NAGISING si Calley na mabigat ang pakiramdam, pero dahil kailangan niyang bumangon upang pumasok ay pinilit niyang kumilos. Ayaw na sana siyang papasukin sa trabaho ni Zack dahil ang katwiran nito'y hindi na niya kailangang magtrabaho pa dahil para saan pa iyon kung mapapangasawa naman niya ang may-ari ng kompanya? Isa pa'y nag-aalala din itong baka mapaano siya habang nasa trabaho. Ngunit dahil mapilit siya at ayaw niyang maging pagbigat ay nagpumilit siya at mangako naman siya ritong iingatan ang sarili. Pumayag naman si Zack ngunit ang kapalit, bimigyan siya nito ng personal driver upang ito na ang maghatid-sundo sa kanyang mula sa trabaho. "Teka hija, kaya mo na ba talaga? Kung hindi pa'y magpahinga ka muna—" "Don't worry Nanay Nathy, okay na po ako," nakangiti niyang awat sa matand

