Chapter 01 :

2006 Words
September 24, XXXX (Day 1) PUNO NG KABA ang dibdib ko habang papunta ako sa opisina ng C.E.O. ng Grear Corporations na aking pinagtratrabahuan. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Dalawang araw palang ako sa kompanyang ito. Pero nakakapagtaka na pinapatawag daw ako ng C.E.O. Sana.. Sana hindi ako tanggalin sa trabaho ko. Paulit-ulit akong nanalangin na sana ay hindi ako matanggal sa trabaho. Dahil sa ito ang pinaka magandang kompanya na napasukan ko. Above minimum kasi ang pasahod with good benefits pa. Kaya matitiyak ko talaga dito ang magandang kapalaran ng buhay namin. Makakaya na naming kumain ng higit sa tatlong beses sa isang araw. "You are?" tanong ng magandang babae na sa tingin ko ay ang C.E.O. Tama nga ang nababalitaan ko. Maganda nga ang C.E.O. at hindi halatang 45 years old na siya. Humanga ako sa taglay niyang ganda. Kung titingnan talaga ay pang beauty queen ang ganda niya. Hindi matingkad ang pagkapula ng labi nito, medyo may pagka-dark red ang gamit nitong lipstick. Hindi rin makapal ang make up niya kaya ang fresh tingnan. 'Yung para bang pang korean actress ang ganda nito na 'di mahahalata ang edad sa itsura. "Ako nga po pala si Yuuki Shane De Vera." pakilala ko na bahagyang yumuko. "Please, sit down," itinaas niya ang kanang kamay at tinuro ang upuan na nasa harapan niya. Umupo ako ng maayos at tumingin sa kanya. Napa-clear throat ako sa kaba dahil hindi ko alam kung ano bang pag-uusapan namin. May nagawa ba akong mali? Matatanggal na ba ako sa trabaho? Iniisip ko palang na mawawalan na ako ng trabaho ay parang may bumabara na sa lalamunan ko. At ano mang oras ay iiyak na ako. "Okay, Yuuki. Are you a japanese or not?" biglang tanong niya habang may tinitingnan sa folder na hawak niya. "Ah, opo pero si Mama lang po ang japanese." sagot ko at saka yumuko. "Okay. How old are you?" tanong muli niya. "19 years old po." sagot ko. Wait a minute. Interview ba uli ito? "I have a nice offer for you, Miss De Vera." sabi niya na tinawag na ako sa apelyido ko. Bigla akong kinabahan. Parang dumoble yata ang kaba sa dibdib ko. Parang may naghahabulang pusa at daga sa loob ng dibdib ko. "Ano pong offer?" curious na tanong ko. "If you accept my offer. I will give you 1 million pesos." sabi niya na ikinalula ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Nagbukas at sara ang labi ko sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. 1 million cash? 'Di nga? Nananaginip ba ako? "1 million po?" tanong ko na namimilog ang mga mata. Baka nagkakamali lang ako sa narinig ko. Baka nagkakamali lang ako ng narinig. Bakit mag-o-offer siya sa akin ng one million? Daig ko pa yata ang nanalo sa lotto nito. "Yes, Miss De Vera. Please help me to teach my son, how to love and what love is. And also how to be caring with the people around him." sabi niya sa malungkot nitong boses. Para bang may pinagdadaanan ito na hindi kayang i-describe ng salita. Kailangan kong turuan na magmahal ang anak niya? Ipaalam sa anak niya kung ano ba ang pag-ibig? At kung paano magpahalaga sa mga taong nasa paligid nito? Pero bakit? Ano bang problema sa anak niya? Special child ba ito? "Ah, eh, puwede ko po bang pag-isipan muna?" tanong ko habang iniisip ang isasagot sa offer niya. Gusto kong tumanggi pero nandoon 'yung panghihinayang ko. Hindi naman kasi napupulot ang ganoon ka laking halaga. "Okay, I'll give you one day to decide. You may go now, Miss De Vera. See you soon." sabi niya na ngumiti pa sa akin. Tumayo na ako at parang lutang na umalis ng opisina ng C.E.O. Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iniisip ko pa rin ang offer ng Presidente sa akin. Dapat ko bang tanggapin o tatanggihan ko nalang? Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko pa rin ang offer na 'yon. Pero wala pa rin akong mabuong desisyon. Maaga akong pumasok ng trabaho kinaumagahan. Pero panay ang buntong-hininga ko dahil sa pag-iisip ng offer ng C.E.O. habang nasa trabaho ako. "Hoy! Yuuki! Masama 'yan sa trabaho. Mahuli ka pa ni Manager, masisante ka pa!" saway sa akin ni Anika na parang uusok na ang ilong. "Pasensiya na." sabi ko at bumaling sa kabilang table at kinuha ang mga papel roon. Nasa front desk ako naka-assign, nagre-record ng mga pumapasok at labas ng building. At sumasagot kung minsan kapag may tinatanong na floor o hinahanap na nagwo-work din dito. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. "Hello? Oh, Catherine, napatawag ka. Ha? Ano? Saang hospital 'yan?" natatarantang tanong ko. Nanginginig din ang kamay ko at nagbubutil-butil na rin ang mga luha ko. "Anika, sandali lang may pupuntahan lang ako." paalam ko at tumayo na sa upuan. "Hoy! Yuuki! Saan ka pupunta?" habol na tanong ni Anika. Dali-dali akong umakyat gamit ang elevator papuntang 24th floor. Napapakagat na ako sa kuko ko sa sobrang kaba. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinakalma muna ang sarili ko. Para magawa kong makapagsalita ng maayos na hindi gagaralgal ang boses ko. "Ma'am C.E.O., tinatanggap ko na po ang offer ninyo." bastos na kung bastos na dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina ng C.E.O. na hindi man lang nakuhang kumatok ng pinto. "Good, sign this papers." may inilapag siyang papel na mabilis kong pinirmahan. "I'll give you 100 days to finish this." sabi niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Desperada na kung desperada pero mas mahalaga ang buhay ni Mama Mira. Siya ang tumayong magulang ko nang mamatay ang parents ko. Kaya hindi ko hahayaang mawala siya. 100 days lang naman 'yon at 1 million ang bayad. Sobra-sobra na sa pagpapaopera ni Mama Mira. At maaari na kaming makapagbagong buhay. Hindi ko mapupulot ang ganoon ka laki na halaga. Kahit na araw at gabi akong magtrabaho ay hindi ako kikita ng ganoong halaga. Napalabi ako matapos kong maalala 'yung mga nangyari at kung bakit ako nasa tapat ng isang malaking gate. Nakapagpaalam na rin ako sa pamilya ko na mawawala ako ng tatlong buwan at mahigit na isang linggo. At may bagong work ako na malaki ang suweldo. Ako na ang nagbayad ng bill ni Mama Mira. Lumipat na rin kami ng bagong bahay dahil kailangan ni Mama Mira ng malinis at maayos na bahay. Binigyan ko rin ng pangpuhunan para sa negosyo si Papa at Catherine. "Tama naman ang address na pinuntahan ko di ba? Pero bakit parang palasyo yata ang napuntahan ko? At hindi isang bahay?" halinhinan kong tinitingnan ang gate at ang address na nasa papel. Pero kahit anong gawin ko ay tama ang address na napuntahan ko. Sobrang laki ng gate at dinaig pa yata ang gate ng mga pabrika. Kahit yata magnanakaw ay 'di tatangkain na akyatin ang ganitong gate. Bahala na nga, hmm.. Saan ba ako kakatok? Teka lang, ang laki nitong gate, eh. Nakita kong may bumukas sa kanang bahagi ng gate na may maliit na pinto. May nakita akong naka-uniform na babae na lumabas doon. "Ah, Excuse me. Ate, puwede bang magtanong?" tanong ko sa naka-uniform na babae nung lapitan ko ito. "Sige, huwag lang Math," sagot ni Ate sa akin matapos ilagay ang garbage bag sa isang malaking lalagyan na para sa mga basura. Paano na pasok ang Math dito? Puwedeng magtanong basta huwag lang Math? Teka nga, wala naman kami sa school di ba? Para magtanong ako ng Math? "Ah, sige. Itatanong ko lang sana kung dito po ba nakatira si C.E.O. Nathallia Grear ng Grear Corporations?" tanong ko. Kailangan masiguro ko kung dito nga ang bahay ni Ma'am C.E.O.. Mahirap na magkamali, unang araw ko pa naman sa new job ko. "Ah? Oo, dito nga. Sino po sila?" sagot ng babaeng naka-uniform na sinundan pa ng tanong. "Ako po si Yuuki Shane De Vera pinapa—" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng magsalita siya. "Ma'am Yuuki, tara na po sa loob. Hinihintay na kayo ni Madam." sabi niya. Huh? Ma'am Yuuki? May pagtataka man sa isipan ko sa tinawag niya sa akin ay sinundan ko nalang siya. Napapahawak ako sa dalawa kong kamay dahil nate-tense na naman ako. Masasabi kong mayaman talaga ang C.E.O. kaya hindi nakakapagtaka na kaya niya akong bayaran ng 1 million pesos. Nalulula ako sa ganda ng bahay maging sa mga mamahalin nitong gamit sa loob. Silver and gold ang theme ng bahay nila na sobrang laki at lawak. "Pumasok ka nalang sa loob. Maiwan na kita." sabi niya sa akin mukhang may ginagawa pa itong trabaho. "Maraming salamat po." tugon ko nalang. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. "Magandang araw po." bati ko. "Yuuki, mabuti nandito ka na. Akala ko'y naligaw ka na." sabi niya na ikinagulat ko. Si Ma'am C.E.O. ba ang nasa harapan ko? Pero bakit parang may kakaiba? "Para kang natuklaw ng ahas diyan. Nagulat ka ba na nagtatagalog ako?" sabi niya at naupo sa isang couch. "Upo ka muna, Yuuki." alok niya kaya sumunod nalang ako. "Ah, Medyo naninibago po ako dahil sa nagtatagalog nga po kayo." sagot ko na napayuko. "Haaay.." napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pag-inat niya ng katawan. "Kapag kasi nasa opisina kailangan maging disiplinado ako. Kailangan kong magwika ng ingles. Nakakapagod at nakakadugo rin 'yon." paliwanag niya na may halong pagbibiro sa tono ng boses niya. Ngayon lang ako nakatagpo ng tao na ingles ang salita sa trabaho tapos nagtatagalog sa bahay. Kunsabagay, 'yung mga call center agent nga pala, english speaking sa work pero tagalog naman din sa bahay. "Yuuki, mabait naman ang anak ko may pagkahalimaw lang minsan." sabi niya pa na umayos na ng upo at may seryosong mukha. Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Kalahating halimaw? Aswang po ba siya?" nanginginig na sabi ko. Bigla akong natakot sa sasapitin ko. Baka hindi na ako makabalik pa ng buhay sa pamilya ko. "Nakakatawa ka pala, Yuuki. I like you." natatawang sabi niya. Ako? Nakakatawa? Hindi naman ako comedian di ba? Hindi rin ako Clown. Paanong nangyari na nakakatawa ako? Hindi ko maintindihan. "Ako po? Nakakatawa?" patanong na sabi ko. "Oo, nakakatawa ka. Hindi aswang ang anak ko. Pero may ugali siya na parang halimaw. I mean, may pagkamasama ang ugali niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganoon." bakas sa boses niya ang kalungkutan ng sabihin iyon. "Mom! Ano'ng ginawa mo sa kabilang kuwarto, ha?" tanong ng isang tao na kakapasok lang sa pinto. "Nandiyan ka na pala Nathaniel, doon na muna si Yuuki sa kuwartong 'yon." sagot ni Ma'am C.E.O. na napatayo pa sa couch. "Wala akong pakialam kung sino man ang Yuuki na 'yan! Ibalik mo ang mga instruments ko sa kuwartong 'yon!" malakas na sabi ng taong kakapasok lang. Napatayo ako mula sa pagkakaupo nung marinig ko ang pangalan ko na isinigaw niya. "Huwag ka ngang sumigaw Nathaniel James! Nandito si Yuuki. At huwag mong ipakita sa kanya ang kagaspangan ng pag-uugali mo!" napasigaw na rin si Ma'am C.E.O. "Ah, teka lang po. Wala kayong matatapos na usapan kung magsisigawan po kayo." singit ko dahil pakiramdam ko nasa gitna ako ng nag-uumpugang pader. "Shut up! Hindi ka ang kausap ko!" sigaw nito sa akin. Napatingin ako sa unang pagkakataon sa kanyang mukha. Siya ba ang anak ni Ma'am C.E.O.? Para siyang prinsipe at dinaig pa ang artista sa lakas ng dating pero... tse! Ang sama ng ugali niya! Yuck! "Huwag mong pagtataasan ng boses ang bisita ko!" sigaw ni Ma'am C.E.O. sa anak niya. Padabog na sinarado nito ang pinto matapos lumabas. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, Yuuki. Mabait 'yan pero may pagkahalimaw lang." sabi niya sa'kin. "Okay lang po 'yon. Okay lang po ba kayo?" tanong ko. Naghalo-halo na 'yung nararamdaman kong takot at kaba. "Okay lang ako, salamat." sagot niya at naupo muli sa couch. Ngayon palang nagsisimula ang 100 days contract ko. Kaya ko kayang matapos ito? Kaya ko bang turuan ang anak niya na magmahal sa loob ng 100 days?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD