“A-ANO kasi...” Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya? “What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya. “I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What’s that, Calley Trinidad?” inis pa ring tanong nito na ikinangiwi naman niya ng lihim. Nag-alinlangan na tuloy siyang ibigay ang pinaghirapan niyang cookies. Para kasing mainit ang dugo n

