sa paghagulhol. Matapos niyon, naramdaman niyang marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "Thank you, Camille..." masuyo at sinserong wika nito, "Now... Can you be mine tonight?" Nakiki-usap ang tono nito nang sabihin 'yon kasabay nang marahang pagpisil sa kanyang baba. Namalayan na lang ni Calley na tumango siya bilang tugon. Matapos niyon, naramdaman na lang niya ang mapusok na pagkilos nito sa hubad niyang katawan. "Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook