Prologue :

229 Words
"Yuuki, kailangan na nating umalis." sabi niya na nagmamadali o parang may hinahabol kaming flight. Bakit ba nagmamadali siya? Kaasar naman, oh! "Hindi ba puwedeng bukas nalang? Bukas na ang huling araw ko para sa 100 days contract ko. Pinaka huling araw sa pinirmahan kong kontrata kay Tita Thallia." sabi ko na pilit siyang kinukumbinsi. "Hindi puwede, kailangan na nating umalis!" sabi niya nang mariin at hindi na ako tiningnan pang muli. "Eh? 99 days palang ngayon. Kailangan kong ikompleto 'yon." pagmamatigas ko. Isang araw nalang 'yon! Hindi pa niya ako mapagbigyan. Napabuga ako sa hangin na sobrang naiinis. "Ano'ng gusto mo? Ang mawala siya o ikaw ang mawala?" tanong niya na halatang naiinis na sa pagmamatigas ko. "Oo na, aalis na tayo," pikit matang sabi ko. Naglakad na siya palabas ng silid kaya sumunod naman ako sa kanya. "99 days lang? Hindi man lang pinakompleto ng 100 days." pagmamaktol ko na pabulong-bulong. 99 Days with My Prince, Halimaw? Hmm, hindi na masama. "Nakahanda ka na ba?" tanong niya na nakuha pang ngumiti. Kita mo ito, ngumiti pa! Tsk! Nang-aasar talaga siya. "Oo, nakahanda na ako basta para sa kan'ya. Tuparin mo rin ang kasunduan nating dalawa." sabi ko na pinaalala ang pinag-usapan namin noong nakaraang araw. "Oo, tutuparin ko basta tutupad ka rin sa napag-usapan natin." ngiting sabi niya kaya tumango ako. Para sa iyo ito, mahal ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD