
Isang masamang balita ang natanggap ni Yuuki Shane De Vera. Ito ay nang malaman niyang isinugod sa Hospital ang kanyang Mama Mira. Dahil sa alam niyang malaking halaga ang kakailanganin nila para rito ay wala nang pagdadalawang isip na pumirma siya sa isang kontrata. Sa loob ng 100 days ay kailangan niyang maturuan na magmahal ang isang Nathaniel James Grear.
Buong akala niya ay madali lamang itong gawin. Pero nang makaharap niya ang guwapong binata na dinaig pa yata ang artista sa lakas ng dating, at may itinatago pala itong sama ng pag-uugali. Parang gusto na niya yatang umatras na dahil hindi niya gugustuhing makasama ang isang Halimaw na ka tulad nito.
Pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti niyang nakikilala si Nathaniel. May kabutihan din pala itong itinatago. Kaya naman napalapit na rin ang loob niya sa binata.
Dumating 'yung araw na biglang magbabago ang takbo ng buhay ni Yuuki. Matutuklasan niyang hindi pala siya isang tao o mortal. Na isa pala siyang Anghel na nagngangalang Yu na nagkatawang tao.
Matatapos niya kaya ang kanyang mission sa loob ng 100 days? Sa kabila ng katotohanang hindi pala siya isang mortal kagaya ng taong iniibig niya---si Nathaniel.
Ito ay hindi basta-basta at hindi ordinaryong kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang nagmamahalan.
Ito ang istoryang magpapatunay na ang pag-ibig ay hindi minamadali.
Ito ay nasa tamang panahon at pagkakataon.

