October 10, XXXX (Day 17) Paglabas ko ng pinto bumungad sa akin ang nakatayong si Halimaw na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang naka-headset. Infairness ang cool niyang tingnan diyan. Nakita ko na 'yung driver ko na katabi lang sa pinagparadahan ni Halimaw. Naglakad na ako palapit sa driver ko na nakangiti ng wagas. Wagas makangiti si driver na model, ah. "Pangit saan ka pupunta?" tanong ni Halimaw kaya napatingin ako. Nakababa na ang headset niya. "Papasok na, kita mo naman na naka-uniform ako." sagot ko ng hindi na siya tiningnan. "Good Morning, Miss Yuuki." bati ng driver kong hindi ko alam kung ano ang pangalan. "Good Morning din." bati ko rin dahil wala naman akong sasabihin bukod doon. "Sasakay ka diyan?" napalingon ako sa taong sumulpot sa kaliwang tagiliran

